Chapter 44: ALONE

Start from the beginning
                                    

Shit, sino kaya nag taong ito? Sigurado ako gumagamit sya ng voice changer para hindi ko makilala ang boses nya.

“I know you want the mask of Apostle Libra…”

Tumigil ulit ako sa paglalakad at tumingin sa paligid ko, tiningnan ang mga telephone booth na malapit lang sa akin. Pakiramdam ko malapit lang sya sa akin at pinagmamasdan ako.

“Ah may stalker na pala ako ngayon, mind to share your name?”

“I can give it to you…”

Damn, sino ba ito? Isa sa mga Apostles? Pero kung isa nga sya sa kanila, paano nya nalaman ang connection ko kay Libra?

“I can give it to you Enzo but in one condition…”

Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ito at kung sino sya pero kung kaya nya ngang ibigay sa akin ang title ni Libra at ang maskara nito, I think its better this way sa halip na harapin si Isly ng harapan.

“Name it…”

KNEEL POV

Bumukas ang pinto at nakita ko si Caleb na pumasok sa kwarto nito, may mga sugat sya at dugo sa katawan. I know this past few days nahihirapan sya dahil sa binabalikan sya ng mga pangyayari sa nakaraan nya but now, it’s like different.

At alam ko na kung bakit…

Kumutok ako sa pintuan ng kwarto nya at pumasok sa loob. Nakaupo  sya sa dulo ng kama nya habang nakatungo. Magkasaklob ang mga kamay nya at halata sa kanya na may mabigat syang dinadala.

“Caleb”

“Iwan mo muna ako…” agad na sagot nito.

“Pero…”

“Kneel”

Nagangat sya ng tingin sa akin habang ako ay nananatiling nasa may pintuan. His eyes, it shows pain katuald ng makikita mo sa kanya noon ng patayin nya si Master.

Don’t give me that look Caleb…

“It’s Lyra, right?” saglit akong tumigil at saka bahagyang napayuko “and again…”

Sya at sya lang naman lagi ang dahilan kung bakit sya nasasaktan. Buong buhay nya umikot na lang kay Lyra. Lahat ng ginagawa nya, lahat ng sinasabi nya, lahat yun para kay Lyra. Si Lyra lang ang nakikita at naririnig nya at dahil doon kaya sya nasasaktan ng ganyan.

“Caleb, kaibigan kita, higit pa doon, kapatid na ang turing ko sayo, don’t you think you deserve someone else, someone better? Because we both know it’s not Lyra. Kung lagi mo na lang ipipilit ang sarili mo sa kanya, at lagi mo na lang idadahilan na gusto mo syang protektahan, ikaw at ikaw lang din ang masasaktan and that is unfair for you, the you who sacrificed a lot for her…”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now