Prologue "KIEL"

198 48 98
                                    

"Welcome to Café Latia!"

Inilibot ni Kiel ang paningin sa paligid ng café na pinasukan niya. Everything looks nice and homey from the interior designs, the cool brownish color of the wall papers, the comfortable looking couches, and to the cute but simple uniform of the worker who greeted them.

"Are you sure nandito siya?" baling niya sa kaibigan niyang si Claude na naupo na rin sa tapat niya. "She never liked coffee. How come that she works for something that she doesn't even like?"

"Did you just insult my expertise?" tinanggal ng kaibigan ang suot na jacket at sumenyas sa isang crew. "People change, Kiel. What she hated before, she may now love."

"Yeah," bulong niya, "and vise versa."

"Ano pong order niyo mga gwapong fafa?"

Sabay nilang nilingon ang isang nakangiting crew na nag abot ng dalawang menu sa kanila.

"Iyong una ang menu for all the drinks, at iyong pangalawa para sa mga breads and pastries namin."

"Monica," basa ni Claude sa namepin na nakakabit sa damit ng crew. "Ano ang pinakamasarap ninyong drink dito?"

"Ako po..."

Nagningning ang mga mata ni Claude at nginitian ang crew.

"Ahm," namumulang bawi ng babaeng crew na hindi na maialis ang mga mata sa kaibigan niya. "I mean, ako po ang mag-aassist sa inyo."

Hindi na pinansin ni Kiel ang usapan ng nagpapacute na crew at ng babaero niyang kaibigan.

Inilibot niya ang paningin at pinagmasdan ang bawat babaeng crew. He's looking for someone who has that cute smiling face that he can never forget.

Then, he started hearing commotion from the other corner of the café.

"What the hell is this?! Mocha frappe ang inorder ko hindi ang masagwang liquid chocolate na ito!"

"Sir, I assure you, mocha frappe iyang ininom niyo. I prepared it myself."

"Well you prepared it wrong! You are an idiot. Give me your manager!"

"Speaking, sir. Idiot manager at your service."

Madidinig sa cafe ang mahihinang tawa ng iba pang mga customer. Halatang napahiya ang sumisigaw na lalaki kaya't lalo pa nitong pinag-igihan ang pagpapahiya sa kaharap nitong babaeng crew na siya rin palang manager.

"You're the manager? Hindi halata." Ngumisi ito at tinapunan ng nakakalokong tingin ang babae. "Para ka lang babaeng tumi-table sa mga bar. Cheap. Hindi ka bagay dito sa mamahaling coffee shop."

Halatang tinablan ng hiya ang babae. Kahit nakatalikod ito ay napansin ni Kiel ang tensiyon sa paraan ng pagkakatayo nito at sa pagkakadiin ng mga kamay nito sa hawak na tray.

"Sir, kung masyado kayong natatamisan sa timpla ng mocha frappe namin, papalitan ko ho. Just tell me kung ilang percent ng sugar ang gusto niyo. Or kung gusto nyong itry ang iba pa naming flavors, no need to pay extra. Your next order is on the house."

"Anong akala mo sa akin? Cheap katulad mo?" singhal ng lalaki. "5 digits ang sinisuweldo ko kaya kahit ikaw kaya kong bilhin!"

"Okay, Sir. So ano na po ang oorderin ninyo? You want to try the most expensive one we have? Libre naman po. Ilan? Sampu ho ba? Libre din. All for our customer na 5 digit ang sinisweldo."

Muli na namang nagkatawanan ang mga tao sa paligid. Pulang-pula na ang mukha ng lalaki.

"Sir?" untag ng babaeng crew sa nanggagalaiting lalaki. "What is your order?"

My Bitter Sweet GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon