Chapter 5 "The Question"

78 42 37
                                    

"Sino po sila?"

Alas sais pa lamang ng umaga ay may kumakatok na sa bahay ng kaniyang Tita Joy. At dahil nasa Maria Cristina Falls ang tiyahin kasama ng kaniyang mga pinsan at nag overnight swimming ay si Saia ang tumatao ngayon.

Siya na rin kasi ang mismong nagtulak sa tiyahin na mag unwind. Nakatali na kasi ang buhay nito sa carinderia at bihira lamang makapag bakasyon. At dahil isang tawid lamang ng barge ang Lanao Del Norte ay sa kilalang falls na dumayo ang mga ito. Ipinasama na rin niya ang mga bata at nang walang umiistorbo sa pananahimik niya.

"Maayong buntag," bati ng isang lalaki na napagbuksan niya ng pinto.

(*Translation: Magandang umaga)

Tango lamang ang isinagot niya. Ke-aaga talaga magsi-gising ang mga tao rito sa probinsiya. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki.

The good looking guy looks clean and immaculate with his white polo shirt and black slacks. He's carrying a bag with his hand while the other was extended to her.

"I'm Doctor Drei Castilles, nice to finally meet you Miss Atienza."

Finally?

Inabot niya ang kamay nito at dagling nakipagkamay.

"Ano pong meron?" aniya na kinusut-kusot pa ang mga mata. Talagang kababangon lamang niya mula sa higaan kaya't kung mayroon man siyang mga morning glory sa mata ay hindi na niya kasalanan.

The guy laughed as if he found her amusing somehow.

"Pinadala ako ng kapitbahay mo para i-check up ka."

"Huh? Sinong kapitbahay?"

"Si Kiel."

Luminga-linga si Saia upang hanapin ang kutong-lupa. Sa halip ay ang aso nitong si Xian ang nakita niyang nakaupo sa paanan ng lalaki at nakatingala sa kaniya.

"Wala siya dito," sagot ni Drei sa paghahanap niya. "May urgent meeting sila sa Taiwan kaya si Xian na lang ang pinadala niya on his stead para daw maniwala kang katiwa-tiwala ako."

"Sinabi niya iyon?"

"That and more."

Mukha nga namang pormal ang lalaki at ang asong si Xian ay kampante din naman sa tabi nito. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ito.

"Pero Dok, wala naman ho akong sakit. Nakakahiya naman pinapunta pa kayo dito sa bahay."

Naupo ang duktor at nagsimula ng maghalungkat sa bag nito.

"Kiel is my friend for around 5 years, and this is the very first time for me to receive a 3am call from him asking me to 'please make sure to use all your skills to make her okay or else,'" anito na gumamit pa ng hand quote sa ere.

Inilabas nito ang stethoscope at binalingan siya. "I prefer to do this at the clinic pero sabi niya, short of kakaladkarin ka ay hindi ka sasama."

Maasim na mukha ang isinagot niya.

"Pasensiya na ho Dok, sinabihan ko naman siyang okay ako, ewan ko anong problema nuon."

Ngumiti lamang ang duktor. "Para sa ikatatahimik ng mundo niya at pati na rin ng pagtulog nating dalawa ay pagbigyan mo na akong icheck up ka. General exam lang naman ito. I wont be asking any samples from you."

She cringed when she thought about those "samples." At dahil narito na rin naman ang lalaki ay wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito.

Binalingan niya si Xian na ngayon ay nakatanghod na sa kaniya.

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon