Chapter 7

2K 138 10
                                    

LUCY'S POV

"Fiance~ i-tour mo naman ako sa buong campus," may pagka-sound-like-child na sabi ni Sting at umakbay sa akin.

"Anong fiance ka diyan! Alis! Shoo!" inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at tinignan ko siya ng masama. Sabi ng pamilyar siya, siya yung parang baliw na nakasalubong ko sa daan dati na sumasayaw ng gangnam style.

"Ang harsh naman sa akin ng fiance ko~" lalapit pa sana siya sa akin pero agad na akong lumayo at nagtago sa likod ni Levy.

"Levy ko alis na tayo dito. Nababaliw na 'yung isa na 'yan," bulong ko sa kanya at humarap siya sa akin. Ang sama ng tingin niya na para bang kakainin niya na ako.

"Hindi mo man lang ako in-inform na may fiance ka na pala. Kailan ka pa pina-arrange nila Tita Layla?" mabilis niyang tanong. Napanguso na lang ako, ni hindi ko nga kilala yung Sting na 'yan eh. Nakasalubong ko lang siya sa daan.

"What's with this commotion?" napatingin kaming lahat kay Mr. Ferraro na papalapit sa amin.

"Umm...." kaming lahat ay walang masagot.

"Pinagmamasdan po nila ang aking napaka-gwapong mukha," biglang sagot ni Sting na para bang proud pa siya. Yuck! Hindi na nahiya, ang yabang talaga. Inisnaban ko siya at nagwink siya sa akin.

"Omy kinindatan ako ni Sting," rinig kong bulong ng mga babae sa paligid namin. Mga assumera, ako yung kinindatan niya eh.

"All of you, back to your corresponding classrooms. Now!" sigaw ni Mr. Ferraro kaya nagsig-takbuhan na yung iba.

"Tara na Levy!" hinila ko na yung kamay ni Levy at nakitakbo pabalik sa room namin.

"Fiance! Hintayin mo ako!" rinig kong sigaw ni Sting kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.

"Fiance mo ba talaga siya?" pagtatanong ni Levy.

"Hindi no! Nakasalubong ko lang siya noong isang araw. Hindi ko nga masyadong kilala 'yan eh," sagot ko.

"So if that's the case, why does he keep calling you 'fiance?' Hindi naman siya magt-transfer dito kung wala siyang reason diba? Maybe fiance mo talaga siya, hindi mo lang alam," paliwanag ni Levy sa akin. Iniling ko naman yung ulo ko.

"Kung siya lang rin naman ang magiging fiance ko mas mabuting mamatay na ako," seryoso kong sagot.

Nakarating na rin kami sa loob ng room. Grabe hingal na hingal ako. Nagpaalam na si Levy at umupo na sa desk niya. Inilibot ko naman kaagad ang aking paningin at nakita kong wala pa si Shawn.

Umupo na ako sa desk ko at napatingin naman ako sa kaliwa ko, wala rin si Lucas. Nasaan kaya 'yung dalawang 'yun?

"Class this is your new classmate, the transferee. Give him a warm welcome," pagsasalita ni Ma'am sa harapan at nakatayo sa gilid niya si Sting which is magiging kaklase ko. Aish!

"Sting Villafuerte is the name. I'm looking forward for your kindness and coordination my dear classmates," pagpapakilala ni Sting at lahat ng babae ay kilig na kilig sa kanya well except me and Levy. Si Levy naman, hindi na maipinta ang mukha niya. Para na siyang naiinis kay Sting, I can't blame her ganyan talaga siya pagdating sa mga lalaking mahahangin.

"So where do you want to seat?" tanong ni Ma'am. Huh? Hindi ba parang mali si Ma'am? Dapat siya yung mag-assign kung saan uupo si Sting.

"Umm... I'll choose the front side of Lucy Castro."

Eh?! May nakaupo na nga sa harapan ko.

"Aalis ka o aalis ka?" maangas na tanong ni Sting kay Sean, ang nerd kong kaklase.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon