"NO WAY!!!" Mabilis na sagot ni James.

"Manong bagalan mo lang ah... nahihilo ako." Sabi ni James sa driver.

"Ahaha!! Ang adik lang!! Gagawin lahat." Cassie said natatawa din ang iba sa sinabi ni James.

"May bonamin ako dito gusto mo?" Sagot naman ng driver,  kaya napuno ng tawanan ang buong cab. Pati si Chelsy nagpigil ng tawa sa sinabi ng driver.

"Hindi na po manong, makatabi ko lang ang mahal ko, relief na ako." James said, sabay sulyap kay Chelsy.

Bumababa sina Chelsy, Brian at Andrew sa building nila, sumunod rin si James.

"Dude! Doon ang building mo." Brian said sabay turo sa building nila James.

"Hatid ko lang si Chelsy." Pero hindi siya pinansin ni Chelsy dumiretso ito sa building. Sumunod naman si James, pero hindi ito nililingon ni Chelsy.

Hanggang sa marating nila ang classroom nito at pumasok. Sumunod naman si James, umupo si Chelsy at umupo din si James sa katabi niya.

"What the hell are you doing?" Iritang tanong ni Chelsy.

"Hinatid lang naman kita eh."Nakangiting sabi nito.

"Nandito na ako,  lumabas ka na! you're annoying!  you're ruining my day." Chelsy said, irritated.

"And you make my day complete." James said and wink.

"Bwesit!" She muttered. And rolled her eyes.

"Good morning class!" Prof. Greets them as he entered the class room.

"Babe sunduin kita mamaya ah." He said, sabay halik sa pisngi niya ng mabilis. Napaawang nalang ang bibig ni Chelsy.

"Hi prof. Hinatid ko lang ang asawa ko." Sabay flying kiss kay Chelsy.

Grabe! Haist!!!

"Gosh!! You're so lucky Chelsy to having a boyfriend like him." Sabi ng new classmate niya. Nadagdagan na silang babae.

Kung alam niyo lang....., I am the most unlucky person because of him.

******

Pag kahatid ni James kay Chelsy,  dumiretso siya sa literature class niya.  As he entered the room he luckily saw Julia. One week niya itong inantay at inabangan, missing in action ito after niyang malaman na ito ang may kagagawan ng kwento tungkol kay Chelsy.

Nakatingin ito sakanya at biglang yumuko. Mukhang nakarating na dito ang balita na alam na niya ang kagagahang ginawa nito.

"Pwede ako nalang dito? " Sabi ni James sa katabi ni Julia.

"Sure." Sabay alis. Umupo si James. Pero dumating agad ang prof. Kaya hindi niya ito naconfront.

Pagkatapos ng literature class at pagkalabas ng prof. Agad na tumayo si Julia para lumabas. Pero agad nahawakan nito ang braso ni Julia.

"You're in a hurry, don't you?" James said.

"Bitawan mo ako James. " She said.

"Bakit mo ginawa yun?" Tiim bagang na tanong ni James,  at humigpit ang pagkakahawak sa braso ni Julia.

"Sorry, pinagsisihan ko na yun, nagsorry na ako diba?" Julia says, na napapangiwi na sa higpit ng pagkakahawak sa braso niya.

"Pinagsisisihan mo, sinira mo ang relasyon namin ni Chelsy. ALAM MO BA YUN?! At bakit hindi mo sinabi sakin yun, kung talagang nagsisisi ka." Napapalakas na ang boses ni James.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Where stories live. Discover now