5

2.9K 63 0
                                    

   Aliyah

Matapos niyang sabihin iyon ay pinapasok niya ako sa kotse niya at sinabing iuuwi na niya ako. Ugh, hindi pa ako nakakapag-paalam kina ate Belle. Siguro ay maiintindihan naman nila ako.

Naging tahimik lang kami habang binabaybay yung daan pauwi. Pakiramdam ko ang haba ng byahe namin kahit na wala pa itong isang oras. Ramdam ko rin ang black aura na bumabalot saamin.

Nagsisimula palang kami bilang magkaibigan, magkagalit na kami kagad. Nakakainis naman kasi eh! Bat kailangan pa niyang ilayo yung babae at bulungan. At yung babae naman! Tumatawa pa. -,- Taglandi nga naman.

"Salamat sa paghatid. Ingat." Malamig na sabi ko sakanya bago lumabas ng kotse. Kita ko ang pagkagulat niya sa trato ko sakanya.

Bago pa ako makapasok sa bahay ay tinawag na niya ako. "Aliyah,"

Oh kanina love, tsaka baby? Ngayon naman Aliyah na? Ay wait, bat ko nga ba hinahanap yung mga tawag niya sakin? Ugh! Nakakasakit sa puso, este sa ulo!

"Kailangan mo?" Matigas na tanong ko. Ugh, bilis bilisan mo, Kean. Nilalamig na ako.

"Mag-usap tayo. Please."

"Pagod ako. Bukas nalang." Tumalikod ako at pumasok na sa loob. Pasensyana, Kean, galit parin ako sayo. Tsaka nalang kita kakausapin, pag malamig na ulo ko.

*-*-*

Pagkagising ko ay nasa tabi ko na si kuya. I opened my one eye dahil nasisilaw ko sa sinag ng araw. Ugh. Ang sakit ng mata ko. Hindi ko pa pala naalis yung contact lens na nilagay ni Janina sakin kahapon. Pero hindi ko na muna aalisin.

"Kuya, bakit ka nandito?" Tanong ko kay kuya. Gising na siya at mukhang hinihintay nya akong magising.

"I want to talk to you, baby." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"About w-what?"

"You and your fiancé. I know what happened last night."

Bigla akong napayuko. Err. Naalala ko na naman siya at yung talanding babaeng hinila niya palayo sa mesa namin. Malalandi nga naman. Ugh.

"Nag-away kayo, hindi ba?"

Tumango nalang ako. Halangan namang i-deny ko diba? Eh alam na nga ni kuya. Dadada pa ba ako?

"Aliyah, look at me, baby." Tinaas niya yung chin ko para magtama yung mata namin. Ihh. Papagalitan na naman ako ni kuya. Kainis naman kasi!

"Look, Aliyah, I know Kean loves you. At alam kong hindi mo lang naintindihan yung ginawa niya kagabi."

"Yun na nga kuya eh! Hindi ko naiintindihan! Siya pa galit! Siya naman unang umalis eh!"

"Aliyah, mas mabuti siguro kung mag-usap kayong dalawa. Magbati kayo lalo na't malapit na kayong ikasal."

"Pero kuya! Siya naman ang may kasalanan eh! Edi siya pumuta dito at makipagbati! Ayokong ako ng nauuna! Ugh!"

"Aliyah, hanggang ngayon ba matigas parin yang ulo mo? Please naman! Magbati na kayo!"

"Ayoko kuya. A-y-o-k-o. Tapos."

"Aliyah, isa."

"Nope."

"Dalawa."

"Ayaw sabi eh!"

"Tatlo, Aliyah --"

"Okay fine! Makikipagbati na nga ako diba? Ito na nga oh, maliligo na at ng mapuntahan siya para MAKIPAGBATI na." I rolled my eyes again as I walk towards my cr.

The Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon