Chapter 30 - Having Some Fun

Start from the beginning
                                    

Tumango-tango naman si Flerida sa kanya. "Tom, magiging maayos din ang lahat! We just need to heal from all of these shits and be fine, but definitely, babangon din tayo mula sa ganitong sitwasyon. Kailangan lang natin ang magpahinga. Kailangan lang natin ang mag-move forward para sa mga ganitong sitwasyon. Just don't be sad, okay?" It seems like Flerida is giving her some assurance. "Mawawala ang kapogian mo niyan kakaisip, bahala ka!" Napatawa na lamang si Tom dahil dito, atsaka napailing.

----------------

Nakakita ng bluetooth speaker si Sir Raygon sa may unahan ng jeepney. Ipinasa niya ito papalikod, na binuksan naman at pinatugtog nina Ethan. Akala nila noong una ay hindi na ito gagana dahil wala na silang mga cellphones upang maka-connect ito rito. Aidan analyzed it, nakita niya na may nakapalsak na memory card rito, kaya naman in-on na nila ito at nagpatugtog na sila rito. It is now 3 pm. Alas-dos na nang maka-alis sila mula sa Tagaytay City, ngunit dumaan sila sa may Expressway kaya naman mas napabilis ang kanilang biyahe.

Walang ibang sasakyan sa daanan at sila lang ang makikita mong nagda-drive rito. Walang traffic, at walang ibang mga tao sa kalye. Mga zombies, meron. . . Ngunit dahil hindi na matibay ang mga buto nito at alam nilang patay na ang mga ito, sinasagasaan na lamang ni Sir Raygon ang mga ito kapag may nadadaanan sila o nakaharang sa kanilang daanan. . . Nakakakita na sila ng mga nagtataasang building ngunit wala pa talaga sila sa Manila. . . But one thing they are sure for now, ay malapit na sila rito, at malapit na silang makaligtas sa outbreak na ito.

Ang plano nila noong una ay matutulog na lamang sila at magpapahinga sa kanilang buong biyahe. Napagod sila sa lahat ng kanilang mga napagdaanan, kaya naman ito lang ang nasa isipan nila kanina. Ngunit ngayon, dahil sa excitement nila at dahil ngayon na lamang ulit sila nakalabas ng eskwelahan pagkatapos ng napakahabang panahon, ay hindi na sila natulog pa at inenjoy na lamang ang buong biyahe. Tila mga bata sila na manghang-mangha sa mga nagtataasang building. Sinusundan pa nila ng tingin ang mga ito, at hindi na nila maikubli pa ang kanilang mga pagngiti kapag nadadaanan nila ang ilan sa mga ito.

The sun is hitting their skin. Alas-tres pa lamang at medyo masakit pa ang pagtama nito sa balat, ngunit wala silang pake dahil ngayon na lamang ulit nila ito naramdaman. They were locked up on the library and on the school facilities for a long time. Akala nga nila ay hindi na sila makaka-alis pa rito nang buhay, kaya naman laking pasasalamat nila at hanggang ngayon ay buhay pa sila at papunta na sa ligtas na lugar.

They are now singing loudly on the song that is playing on the speaker. Matagal na panahon na simula nang magsaya sila nang ganito kaya naman hindi nila maitago ang kanilang nararamdaman. Natatandaan pa ni Maxwell na huli pa niyang naranasan ito noong unang araw pa lamang ng zombie outbreak, at kasama pa niya ang kanilang mga kaklase rito. Ang Team Library naman ay hindi naranasan ito kaya naman masaya sila sa mga nangyayare ngayon. Isa na ito sa mga hindi nila makakalimutang sandali pagkatapos nilang makalabas sa eskuwelahang iyon.

Everyone is singing the song, all of them are now vibing, and they are now in Manila. Wala na ngang mas sasaya pa sa kanila sa mga nangyayare ngayon. Makalipas ang mga ilang minuto ay nakita na nila ang Mall of Asia. Naikutan pa nila ang malaking globo sa harapan nito kaya naman naghiyawan sila. Pinatigil na nina Jill ang jeepney upang makahanap sila ng convenience store. Alas-tres pasado na rin kasi ngunit hindi pa nanananghalian ang lahat, kaya naman kanina pa kumakalam ang kanilang mga sikmura. Sinabi naman ni Sir Raygon sa kanila na tiyaka lamang sila bababa kapag may nadaanan na sila.

The jeepney still run for a several minutes, at nang makakita na sila ng isang 7-Eleven ay nag-park na sila sa may harapan nito. Pinakiramdaman muna nila ang kanilang paligid bago bumaba sa kanilang sasakyan. Ilang minuto rin silang nagmasid at tumigil, at nang masigurado nilang walang mga infected na maaaring sumugod sa kanila ay isa-isa na silang bumaba.

The School OutbreakWhere stories live. Discover now