•1

409 9 1
                                    

Chapter 1. Friends

(Typos and Wrong Grammar)

Faye's POV

“Faye dito!” napatingin ako sa tumawag ng aking pangalan.

Andito kasi ako ngayon sa isang restaurant para makipag kita sa aking mga kaibigan.

“Kamusta Ms. nbsb?” sabi ni Mairi.

Ms. Nbsb o Ms. No Boyfriend Since Birth, yan ang tawag nila sa akin. Kasi nga daw wala pa akong boyfriend. Sa aming apat ako na lang kasi ang hindi nagkakaboyfriend.

“Alam mo Mairi itigil mo na yang pagtawag sa akin ng Ms. Nbsb” inis kong sabi at napaupo.

“Totoo naman kasi talaga. Kailan ka ba kasi magkakaboyfriend?” tanong niya.

“Wala pa sa plano ko ang magboyfriend Mairi” inis na sagot ko.

Nahinto kami sa pag-uusap ng dumating ang aming kaibigan na si Louise at Raine.

“Itigil niyo na yan. Parati na lang kayong ganyan” giit ni Louise.

Inilapag ni Raine ang inorder nilang mga pagkain.

“Buti pa at kumain na lang kayo” sabi niya.

Magsasalita pa sana si Mairi ng subuan siya ng cake ni Louise. Natawa na lang ako.

“Kainin mo yan Ms. Food Lover. Huwag mo munang asarin si Faye” tawang sabi ni Louise kay Mairi.

Habang kumakain kami ay bigla na lang napatingin sila sa akin.

“Bat kayo ganyan makatingin” I said.

“Wala ka ba talagang love life?” Bulong ni Mairi.

“Sira! Wala nga talaga” inis na sabi ko at binatukan siya.

“Nga pala kamusta na ang trabaho mo?” tanong ni Raine.

“Ayos lang naman nakakatuwa na nagtatrabaho ka sa isang Pet Center. Nag-aalaga ng mga hayop, minsan ako din yung nagpapaligo sa kanila.” masayang kwento ko.

Kahit ang layo ng kinuha kung kurso sa trabaho ko ngayon ay masaya naman ako. Dahil nagaalaga ako ng mga hayop.

I really like dogs and cats. Parang stress reliever ko na sila. For me dogs and cats are my second bestfriend family. Kaya I choose working in a pet center.

“Di ko pa rin inakala na magtatrabaho ka sa isang pet center eh ang layo sa kinuha mong kurso eh” iling na sabi ni Louise.

“Ayos lang naman eh, malay natin sa susunod may sariling pet center na ako” sabi ko.

“Eh si Raine nga executive assistant, buti nga at nagkakasundo kayo ng boss mo” baling ni Mairi kay Raine.

“Gusto ko na nga mag resign eh, napakasungit at seryoso” galit na sabi ni Raine.

“Alam mo Raine bagay kayo ng boss mo” pang-aasar ni Louise.

“Big yuck!” bwelta ni Raine.

“Sabi nila yuck means yuckapin ayiee ikaw Raine ah” asar ni Mairi.

“Tigilan niyo na si Raine di pa naka move on yan” sabi ko.

Napailing nalang si Raine.

“Nga pala tulungan niyo naman akong maghanap ng murang matitirahan oh” pag-iiba ko sa usapan.

“Bakit kailangan mong maghanap?” tanong ni Louise.

“Eh kasi alam niyo naman na malayo ang pet center dito sa lugar natin, tsaka nakikitulog lang ako dun kasama ko na ngang matulog mga aso eh” paliwanag ko.

“Kaya pala nangagamoy aso ka na” tawang sabi ni Mairi.

Binatukan ko naman agad siya.

“May alam akong naghahanap ng ka roommate sa apartment niya. Nasabi kasi sa akin ni Boss” sabi ni Raine.

Agad akong napatingin sa kanya at nagpuppy eyes.

“Talaga!? Paki sabi naman sa boss mo Raine oh basta hindi masyadong mahal. Kahit na may kasama ako ayos lang” paliwanag ko.

Kailangan ko kasi talagang maghanap ng murang matitirahan. Kasi ang trabaho ko ay malayo sa lugar namin. Ako at si Raine lang ang nag tatrabaho sa malayo. Inaabot ang byahe namin ng limang oras sa lugar namin mula sa aming trabaho. Minsan ay traffic pa.

“Sige total sabay naman tayong aalis mamaya eh” sabi niya.

"Hay naku bakit kasi ang layo ng mga trabaho niyo eh” malungkot na sabi ni Mairi.

“Ganyan talaga ang buhay buti nga kayong dalawa dito lang nagtatrabaho sa lugar natin” sabi ko.

My Mr. RoomMateWhere stories live. Discover now