1

10.7K 129 4
                                    


Aliyah

"Ma, bibili po ako ng gifts eh. Kailangan ko pong makabili kagad. Sorry, ma. Di talaga ako makakasama."

"Sige na nga. Oh siya, aalis na ako, ha? Magiingat ka. Ilock mo ng mabuti tong bahay, okay?"

Tumango ako at ngumiti. "Ingat din po kayo, ma." Umalis na si mama para mag-grocery. Sasama sana ako kung wala akong bibilhing mga regalo.

15 na regalo. And to think, ni isa, wala pa kong nabibili. Ugh. Sa isang araw pa naman na yung party. Buti nalang at may naisip na ako. Kailangan kasi ng regalo ang bawat empleyado sa isng department.

15th Anniversary kasi ng kumpanya na pinagtra-trabahuan ko. So, kapag 15th year, 15 na regalo ang bibilhin, at 15 na tao ang dapat bigyan.

Nakasara ng 2 araw ang kumpanya namin. Ngayon hanggang bukas. Kasi inaayos na ito para sa party. Para na din makabili kami ng nga regalo. Buti nalang talaga at mabait yung CEO ng kumpanya.

"Hi, baby! Good morning!" Bati saakin ni kuya ng makababa siya. Nakasuot siya ng jersey niya na pang-basketball. May practice na naman siguro sila.

"Good morning din kuya. Kain ka muna." Ngumiti ako at inalok siya.

"No thanks, baby. Kailangan ko na din kasing umalis eh. Mala-late na ako." Ginulo niya yung buhok ko at ngumiti.

"Bye, baby." Hinalikan niya ako sa noo at umalis na.

"Okay. Ingat kuya!" Pahabol ko bago pa siya makalabas ng bahay.

Mukang may kanya-kanya kaming lakad ngayon. Naalala ko si daddy. He's gone. Bigla akong nalungkot. Namimiss ko na siya. Ang sabi ni mommy, naaksidente daw kami noon at si daddy lang ang hindi nakaligtas dahil sa lakas ng pagkakatama sakanya. Wala kasi akong maalala, ang sabi nila saakin, nagka-amnesia daw ako dahil tumama ang ulo ko sa semento nung araw na naaksidente kami. Kami ni daddy ang may malalang tama samantlang si kuya ay na-stitch ang braso at si mama naman galos lang.

"Hayy." I sighed at kumain nalang. Pagkatapos ay naligo na ako para makaalis na din.

Kinuha ko yung Porsche ko at dumiretso sa Mall. Itong kotse ko, regalo daw ni daddy saakin noong 18th birthday ko.

Biglang tumunog yung phone ko, akala ko call, text lang pala. Sakto namang red light kaya binasa ko na.

From: Mommy

If someone asks you to be his wife, say 'yes'. Okay, baby?

"HUH?!" Ang weird ni mama promise! Say yes daw? Anong nangyayari kay mama? Nasapian ata! -,- Jusko.

Magrereply na sana ako ng mag-green na yung light.

Hanggang sa makarating ako sa mall ay hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni mama. If someone asks you to be his wife, say 'yes'. Okay, baby? Ang weird lang kasi. Parang pinapamigay ako. Ugh. Pero 23 na din naman ako eh. Pwede na. Natawa ako sa naisip ko. Pero sa ngayon, wala pa naman akong nagugustuhan, pwera si sir Mark na manager ng department namin. Crush lang naman eh! Tsaka konti lang. Yun na yun.

Lumabas na ako ng kotse ko ng maipark ko ito. Kinuha ko yung bag ar phone ko at nagsimula ng maglakad palayo sa parking lot.

Bigla namang ma lumapit saking bata at may inabot na pink roses. "Pinapabigay po." May bigla akong naalala na hindi ko alam. Feeling ko, bigla akong nahilo.

The Wife's CryWhere stories live. Discover now