6

2.8K 66 0
                                    


Aliyah

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. Sabado ngayon kaya naka-cevilian ako. Simpleng fitted pants, isang black long sleeve blouse na medyo fitted din at black rubber shoes. Itinali ko rin ang buhok ko at hinayaan ang mga bangs kong mahulog. Hindi na ako nag-make up dahil hindi ko naman sanay. Okay na ito.

Ng makarating ako ay pinark ko kaagad ang Red Porsche ko. Mula sa loob ng kotse, kita ko ang dalawang kotse na nasa kaliwa't kanan ko. Isang Black Porsche ang nasa kaliwa ko, sa tingin ko ay kay ate Belle iyon. Yung isa naman black na kotse. I don't know ang pangalan pero base sa mga stickers na nakalagay sa side ng kotse, alam kong kay sir Mark iyon.

Pinatay ko ang engine ng kotse konat pumasok na sa loob ng office. Iilan palang kaming nandon. Kasama na di ate Belle at sir Mark.

"Good morning, everyone!" Bati ni sir Mark pagkapasok palang niya ng office.

Binati namin siya pabalik at nagulat ako ng dumako ang tingin niya saakin.

"Mrs. Tolentino," tawag nito sakin. Ugh.

"Ms. MENDEZ, sir. I'm not yet married." Natawa siya sa sinabi ko. The heck. Naghihiganti ba siya sa paghila ko sakanya nung party? Ugh!

Lumapit ito sakin at ngumiti.

"Can we talk, Ms. Mendez? I just have to clear some things to you."

"Okay." Sinundan ko siya sa office niya. Pagpasok ko palag, amoy na amoy na ang manly scent niya dahil na rin sa aircon kaya kumakalat ang amoy na iyon.

"Anong kailangan mo, PO, sir?"

"Haha! May sasabihin lang kasi ako."

My right brow rose.

"Sabihin mo na. I have many things to do."

"Hayy, you're still the same Aliyah, Ms. Mendez."

"Of course. I didn't change. I-I just had a memory lost."

"I know, Ms. Mendez. Okay, Like what I said nung party, kaibigan ko ang mapapangasawa mo."

"Hindi sa binabastos kita, SIR, pero wala akong pakialam."

"Kilala ko si Kean, Ms. Mendez, hindi ka nun sasaktan."

"I know. I trust him." Naging seryoso ang usapan namin.

"Then, you love him, right?"

Napataas ang dalawang kilay ko. Is he insane?

"What are you saying?"

"I know, you love him too. Base sa mga kilos niyong dalawa, in love kayo sa isa't-isa."

I crossed my legs at inirapan siya. Nababaliw na siya. O-oo! Alam ko, mahal niya ako pero it doesn't mean, na mahal ko na din siya! Wala pang isang buwan na magkakilala kami, mahal ko na kagad? Nababaliw na ba siya?

"You're nuts. Hindi malabong magustuhan ko siya or mahalin. But excuse me, sir, hindi ganon kadali."

"You're just confused, Aliyah. Hindi mo alam kung mahal mo na ulit siya o gusto mo na siya. Kilala ko kayong dalawa, Aliyah. Matagal na. Kaya alam ko yang mga galaw niyong dalawa."

"Ano bang alam mo, huh?"

"Okay, sisimulan ko na. Tutal, mukhang galit ka na rin."

"Should I trust your words? Kailangan bang paniwalaan ko kung ano man ang sabihin mo? Papakinggan ko ba?" Naiiritang tugon ko.

"Yes, Aliyah. Listen dahil baka pagkatapos neto, mas maliwanagan ka."

May kung anong inilabas siya sa drawer niya. Ng mailabas niya ito ay bigla ko siyang natandaan.

The Wife's CryWhere stories live. Discover now