Chapter 2 "The Past"

108 45 89
                                    

"I will never let you fall. I'll stand up with you forever...

I'll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven..."

Hindi magkamayaw ang sigawan at tilian ng mga tao sa stadium habang sinasabayan ang pag-awit ng banda sa stage.

The vocalist's voice was heavenly. At ang higit na nakakapagpalobo sa puso ni Saia ay ang mga mata ng guwapong bokalista na sa kaniya lamang nakatitig.

"You're mine...
You're mine.
My true love, my whole world.
Please dont throw that away.
Cause Im here, yeah, for you..."

Damang dama ni Saia ang halos umaaapaw na damdamin para sa lalaking nasa stage. Lalo na ng hinawakan nito ang mikropono at bumirit habang walang kupas ang pagtitig sa kaniya.

Ang kantang iyon na "Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus ang unang kantang inalay sa kaniya ng lalaki nang simulan nitong ligawan siya. At iyon din ang inaawit nito ngayon para sa kaniya.

"This may be a concert for a cause, but remember that every song I sing is for you."

Natigil si Saia sa pag-aayos ng mga dumating niyang order from Manila dahil sa mga alaalang biglaan na lamang bumalik sa kaniya.

So I did know him then, huh.

Iyon ang mga alaalang bigla na lamang sumulpot sa memorya ni Saia tungkol sa lalaking nagngangalang Kiel. Hindi niya maalala kung kaano-ano siya nito, although she can remember him as a handsome young man courting her at school.

The moment she first saw him on the road with his dog, she felt that she somehow knew him. She can vaguely remember being hurt by him. Hindi niya maalala kung paano, saan at kailan siya nito nasaktan. All she can remember was the pain.

So she just dismissed him.

"Sinagot ko kaya siya?" bulong niya saka nakangising ipinilig ang ulo. "If I did, ee di swerte niya. Kung hindi, well, past is past. Pwede namang... sagutin ko siya ngayon," napahalakhak siya sa naisip.

Oh well. This is her. She had long since accepted the fact that she wont gain all of her lost memories from before. Never niya pinilit ang sariling alalahanin ang lahat lalo at alam niyang hindi naman iyon makakabuti sa kaniya.

It's not worth her time and effort.

"Josiah," narinig niyang tawag ng kaniyang Tita Joy. Maya-maya lamang ay sumilip ito sa bungad ng kwarto niya. Wala naman kasing pintuan ruon at tanging kurtina lang ang harang.

"Yes, Tita kong maganda?"

"Wala akong pamasko!" singhal nito na may kasamang ngiti saka lumapit sa kama niya. "Baranggay Day ngayon dito sa Tabo-o. Invited tayong lahat ni Kap duon sa Baranggay Hall," inusisa nito ang mga bag ng kapeng inaayos niya. "Ano ba itong mga ito? Ito ba yung negosyo mo sa Manila?"

"Opo, Tita. Nagpa-order ako para mabentahan ko ng kape yung mga customers mo. Dagdag kita din yun."

"Batang to, nagbakasyon para magpahinga. Pagdating dito ee negosyo din pala ang inaasikaso. Tigilan mo na yan!" inabot nito ang isang bag at inamoy. "Ang bango nito. Akin na 'tong isa ha? Pasalubong mo na lang sa akin. Mahal naman kita."

Natawa siya sa diskarte ng Tita niya. Negosyante rin talaga! "Opo Tita, sa inyo naman po talaga iyan. Saka may dalawa pang darating next week, sa inyo rin po iyon."

"Uy, salamat!" nakangiti siyang niyakap ng Tita niya at nagsimula nang lumabas ng kwarto. "Ay, yung sinabi ko ha?" muli nitong paalala. "Ngayong gabi yung huling celebration ng Baranggay Day natin kaya sumunod ka. Bilisan mo! Sayang ang mga pa-raffle!"

My Bitter Sweet GirlWhere stories live. Discover now