Chapter 6

69 41 30
                                    


Nagtatakang inilibot ni Kiel ang paningin sa kaniyang bahay.

Kararating lamang niya mula sa ilang oras niyang flight mula sa isang business trip sa Taiwan. Mag-iisang oras na siyang nakahilata sa sofa ngunit ngayon lamang niya napansin na walang nanggugulo sa kaniya. Tahimik ang bahay.

"Aling Nanet?" tawag niya sa kasambahay na agad namang lumabas mula sa kusina. "Si Xian ho?"

"Nangapitbahay ho, Sir," nakangiting sagot ng ginang.

"Nangapitbahay?"

"Ilang araw na ho iyong nag-i-stay duon kay Mam Saia. Nagpunta ho si Mam dito nuong nakaraan at ipinaalam na ayaw daw ho umuwi ni Xian kaya siya na daw muna ang mag-alaga hanggang wala pa kayo, Sir."

Dagling bumilis ang tibok ng puso ni Kiel nang marinig ang pangalan ng babaeng dahilan kaya't napahaba ang meeting na dinaluhan niya. Palibhasa lumilipad ang isipan niya kaya't nakakailang session sila para lamang maintindihan niyang maige ang mga pinaguusapan nila.

"Kukunin ko na ho ba si Xian, Sir?"

"Ako na po bahala Aling Nanet," mabilis siyang tumayo at siniguradong presentable ang itsura niya.

He missed his "friend." Na-miss niya ang katarayan ng babaeng iyon pati na rin ang mga ginagawa nitong nakakapagpatawa sa kaniya. He never had a boring moment of his life whenever she's around. At kahit nga wala itong gawin ay sapat na sa kaniya ang presensiya nito.

Napailing siya sa sarili. This is bad...Very bad Kiel.

Kumatok siya sa pintuan ng bahay ng tiyahin ng dalaga. Ngunit nakita niyang bahagya na pa lang bukas iyon.

"Saia?" tawag niya. "Xian?"

Nadinig niya ang kahol ng alaga mula sa luob ngunit hindi naman siya nito sinalubong.

"Tita Joy? Papasok na ho ako?"

Nang wala pa ring sumalubong sa kaniya ay kusa na siyang pumasok sa luob ng sala. Walang tao ruon. Mula niyang narinig ang pagkahol ni Xian. Sinundan niya iyon patungo sa kwarto.

"Saia?" tawag niya habang hinahawi ang kurtinang tanging pagitan ng sala at kwarto. Marahil natutulog pa ang dalaga. Ganunpaman ay bakit naiwang nakabukas ang pinto?

Sinalubong siya ni Xian na halatang tuwang-tuwa sa pagkakakita sa kaniya. "Good boy, daddy missed you boy. Nagpakabait ka ba?"

"Oo. Kung sana lang kasing-bait mo sya"

Nilingon niya si Saia na siyang nagsalita mula kung saan. Naruon pala ito at nakahiga sa taas ng double deck. Nakadapa ito at nakatanaw sa kanila.

Hindi naiwasan ni Kiel na mailibot ang paningin sa nakikitang suot na pantulog ni Saia. She looks so cute on her baby blue pajama terno. Yakap-yakap nito ang unan at nakatingin sa kanila.

"Hi," kinastigo niya ang sarili. Ang tagal nilang hindi nagkita at "hi" lang ang kaya niyang sabihin? Tumikhim siya at pinilit na sa malalamlam na mga mata ng dalaga itutok ang pansin at hindi sa kung saang parte nito. "Thanks for taking care of Xian. I hope hindi siya nagbigay ng sakit ng ulo."

"Hmn," tango nito. "He's good. I left his food on the kitchen cabinet. Kunin mo na lang." Isinubsob nito ang mukha sa unan, "Close the door when you go out please."

Iyon lamang at hindi na siya nito nilingon. Galit ba ito?

"May pasalubong ako sa iyo," he started going to her but then he remembered he's on her bedroom. Mas maganda nang medyo malayo siya sa dalaga kaysa kung anu pang kademonyohan ang pumasok sa isipan niya. "Don't you wanna see it?"

"No."

Napangiti siya. Umandar na naman ang kasungitan nito. "Come on. I'm sure you'll like it."

"Next time."

"It's already 11 in the morning, it wont take that long-"

"Hon please... not now."

Natigilan si Kiel sa nadinig. Did she just... "What did you say Saia?"

Nang hindi ito sumagot ay duon na siya nagtaka. Something's wrong. Hindi na siya nagatubiling lapitan ito.

"Hey, are you alright?" hinaplos niya ang buhok nitong nakatabon sa mukha nito. Ngunit sa halip na tarayan siya nito na normal nitong ginagawa ay tumango lamang ito. He touched her head.

Shit. She's hot. And not just because she really looks good on the cute sleepwear, and that he missed looking at her like this and touching her skin like this at talaga namang nasisiraan na siya ng ulo dahil nagagawa niya pang mag-isip ng ganito ngayong mainit ito.

Inaapoy ng lagnat ang dalaga kaya marahil wala na itong reaksiyon sa ginawa niyang pangungulit at paglapit dito ngayon. Hindi na rin ito umiimik kaya't hndi na niya alam kung tulog ito o nawalan na ng malay. He needs to see her face and make sure that she's still breathing.

Dahil nakadapa ay marahan niya itong iniikot. Nakapikit ang mga mata nitong halatang wala ng kamalay-malay sa mundo. Iniayos niya ang buhok nitong tumatakip sa mukha nito at pinagmasdan ang maamo nitong mukha.

He couldn't help his eyes from looking at her all over. Bahagyang umakyat ang pang-itaas nito dahil sa ginawa niyang pag-ikot. The smooth expanse of her tummy brings back the memories of him freely touching her when she was still his.

God, woman. See what you are doing to me!

Napalunok siya at nanginginig ang kamay na ibinaba ang damit nito. Looking back at those memories are dangerous especially now that the woman doesn't know what's happening.

But God, he can't help looking at her face that he had missed so much. The face that haunted him for years and still does on his dreams at night. The face that he never stopped remembering each day even though he had been with others trying to forget her.

"I tried," mahina niyang bulong habang masuyong hinahaplos ang makinis nitong mukha. "God knows how much I tried to move on with my life knowing that you already did."

When he saw her 2 years ago on that café of hers, hugging and kissing a guy that was not him, he decided to let her be.

Ginawa niya ang lahat upang iwasang makita ulit ito. His friend Claude - who owns a private investigating agency - told him that the guy they both saw from the café was indeed his boyfriend. After making sure that the guy was clean, he accepted defeat.

She made her own life on her own, she found success on her own, she found love on her own. Bakit niya gugustuhing guluhin ang buhay nito matapos nitong mahanap ang sariling kaligayahan na naipagkait niya nang magpaka-gago siya at iwan ito?

"But then you went back to this town... all alone." Saia groaned as if in pain. Mahina siyang napamura at dagli-dagling tinawagan ang kaibigang duktor.

"Drei. Saia has fever. She's not talking or responding to me. Please get here. ASAP."

Hindi na niya hinintay ang sagot ng kaibigan at agad na tinapos ang tawag. Nagtungo siya sa kusina at naghanda ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana at ipinatong iyon sa mesita sa kwarto ni Saia.

He approached the cabinet but hesitated. Kailangan niya ng towel ngunit baka magalit ang dalaga kapag naghalungkat siya sa mga gamit nito. Kilala nya ito kung paano ma-beast mode kapag may ibang nangingialam ng mga personal things nito. Muli niya itong nilapitan. "Saia?"

Hindi pa rin ito sumasagot. Kinakabahan na siya. Bakit ba ang tagal ni Drei?

He saw that her bed is made of wood with no beddings. Normal na higaan iyon sa kanilang probinsiya ngunit alam niyang sanay sa kama si Saia at sigurado siyang masakit sa katawan nito ang hindi kinasanayang papag.

Ginawaran niya ito ng isang halik sa noo. "Hang on there, Hon. I'll take care of you."

Then he gently carried her to his home.

My Bitter Sweet GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora