11

2.2K 44 1
                                    

Aliyah

"Love, are you all done?" Kumatok si Kean sa pinto ng kwarto ko habang nagsasalita siya.

Aalis kasi kami ng Manila. Out of town kumbaga. Pupunta daw kasi kami sa Baguio. Ipapaalala niya saakin yung mga pinaka masasayang memories namin, back then.

Five days nalang ang meron kami dahil one week lang ang leave ko. Samantalang siya, kahit ilang beses mag-absent hindi malalagot. Oh edi siya na CEO ng isang kumpanya.

"Pasok ka ngaa! Help!" Sigaw ko kaya naman pumasok kagad siya. Hindi ko kasi maisara yung isang bag ko. Punong puno na eh.

"Love, we just have five days. Hindi tayo magbabakasyon ng isang taon."

"Ewan ko sayo. Pakisara nalang, okay? Babush! I'll just take a bath!" Iniwan ko na siya doon at dumiretso na sa banyo. Alas singko kasi kami aalis. Bale, alas kwatro palang ng umaga. Pero ang hyper ko na, eh, ano?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Wala na doon si Kean pati ang mga gamit ko. Dinala na siguro niya sa kotse niya. Nilock ko yung pinto at nagpalit na.

Jeans at hanging tshirt lang ang isinuot ko at nag-sandals nalang. Medyo malamig kaya nagdala na din ako ng jacket ko. Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam na kina mama at kuya. Gising na sila dahil may maaga din silang lakad.

"Sige po, mom. I'll take care of her. Promise." Ani ni Kean kina mama at kuya habang nakahawak sa bewang ko.

Pumasok na kami sa kotse niya.

"Are you stil sleppy, love?"

"Hmm. Medyo. Pero keri pa naman,"

"You should sleep."

"Hindi na."

"No, rest, Aliyah. Malayo pa ang byahe."

"Ishh. Oo na nga." Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko at pinatutog ang For You ng BTS. Dahil na rin sa antok, madali lang akong nakatulog.

*-*-*

Nagising ako, nasa byahe parin kami at maliwanag na. Kinusot ko ang mata ko at pinatay ang music sa cp ko. Tinignan ko si Kean na nagd-drive, mukhang inaantok na siya. Alas otso na pala. Ilang oras din akong nakatulog.

"K-kean,"

Tawag ko pero mukhang hindi ako narinig. "Kean! Huy!"

"A-ah? What's that, again,love?"

"Bakit tulala ka?"

"N-nothing. I'm just--"

"Tigil mo yung sasakyan. Ako na magd-drive."

"But--"

"I have my license--"

"But you don't have too--"

"Kailangan mong matulog--"

"I'm not sleepy--"

"I know, you are SLEEPY. So, Kean--"

"Okay, okay, fine! I can't resist you."

"Good! Itigil mo na. Ako muna magd-drive."

Itinigil niya ang sasakyan sa isang gas station ay tumingin saakin. Mga tingin naman ng taong to. -,-

"Alam ko ang daan papuntang Baguio. Wag kang mag-alala. Isa pa, marunong akong mag-drive. Sa tagal kong nagd-drive, hindi pa ako naaksidente. Wag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak. You're safe with me, Kean. Promise."

"You never failed to amaze me, Love. Thank you." Lumapit ito saakin at hinalikan ako sa noo. Lumabas kami pareho sa sasakyan at nagpalit ng pwesto.

The Wife's CryWhere stories live. Discover now