•4

169 2 0
                                    

Chapter 4. Moving Day

(Typos and Wrong Grammar)

Pagbalik ko sa center ay alas singko na ng hapon. Ng madatnan ko si Eva

“Akala ko umuwi na kayong lahat” sabi ko ng makita ko siya.

“Uuwi na din ako pagkatapos ko dito” baling niya sabay ngiti.  “Kamusta nga pala ang lakad mo may nahanap ka na ba?”

“Oo aabsent nga ako bukas eh kung papayagan” sagot ko. “Pupunta muna ako sa kwarto, ingat ka sa pag-uwi mo”

Nang makarating na ako sa kwarto ay agad naman akong nag impake at inayos ang mga gamit na dadalhin ko.

(kinabukasan)

Agad ko namang nakita si Ma'am Olivia at nilapitan ito.

“Magandang umaga po Ma'am” bungad ko.

“Magandang umaga din Faye”

“Ma'am nais ko po sanang maghain ng dalawang araw na leave. May nahanap na po kasi akong matitirahan at ngayon po ako lilipat”

“Okay, mag-iingat ka” sabi  niya.

Umalis agad ako at pumunta sa kwarto para kunin na ang mga gamit ko.  Pagkatapos ay lumabas ako at agad naghanap ng masasakyan.

Pagdating ko sa may condo ay agad ko nilagay ang password. At dinala ang aking mga gamit sa magiging kwarto ko.

Kinuha ko ang aking mga maleta at binuksan ito. Kinuha ko lahat ang aking mga damit at isa-isa nilagay sa cabinet.

Nang matapos akong mag-ayos ng mga damit ay pumunta ako sa sala upang maglinis dahil sa mga alikabok.

Nilinis ko ang bawat sulok ng sala. Pagkatapos ay nilinis ko ang kusina. 
Binuksan ko ang refrigerator at nakita na halos walang laman.

Napaismid na lang ako at agad kinuha ang aking wallet. Bibili kasi ako ng pang grocery para may makain ako at yung roommate kung hindi ko pa nakikita

Bigla ko na lang naalala ang talent niyang mag paint at drawing. Hahayst napaka gifted niya, sana all.

Nang dumating ako sa grocery store ay kumuha ako ng grocery basket at unang pumunta sa vegetables and fruit section.

Bumili ako ng mga mansanas, saging, karne repolyo, at iba pa.  Namili din ako ng mga singkamas, karne, at mga snacks. Pagkatapos ay umuwi na agad ako.

Pagdating ko sa condo ay agad ko namang hinugasan ang mga binili kong mga gulay at prutas.

Para sa lunch ko ay kinain ko ang binili kong siomai at nagsandok ng kanin.

Pagkatapos ay nilinis ko na ang mga kalat ko.

Bigla ako napatingin sa may bintana kung saan makikita ko ang magandang tanawin ng shudad.

Napakagandang pagmasdan ito araw-araw hinding hindi ako magsasawa sa ganda nito.

Nakaidlip ako at paggising ko ay alas sais na ng gabi. Agad akong nagluto ng aking makakain. At sinimulang kumain habang nanonood ng balita.

Matapos kumain ay agad akong naghugas ng plato. Pagkatapos ay pumunta sa kwarto.

--

Nagising ako ng alas dose ng madaling araw. Lumabas ako sa kwarto ko at agad pumunta sa kusina. Nauuhaw at nagugutom kasi ako.

Kumuha ako ng tsiterya at tubig. Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang pintuan hudyat na binuksan ito ng kung sino man.

Agad naman akong nakakita ng walis na nasa tabi ng ref. Kinuha ko ito at hinawakan ng maayos.

Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang walis na nakuha ko.

Maraming pumasok sa isip ko na baka isa itong magnanakaw na gusto akong patayin o gusto kunin ang mga paintings. Agad naman akong napadasal.

Lord! Tulungan niyo po ako gusto ko pang mabuhay sa mundong ito at tulungan ang mga magulang ko. At tsaka... Hindi pa po ako nagkakaboyfriend.

Humakbang ako ng dahan-dahan. Nang may nakita akong anino pinikit ko ang aking mga mata sa pagaakalang panaginip lang ito ngunit nang binuksan ko ulit ay napagtanto ko na isa talaga itong tao at hindi lang multo. Ihahampas ko na sana ang walis kong dala nang pareho kaming sumigaw.

“Ahhhh!!! Sino ka!? ”

“Ahhhh!!! Who are you!?”

My Mr. RoomMateWhere stories live. Discover now