13

2K 33 0
                                    


Aliyah

"OH MY GOSH! YUNG DAMIT KO!"

Ugh. Napakaingay ng babaeng yan. Kung hindi lang ako hawak hawak ngayon ni Kean, masasabunutan ko na yan. Aba, sinisira niya dinner naming dalawa.

Nasakanya pa tuloy atensyon ni Kean. Echapwera. -,-

"H-hey, tama na yan, lil' sis." Sabi nung lalaking kasama niya at inaawat siya.

"HINDI KUYA! THIS WAITER DESERVES A PUNISHMENT! Binasa niya ang damit ko! God!" Oh  sige ate, mag-hysterical ka pa. Tangna.

Umirap-irap ako dun sa babae.

"Just watch, love. I'll explain to you everything, later." Bulong saakin ni Kean habang nakayakap siya sa likod ko at nakahawak sa kamay ko. Nakasandal lang ako sa chest niya habang nanonood kami.

"What's your, problem, miss?"

Dumating na yung manager. Guess what?! He looks like Kean! Ano ba tong pinapanood namin? Una, nakakabaliw yung babae. She's crazy, anyway. Pangalawa, kamukha ko yung babae pati na rin yung lalaking kasama niya, kamukha ni kuya. And lastly, yung manager na sinasabi ng babae, kamukha ni Kean?!

"Are they crazy?" Bulong ko kay Kean.

"They're not. Just watch, okay?"

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko kaya tumango nalang ako. Ugh.

"Yung waiter niyo, Mister! Tignan mo ginawa sa damit ko! You should fire him!"

"Miss, I owe an apology. Bago lang sya--"

"I don't f*cking care if he's old or new, Mister! He serves a punishment and that is to fire him!"

"Miss,--"

"Kuya! Mister! Or whatsoever! I want you no fire him. Now!"

"But miss, hindi yon pwede. Bago lang siya dito, he's--"

"I don't care, Mister! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya!"

"Miss, pag-usapan natin to sa office ko--"

"No! Hindi pwede!"

Aba, nagpupumilit pa talaga yung babae, huh? Shunga ba yan?

Napahawak sa sintido yung lalaki. Ayan, kasi. Di pa sisantihin yung waiter. Yan tuloy, nakahanap pa siya ng sakit sa ulo.

Isa pa, shunga din yung babae. -,- Konting ice tea lang naman natapon sa damit niya, eh. OA lang talaga siya. -,-

Nagulat ako ng bigla siyang halikan nung lalaki habang nagsasalita siya.

"I know, Miss, mali yung ginawa ko. Ang paghalik sayo. But it's the only thing to shut you up. Well, sorry for that. And now, you may excuse me. Sorry for what the waiter did."

Umalis yung lalaki at naiwang tulala yung babae. I don't know what happened after nun dahil hinila na ako ni Kean palabas ng restaurant at pumasok sa back seat ng kotse.

"What's with that scene, Kean? Pinapanood mo ako ng walang kwentang--"

"That was us."

Natulala ako sa sinabi niya. Us? Siya, ako? Kami? Nagjo-joke ba siya?

"Are you kidding me?"

"Nope, love. That was our first meeting. Such a--"

"Seryoso ka?!"

"Yup! Let me, explain everything, love." Kumindat ito saakin na siyang ikinamula ko.

"Uh. O-okay?"

The Wife's CryWhere stories live. Discover now