MWMBFL 37

243 9 0
                                    

MEDDLING WITH MY BESTFRIEND'S FIRST LOVE

Chapter 37: Happiness

Brisette


"Now my plan is ruined," disappointed na bulong ni Xandrew.

Tila nabalik ako sa aking katauhan kaya naman dali-dali akong napalabas sa sasakyan at nginitian silang lahat.

"Hi, guys! Nandito pala kayo? Anong ginagawa niyo dito?"

"Ahh... Ang totoo kasi niyan, Bri-" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Brent.

"Mukhang may gagawin pa yata kayo. You can go. Ayos lang kami ni Xandrew dito," saad ko kasabay ng pagkindat ko kay Gwen.

Agad naman niyang nakuha ang ibig kong ipahatid kaya hinila niya yung apat paalis.

"Hey, hindi ba-" tila nagtatakang pahayag ni Xandrew.

"Saan mo nga ulit ako dadalhin? Yung mga yun kasi eh bigla na lang sumulpot," painosenteng saad ko.

I pinched my leg secretly. I suddenly felt a jolt of pain so I'm not dreaming.

Hanggang ngayon ay parang lumulutang pa rin sa ere ang katawan ko. I can't believe he's serious about sharing his future with me. And I'm happy to know that he wants me to be a part of it. I'm so happy...

"You know... You don't have to preten-"

"Come on! Show me the way. I wanna know what you're up to, Mr. Norwood."

Tinitigan niya muna ako ng matagal bago ngumiti at hinila ako papunta sa pinanggalingan nila Gwen. He held my hands tight and I can sense that it somehow felt cold kaya naisip kong kinakabahan siya.

The thought of him getting nervous sounds cute and amazing for me. Ahh! I can't get enough of him knowing na magpo-propose pala siya sa akin! Why didn't I get a hint of it?! Bakit pa ba kasi ako nagpatagal-tagal pa sa restaurant? Ayan tuloy at mukhang nasira pa nga ang plano niya at naspoil na tuloy ako. Oh well, might just go with the flow and pretend like nothing happened and didn't knew what was about to happen.

"Are you really sure about this?" makahulugang tanong niya.

It's as if he's asking me if I was sure about him. Silly.

"Why? Ayaw mo ba? I can stop if you don't want to," makahulugang sagot ko din kaya naman ay napalingon siya at mas mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"What are you talking about? Tara na nga."

I stifled a laugh when I heard a strange embarrassment from his voice. That's new.

We walked towards their house but stopped in front of the door. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya.

"I love you," seryoso at pursigidong pahayag niya.

Ang cute niya talaga. Ang sarap niya pagtripan.

"Huh? Why so sudden?"

"I love you," ulit niya.

"I know," natatawang tugon ko.

"I love you."

"Paulit-ulit ka na."

"I love you so much."

"Okay, okay. Tama na 'yan!"

"I really really love you!"

"Ano bang ginagawa mo?"

"Pinapaalala ko lang sa'yo. Baka kasi bigla ka na lang mag-'no'," diretso ang tinging saad niya.

Meddling with my bestfriend's first love (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now