Epilogue

8 1 0
                                    

August 19, 2019
2:59 AM

Halos isang dekada ang inilaan ko para ipakita't iparamdam sa 'yo na mahal kita... hindi ko akalain na maglalaan ka ng isang oras para lang ipamukha sa 'kin na ang lahat ng taon na iginugol ko ay baliwala. I think I should not ask you the same questions before like why I chose to have you for nothing kasi mali talaga 'yon, at naging tama lang naman 'yon sa part mo dahil pinili kita... and, ang tanga-tanga ko 'cause you've made me of thinking na hindi mo naman pala kailangang mag-review, kasi, sa lahat ng pwedeng gawing options, siya pa rin ang best choice mo. I-identify mo man ang statement ko, ang pangalan niya pa rin ang tanging isusulat mo sa papel, 'di ba?

Buti na nga lang at pinagbigyan pa ako ng Diyos para kausapin ka. Hindi ko hinihiling sa Kanya na makalimutan kita agad dahil naging parte ka ng talambuhay ko. Ang tanging nais ko lang ay makasalo ka sa espesyal na sandaling ito—ang huling araw na tatawa ako dahil pinaglaruan ni Kupido ang landas natin at ang huling beses na iiyak ako sa pagkakataong masisilayan mo kung gaano ko nagsumikap na bumuo ng ating mundo, pero ako lang ang nagpapatakbo nito. Ganyan ang epekto 'pag nagmumukha akong sabaw.

Sabi ko dati, madaya ang puso. Kaya niyang linlangin ang isip sa paraang nakakasakit na at 'di ka makapagdesisyon ng tama. Nakapagtataka nga lang kasi 'di tulad ng cheat codes, hindi naman unlimited ang pagtibok nito. 'Di naman worth it kung ilalaan mo ang puso sa maling tao... sa maling tao kagaya mo. I mean, hindi ikaw ang mali, kun' 'di sarili ko.

Wala ako sa katinuan upang maniwala sa isang prediction na malabong mangyari kaysa sa Mayan calendar—ang mahalin ako. Love stories are only good to be read in books, 'yan ang sabi ng mga bitter. Sa katulad ko na nagmahal, nasaktan, at nagmu-move on, sapat na sigurong nilagyan ko ng creamer ang thoughts kong inanod sa mainit na kape. Ang istorya natin ay naging smooth sa umpisa hanggang sa 'di ko inakala na ininom ko ang lahat at wala nang natira pa. That was the moment when I let my mug placed in nowhere until someone hit and broke it accidentally.

Pilitin ko mang ibahin ang konteksto o palitan ang arguments ko para mapaniwala kita na gustung-gusto kita, hinding-hindi ko pa rin mababago ang takbo ng panahon, at hindi mo maididikta sa lahat ng tao na 'pag may nagmamahal sa 'yo, dapat ay mahalin mo rin. Wala akong dapat patunayan kung 'di ako ang iyong ipinaglalaban.

Kaya nga ang gago ko, eh. Sino ba naman ako para tumawa kung may nakakalamang na pala sa laro. Ang bobo-bobo ko 'pagkat alam kong matatalo ako 'pag pinilit kong mahalin ka, eh nagawa ko pa ring sumugal to the point na isinangla ko 'yung paniniwala ko sa "power of love" kapalit ng broken statement na "pinagtagpo ngunit hindi itinadhana". Nakakabaliw...

Sa paglisan mo pagkatapos natin kumain rito at magkuwentuhan, may importante akong ipadadala sa 'yo... hindi ito materyal na bagay o higit pa sa inaakala mo; simpleng mensahe lang ang dapat mong bitbitin mula sa akin simula ngayon hanggang sa pagtanda...

May nagmahal sa 'yo noon, at ang tangang 'yon ay nagpasalamat pa dahil sinaktan mo raw siya kahit siya naman 'tong nagpupukpok ng martilyo sa ulo. Gayunpaman, natauan siya at naging maayos na ang lahat... nagkasugat, nagkapeklat—pero ang natatagong istorya mula roon, hinding-hindi maglalamat... kahit ang lalamunan ay mamalat at kumulubot ang balat.

YOLOista Tada: The Kabolangan Stories of a Boring Life (Complete)Where stories live. Discover now