Written While Staring at the Window (Fictional Stories)

13 1 0
                                    

"Sino ka..." isang malumanay na tanong ang biglang umalingawngaw sa itim na aninong nasa tabi ko.

"Ako ang iyong bantay", sambit niya, "tinitingnan ko lang kung ano'ng ginagawa mo."

Unti-unti akong natutunaw habang sumisilip sa bintana. "Pwede ba, umalis ka muna... 'di ako makapag-focus sa ginagawa ko."

"Sige, ikaw ang bahala", wika niya.

Biglang humangin ng malakas.

Nawala nang tuluyan ang itim na anino.

Nawala ang liwanag sa loob ng kuwartong iyon.

Napatigil ako sa pagsusulat.

Naubos na pala ang kap'rasong kandila.

Napamura ako bigla. Pinikit ang aking mga mata.

"Paano ko na magagawa 'tong project ko? Buwisit na rotational brownout 'yan, ang tagal!"

YOLOista Tada: The Kabolangan Stories of a Boring Life (Complete)Where stories live. Discover now