Chapter 34

374 63 8
                                    

LUCY'S POV

Hindi ako makapaniwala sa ikinwento ni Mamzi tungkol sa akin at sa totoo kong ina na si Tita Lucilia, and for a fact that Lucas is my twin brother. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako o magtatampo dahil sa mga nalaman ko. Tila napako na ako rito sa kinauupuan ko at walang salita na gustong lumabas sa aking bibig.

"Lucy."

Tumingin ako kay Tita Lucilia at nakita ko ang pagdaloy ng kanyang luha mula sa mga mata niya at sa pagkakataong ito ay bigla na lamang din umagos ang aking masaganang luha at nagsimula akong humikbi.

Walang sinayang na oras si Tita Lucilia at si Tito Francis at ako'y kanilang nilapitan at hinagkan nang napakahigpit. Napahagulgol na ako dahil ramdam ko sa kanilang mga yakap ang isang mainit na pakiramdam ng kanilang pagkaulila sa akin. Sa kanilang nag-iisang anak na babae.

"Lucy, we're so sorry kung ngayon lang namin ito nasabi sa 'yo. Alam ng Diyos na walang araw ang lumipas na hindi kita iniisip. I miss you so much anak." Hinaplos ni Tita Lucilia ang aking mukha at hinalikan ako sa aking noo matapos niyang magsalita.

"Miss na miss ko na ang aking prinsesa. Halika ka nga rito Lucy," pagtawag sa akin ni Tito Francis at siya naman ang humalik sa aking noo.

Pinunasan ko ang aking basang mukha gamit ang panyo na kinuha ko sa aking shoulder bag. "P-pero bakit ngayon niyo lang po ito sinabi sa akin? Sa amin po ni Lucas?" matapos kong tignan ang aking mga magulang ay saka ako tumingin kay Lucas na bakas pa rin ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para ipaalam sayo ang katotohan, baby. Patawarin mo sana ang iyong Mamzi. Hindi ko lang matiis na hindi mo malaman kung sino ang totoo mong ina." Dahil umiyak na naman si Mamzi pagkatapos niyang magsalita ay hinagkan ko ulit siya. Naku, si Mamzi talaga.

"Mamzi, don't cry na po. I'm still your daughter pa rin po, your one and only baby. Kayo pa rin po aking the best mother ever! Kaya, tahan na po Mamzi."

Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Mamzi saka ko pinunasan ang kanysng basang mukha gamit ang aking panyo. Humarap ako sa tunay kong mga magulang at humugot ng hininga bago ako magsalita.

"Tita Lucilia, Tito Francis. Hindi ko po alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko po inaasahan ang mga nalaman ko. Masaya po ako na sina Mamzi at Papzi ang kinilala kong mga magulang, masaya po ako na sila ang nagpalaki sa akin at hindi ko po sila makakapiling nang hindi po dahil sa inyo na aking tunay na mga magulang. Proud po ako sa inyo dahil hindi po kayo nagdalawang isip na ibigay at ipaalaga po ako sa inyong matalik na kaibigan. Alam ko pong napakahirap sa isang magulang ang ipaubaya ang kanyang anak sa ibang kamay kaya naman po ipinagmamalaki ko po kayo bilang aking tunay na mga magulang. Sobrang saya ko po dahil hindi niyo po hinayaan si Mamzi at Papzi noon, kayo po ang dahilan kung bakit masaya po sila at pati na rin po ako sa piling nila," may galak kong sabi at pagkatapos ay ako na ang lumapit sa kanila para bigyan sila ng yakap. Yakap na kaytagal nilang hindi nagawa sa akin, ang isa sa kanilang kambal.

Marami pang naging paksa ang kwentuhan na namayani sa buong kwarto. Binalik-balikan nila ang mga pangyayari noong nakaraan at noong nakasama pa namin sina Lucas noong bata pa ako, na ngayo'y bumalik na sa akin ang mga alaalang 'yon.

"Bye na po Tita err Mommy Lucilia and Daddy Francis. Kita kits po ulit! Next time po ay ipagluto niyo po ako ng masarap na pagkain, pwede po ba?" pakiusap ko kina Mommy at Daddy, hindi pa ako masyadong sanay sa pagtawag sa kanila ng ganito pero masasanay din ako lalo na't pwede naming dalawin ang isa't-isa.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon