Chapter 1 "Pagbabalik"

159 48 98
                                    

"Manong para."

Naglingunan sa kaniya ang mga katabi ni Saia sa fx na sinasakyan.

"Manong sa tabi na po," ulit niya nang hindi pa rin humihinto ang sasakyan at tuloy-tuloy pa rin ang driver sa pakikipaghuntahan sa katabi nito.

"Unsa?"
(Translation: Ano?)

"Ay," napakamot na lang si Saia ng ulo. Nakalimutan niyang nasa Misamis Occidental na nga pala siya. "Lugar lang. Diri ra ko, kuya."

(Translation: Para, dito lang ako kuya)

Nang sa wakas ay naintindihan na ng driver ang sinasabi niya ay agad itong gumilid. Nagmamadali siyang bumaba bitbit ang hila hilang mga gamit.

Ewan ba naman niya kung bakit kasi nakatitig ang lahat ng pasahero sa kaniya. May iba pang pangiti-ngiti sa kaniya habang tila siya insektong sinusuri mula sa itsura hanggang sa pananamit.

Pakiramdam niya nakakita ang mga ito ng alien.

Alien nyong mukha nyo.

Sa wakas. After 3 days ang 2 nights of travelling on a passenger ship, she wanted to hug the dirt. Mas masarap pa rin pala talaga ang lupa sa mga paa kaysa tumitig sa asul na dagat nang walang hinto.

Tinanaw ni Saia ang malawak na maliiit na Baranggay ng Taboo.

Gulo ko.

Malawak dahil walang naghihiganteng mga gusaling pumipigil sa paningin niya.

Maliit dahil iilan lang naman ang bilang ng mga pamilyang nakatira ruon kung saan napapagitnaan ng ektaryang palayan at maalon na dagat.

Saglit niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim.

O bayan ko, nagbalik na ako.

She hated her town when she was younger. Ngunit totoo nga yata ang kasabihan na malalaman mong nag-mature ka na kung nag-iba na ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.

Ang dagat na natatanaw niya sa di kalayuan na dati ay kinababagutan niya, ngayon ay tila nakakakalma ng pagod na nararamdaman niya mula sa biyahe.

Ang malawak at berdeng palayan na dati ay pinandidirihan niya dahil sa putik, now soothes her eyes.

At ang hangin.

Hmm...

Malalim siyang huminga at ninamnam ang sariwa at malamig na hangin.

"I love this -- Ay putek!" muntik na siyang matalisod at sumubsob sa sementong daanan dahil sa kung anong bagay na naapakan niya. Mabuti na lamang at naitukod niya ang kamay kung hindi ay nakipag-beso na siya sa matigas na aspalto.

"Ano ito?!" dinampot niya and tila puting bato na siyang muntik ikadapa niya. "Hayup ka, wag kang kakalat-kalat sa daan at nang hindi ka nakakadisgrasya!" Akma na sana niyang itatapon iyon sa malayo nang may madinig siyang sunud-sunod na pagkahol ng isang aso mula sa malapit.

"That's mine."

Nilingon ni Saia ang pinanggalingan ng nagsalita. The guy walking towards her had a big white and brown Saint Bernard tumbling beside him.

Malaking aso katabi ng malaking tao...

"Sa iyo 'to?" tanong niya nang makalapit ito. Dahil sa tangkad nito ay kinailangan niya pang tumingala para lang matignan ito.

Putek, sakit sa leeg!

Sa halip na sumagot ay tila natitigilang nakatitig lamang ang lalaki sa kaniya. Nakatingin o nakatitig, ewan niya. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito na tila nakakita ng multo.

My Bitter Sweet GirlWhere stories live. Discover now