Federation of Bungangera't Tsismosa, Inc.

9 1 0
                                    

August 21, 2019

Hey, it's pretty good when there are times na nakakapag-isip ako ng mga things that can make me happy despite of all the troubles na pinagdadaanan ko. Pumapasok ang lyrics sa utak ko na "count your blessings, name them one by one".

Kaso nga lang, may mga tao pa ring hinihila ka pababa. They're always finding your weakest spot para maikuwento nila ito sa iba. If you know what I mean, sila-sila ang mga nagsh-share ng rendition nila ng biography ko, at ang nakakadismaya, is 'yung pinirata nila ang buong pagkatao ko by adding some subtitles na kanilang pinabubulaanan.

They were actually the fastest falcon in spreading hottest news—false news, to be exact. The worse is, mga kamag-anak pa ang makikikita mong tatawa-tawa habang may hearing sessions sila kasama ng mga tsismosa na mas mabilis mag-encode ng ISBN ng buong pagkatao ko kumpara sa speed of light. Goddamn! 'Yung tina-try mo namang maging positibo, pero maiiyak ka na lang minsan (nang patago, 'pag nakita ka nilang umiiyak, bonus features nila iyon para gawan ako ng exclusive content and behind-the-scene footages) dahil sa kangangawa nila ng mga pinoproblema ko sa buhay.

I mean, the irony itself—wala naman akong pakialam sa mga "kamalasan" ko, pero iniisip ko din na ang tanga-tanga ko dahil hindi ko iniisip na sa kabilang dako ng pagiging "malas" ko ay may mga tao na nariyan lamang sa paligid mo—hindi para tulungan ka, kun' 'di, pagpiyestahan ang sarili mong nalunod na dahil sa laway na tumatalsik everytime na pumuputak sila. Ang galing... bravo! Ginawa nilang soap opera ang buhay kong wala namang kuwenta.

You might feel the same thing na pinagdadaanan ko ngayon. Sa mga pangyayaring lugmok ka dahil sa buwisit na problema o sa panahong nagsasaya ka sa mga bagong oportunidad na dumarating sa 'yo, ahasan mong may mga demonyong titingnan ka ng pataas at pababa (ispageting pababa) upang gawin kang "The Hottest Topic of Today".

Hindi ko minamaliit ang barrio namin (at malay mo rin sa inyo ay may ganitong eksena), pero hindi talaga magiging buo ang araw ng mga tsismosa kung hindi sila nakakapunta sa iba't ibang bahay/session hall para lang makipag-tsismisan. Hindi naman ako naka-subscribe sa YouTube channel pero dumarating sa point na gusto ko nang putulin ang tenga ko dahil nalalaman ko, at naririnig ang mga boses nila habang nakikipag-chukchakan, let me call them as "Federation of Bungangera't Tsismosa, Inc."

Mission: To spread epidemic virus in our barrio for the entertainment of our people, give undeniably false news, copied without the permission from the unrespectful, 'yawa', and 'duga' owners.

Vision: We are encouraged to make every citizen a broadcaster of their own, just go everywhere and let your f*ckin' mouth go wild. Mi ultimo adios.

Ang kalimitang topics nila ay tungkol sa:

1. Nabuntis na menor-de-edad (hindi naman issue ito para sa mga nabuntis na mga dalagita sa amin lalo na't kung alam nilang mabubuhay naman nila ang sarili nilang anak); the point is, although hindi tino-tolerate ang teenage pregnancy sa amin, hindi rin naman tama para sa mga tsismosa kung didiktahan nila ang magiging future ng mga dalagita sa amin kasama ng kani-kanilang anak. Nangingialam sila sa mga buhay na may buhay, ba't 'di kaya sila ang magpabuntis? Ano? Gaguhan lang?

2. Virginity (yasss, mga p*t*ng *ina sila). Bakit ba nagiging issue ito? Aba'y malay ko rin. Pati ang pagkantot ng ibang tao at pagkantot ng aso sa daan, pinakikialaman nila. Bakit hindi na lang sila 'yung magpakarat? Puro sila karat, karat, karat, karat, karat, karat! Mga karat! Ano kaya ang problema ng mga matatandang ito at bakit pati ang virginity ng isang babae, pinag-uusapan nila. Bakit kaya hindi sila magpakantot kung gusto nila? Hindi ba sila mahal ng mga mister nila kaya pinagtutuunan na lang nila ng pansin ang mga babaeng na-virgin na? Napapamura ba sila habang sinasabi ang "sana all"?

3. May shota is ano/may jowa si ganyan. Bakit? Wala bang karapatan ang mga tao na magmahal? Pakialam ba nila kung mahirap lang ang pinapangasawa ng ibang tao sa lugar namin kahit naghihirap din sila? Kaya naman siguro nilang kumayod at tumayo sa sarili nilang paa (wow, ginamit ko ang "most ginagahasang phrase" sa paggawa ng essay) nang hindi nang-aalipusta o nakasisira sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, gusto ay makapag-asawa ng mayaman. Palibhasa kasi mga mukha kayong pera, mga bugok!

4. Tumigil sa pag-aaral si ganito/si ganiyan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit tumigil sa pag-aaral si Juan? Financial or family problem ba? Common na para sa iba na tumigil sa pag-aaral dahil sa iba't ibang kadahilanan. Naging issue lang ito dahil "feeling edukado" ang mga tsismosa, at kagaya sa mga iba't ibang bagay na aking tinalakay, mangyaring dinidiktahan ng mga tsismosa ang kinabukasan ng mga kabataang kinailangan munang tumigil sa pag-aaral. Nakakatawa ngang isipin, pero may pagkakataon sa amin na may isa akong friend na dati nang tumigil sa pag-aaral dahil wala na siyang magulang na susuporta sa kanya (batugan ang tatay, patay na ang nanay). Nu'ng nag-graduate 'yung friend ko ng Senior High (by his own means and through the help of God), akalain mo ba'ng nakikain sa kanila 'yung mga tsismosa naming kapitbahay? Pero dati, naririnig ko pa lang silang nag-uusap-usap dati, tulad ng "Ay, si Juan, hindi 'yan makakatapos ng pag-aaral, tanga-tanga kasi. Tamad ang tatay nilang puro pambababae at alak ang inatupag, tapos 'yung nanay, hindi na gumaling dahil sa cancer kaya namatay. Makikita ko na lang si Juan na magiging tambay sa daan habambuhay!" Sa kasalukuyan, nasa college na ang friend ko. Astig, 'no?

5. Nagkaroon ng bagong gamit si Ateng. Pati ito, nagiging issue. Alam mo kung bakit? Sensitive ang mga tsismosa kapag may brand new TV or cellphone ka. Automatic na nanlilisik ang kanilang mga matang gusto mong tusukin dahil kusa itong lumiliit everytime na nakikita ka nila. Magtatanong sila sa kalahi nilang tsismosa rin tulad ng "kanino kaya siya umutang?" o sasabihing "may sugar daddy/foreigner siguro si Ateng kaya may bagong TV ay cellphone". Ganiyan ang style ng mga puking inang mga cheeze-makers. Mapa-ref, electric fan, motor, camera, aircon, DVD player—kahit pa yata 'yung inuulam nating masasarap tulad ng roasted chicken o inuuwi nating isang bucket ng Jollibee Chickenjoy, issue rin sa kanila. Baka raw galing ang pera sa nakaw, sa kalaguyo sa Messenger, o umutang siguro kahit wala namang pambayad.

6. Namatay si ganito/si ganyan, pero sa bahay lang. PARA INTENSE, SINASABI KO SA INYO NA KAYA CAPITAL LETTERS ANG NAKA-TYPE DAHIL SERYOSONG USAPAN ITO. Hindi naman sa pang-iinsulto, pagyayabang o kung anuman, pero namayapa ang aking butihing ama sa hospital. Sounds weird dahil sa una, ayaw kong mamatay ang aking ama. Pero kung taga-probinsya ka tapos nagmamagaling ang mga ka-neighborhood mo, nagiging issue rin ang pagkamatay ng isang tao sa bahay, tulad ng "wala sigurong pambayad sa emergency kaya hinayaan na lang matigok sa loob ng bahay", "pagkain nga, hindi nila mabili, kabaong pa kaya?", "buti na lang namatay siya para konti na lang ang palamunin o gastusin sa bahay". Gano'n? Palibhasa kasi masasamang damo kayo, at ang masasamang damo, hindi agad mamamatay... Tsk...

'Yan ang mga kadalasan kong naririnig sa kanila. Actually, tsismosa din ako, pero hindi sa puntong minamaliit ko ang kakayahan ng isang tao o dinudungisan ang kanyang pagkatao, prinsipyo, dignidad o reputasyon (redundancy at its finest). Minsan kasi sa mga tsismosa, halos tapakan na nila ang mga tao everytime na may achievement tayong nagagawa o dumating 'yung point na nasa baba tayo at hahampasin nila tayo ng masasakit na salita hangga't 'di sila nakukuntento. Simple lang naman ang mabuhay, pero nagiging obstacle kasi 'yung mga pinagsasasabi nila na kadalasan 70% ng buong content ay mali-mali pa.

Maging maayos man ang future o hindi, deserve natin ang mabuhay sa isang lugar na walang mangingialam sa bawat kilos o galaw mo. Actually, may pakialam naman talaga sa atin ang mga tsismosa... pakialaman ang life natin imbes na tulungan tayo. Ba't ba sila nagtsitsismis araw-araw, kumikita ba sila doon? Habit ba nila ang story telling?

Mga hayop sila, saka 'yung mga nakikisawsaw. Grrr!

YOLOista Tada: The Kabolangan Stories of a Boring Life (Complete)Där berättelser lever. Upptäck nu