7

2.4K 60 0
                                    


  Aliyah

Yes, love. I'm coming. Wait me there.

Nagreply ako ng 'okay' at inayos ang nga gamit ko. Alas kwatro na ng hapon at dahil Sabado ngayon, walang over time at maaga ang uwian namin.

Buti naman dahil may good news daw si Kean saakin. Nagtataka lang ako kung bakit hindi pa niya sinabi nung magka-usap kami sa phone. Like duh? Pwede naman niyang sabihin sa phone, eh.

Okay, whatever. Malay ko ba. Baka importante or hindi? Ay, ewan ko. Pansin ko lang, minsan ang bait ko. Minsan naman ang sungit ko. Well, ganun talaga, I'm a moody person.

Bago pa man ako makaalis ay dinumog na nila ako. What I mean is, yung mga officemates ko, except si Mark.

"Woah! B-bakit?" I asked them innocently. Duh, malay ko ba kung bakit nila ako dinudumog. Baka naman may tagos ako? Eh? Hindi, kakatapos ko lang nung nakaraang linggo eh. Wala namang weekly period. -,-

Nagulat ako ng ilabas nila isa-isa mula sa bag nila ang mga regalo.

"What's with that?"

"Duh! Bakla, it's yours. Regalo namin sayo." Maxine rolled his eyes. Ugh, napaka talaga ng baklang to. Maxine is gay. Actually, Morgan ang true name niyan. He used to call me, "Bakla" kahit na siya naman ang bakla saamin.

But wait, seriously? More than 10 people? Ang magbibigay saakin ng regalo?

"Are you serious, guys? Lahat kayo?"

"Yup. So, kunin mo na! Tutal, mabait ka naman samin." Ate Belle said.

"Wow, thank youu!" Isa-isa kong tinanggap yung mga regalo nila at nilapag sa table ko. Oh, god. Paano ko to iuuwi?

"Wala yun, worth it naman yan kasi ang bait mo samin." Kuya Edgar said.

Ngumiti ako sakanila and nodded.

Napatingin kaming lahat kay Mark ng lumabas siya sa office niya. He's wearing the same outfit nung sumayaw sila sa retaurant nung nag-propose si Kean saakin. Ugh.

"Uwi na rin kayo?"

"Yes, sir." Sagot nila. I just nodded at him. He smiled at us and walked towards my cubicle.

"You're going home, too, Aliyah?"

"Yeah,"

"I'll take you home."

I looked at him at inirapan siya. "Susunduin ako ni Kean."

"I'll tell him na 'wag ka ng sunduin."

One again, inirapan ko siya. Nakakairita talaga ang isang to.

"Are you nuts?"

"Nope. I am Mark Aquino,"

"Pilosopo ka rin ano? Umalis ka na nga. Shoo!" Pagtataboy ko sakanya. Hindi niya ako iniwan at tumawa lang siya.

"Same old brat," ngumiwi siya at ngumiti.

"Of course, Mr. Aquino. Now, go home and leave me alone before I could kill you."

Nagulat nalang ako ng sumigaw si Maxine.
"OH EM EFF GEEE!!!" Napatingin ako sa pintuan and there, I saw Kean standing at masama ang tingin kay Mark.

Lumapit ito saamin at inilagay ako sa likod niya.

"H-hey,"

"I'll just talk to this man, Love."

"A-ah. H-hindi na, K-kean. Uy!" Ish! Naman. -,- Bigla ba namang hilain si Mark sa office niya!

GULP.

The Wife's CryWhere stories live. Discover now