Goblin

63 31 35
                                    

"Saia!"

Napapikit siya sa pasigaw na sita ni Monica malapit sa kaniyang tainga. Bago pa siya makapagsalita ay gumana na naman ang bibig ng madaldal niyang kaibigan.

"Ano na, teh? Dito na tayo matutulog sa shop? Wala kang plano umuwi? Aba naman! Ang trabaho tinatrabaho! Hindi yung ginagawa mo ng bahay!"

"Monica--"

"Paano na ako? Paano na ang lovelife ko? Paano na ko mabubuhay nito? Ohmaygad! What is the meaning of--"

Binato na niya ito ng throw pillow na nasa couch ng shop. Sapul ito sa mukha na tila bale wala lang din naman dito dahil pinamaywangan pa siya.

"Aalis tayo o aalis?"

"Kung pinapasalita mo lang ako eh di sana nakauwi ka na kanina pa."

Akala niya ay matutuwa ito ngunit nanatili lamang itong nakapamaywang at tila may hinihintay na kung anu mula sa kaniya.

"Ano?" tanong nya.

"SO ano, ako lang ang uuwi? Ikaw hindi? Por que wala kang love life?"

"HOY!" muli niya itong binato ng unan. "I feel attacked!"

"I'm really attacking you, gaga!" bumuntong hininga ito at pabagsak na tumabi sa kaniya. Pagkatapos ay eksaheradong sumimangot. "Masakit ba mainlove?"

Babatuhin pa sana niya ito ng throw pillow nang mapag-isip dahil sa tanong nito. Masakit nga ba?

Oo besh... Masakit. Aray! Yayay!

Sa huling paguusap nila ni Kiel ay napagtanto niyang gusto lang talagang bumawi ang lalaki sa pagkakamali nito kaya nagpaparamdam ito. Maaaring may nararamdaman ding espesyal si Kiel para sa kaniya dahil sa nakaraan nila ngunit hindi iyon sapat para kay Saia.

Maarte na kung maarte. Pero seryosong relasyon ang hinahanap niya. She's not getting any younger at ayaw niyang sayangin ang panahon sa relasyong guilt lang ang pundasyon.

Oo, pwede niyang ipagwalang bahala ang dahilan nito. Oo, pwede siyang gumawa ng paraan para sa kalaunan ay tuluyan nang mahulog ang puso ng binata sa kaniya. Ilang beses iyong pumasok sa kaniyang utak nang gabing iyon mula nang mag-usap sila ni Kiel sa bahay nito.

But call her a hopeless romantic. Or a romantic fool as well. But for the man she had "again" given her heart with, she can be selfless.

She can let him go. Maybe they are not for each other. Or maybe, they are, and all these heartaches will just one day be a part of their roller coaster history.

Basta ang mahalaga, gagawin nya ang tama. She has to do this the right way. For him, and most of all for herself.

Kaya nang gabing iyon mismo ay nag book na siya ng flight pabalik nang Maynila. Di baleng napakamahal ng naging ticket niya. O nawindang ang Tita Joy niya sa biglaan niyang alis kinabukasan. O naiyak siya sa biyahe dahil hindi na niya sinilip ang bahay ng lalaki bago man lang siya nakaalis.

Ang mahalaga, both of them will now have peace of mind... Kahit na nga ilang linggo na siyang mamatay matay sa stress ng trabaho, mailublob lamang niya ang utak sa kahit anong bagay, huwag lang niyang maisip ang lalaki.

Which she is doing at the moment.

"Ayan. Ang layo mo na naman sa akin." Malungkot na saad ni Monica. Nang malingunan niya ito ay nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

"Hoy!" Untag niya rito. "Bakit umiiyak ka? Ang O.A. mo talaga!"

"Eh kasi,"anito habang pinupunasan ang mata. "Kasi malungkot ka rin eh."

My Bitter Sweet GirlWhere stories live. Discover now