"Ma, ok lang po ako, nagpapahinga lang ako saglit,wag napo kayong mag-alala" sa tono kasi ng boses ni mama mukhang umiiyak kasi.


"Kung hindi mo na kaya anak, bumalik kana sa atin ha? Aanhin namin itong kaginhawan sa buhay, kung magkakaganyan ka naman anak, dito nalang tayo anak, kahit walang-wala atleast tahimik ang buhay natin." Namamalat na boses ni mama.

"Ma, ok lang po ako, kayo po ang magiingat diyan, yung katawan nyo ni papa ingatan naman ninyo, ha?"




"Ate!" Boses ni Rhean yung kapatid kong babae "alam mo bang nag pa-live interview si miss Natasha kanina? Hindi mo ba napanood? Nililinis niya yung pangalan mo ate, pinapa-stop niya yung mga lumalabas na issue tungkol sayo, ang bait talaga ni miss Natasha.."




"Oo alam ko" pagsisinungaling ko, ang totoo niyan nagulat din ako,Dahil pinatanggal ni Manager ang mga tv dito at internet, para wala muna akong maririnig na kahit anong issue, masyado kasing masakit para sakin ang mga lumabas na issue eh, hindi pa naman ako sanay sa ganito! Ang hirap pala..

Nagkausap pa kami saglit saka ko na ini-off ang phone ko.



Nililinis ni natasha ang pangalan ko? E siya naman ang punot-dulo ng lahat ng ito, kung hindi niya sinabihan ang production na mag quit din siya kapag tinanggal ako edi sana hindi lalong lumala ang issue?at ang masakit pa ay yung bayaran niya yung mga endorser na kumukuha sakin para lang masabing may mga offers ako kahit papaano, na sa totoo lang wala naman talagang gustong tumanggap sakin, From
The start.

Dahil wala naman talaga akong talent!

Maganda nga daw ako pero wala naman daw talaga akong appeal on-cam.



Napahawak nalang ako sa rails dito sa veranda, at naiiyak na naman, habang nakatingin sa kawalan. Medyo malamig narin dito sa labas, maya-maya babalik na ako sa loob.




Nagbuntong hininga muna ako at sumigaw ng







"AYOKO NA!!!!!!"




Dahil ayoko ng magisip ng negatibo, nakakapagod din kasi.






"Rain! Wag! Kung ano man ang binabalak mo! Please rain! Wag mong ituloy, pagusapan natin to!!!"



Dinig kong sigaw sa may likuran ko.





Alam ko yung boses na yun!




"Rain please pagusapan muna natin ito." Isa pang boses babae na pamilyar din.





Teka,teka! Wait lang ha,

Anu bang kaguluhan ito? Anu bang pinagsasabi nila? Para kasi akong tuod sa kinatatayuan ko habang nakatalikod parin sakanila.



Saka bakit sila andito? Totoo ba ang mga boses na naririnig ko? Baka naman epekto lang ito ng walang tulog? Sobra pagiisip at walang kain? Nababaliw na ba ako?.




Ng may yumakap sa likuran ko.




"Rain, please, huwag!huwag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo! Huwag kang masyadong padala sa mga issue rain, malalagpasan mo rin ito, kasama namin." Said Natasha.



Oo si Natasha!


"Rain, kalma ka lang ha?!" Si Nikki Fabian ang isa pang boses babae.


Napakunot noo nalang ako kasi hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nila? Ano bang binabalak? Naguguluhan ako.


Humarap ako sakanila. At hinawakan ko sa magkabilang braso si Natasha.




To love a star  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt