Chapter 24

995 90 3
                                    

SHAWN'S POV

It has been two weeks since Lucy confined in hospital. She's in critical condition and the doctor said that it takes time to heal her wounds. She also injured her left leg and had a fracture in her bone between her knee and because of that, she'd been undergo on a surgery.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, wala pa siyang malay at parang lantay na gulay na nakahiga sa hospital bed. Naaawa ako sa kalagayan niya at wala man lang akong magawa.

If only I'd arrived early before she fell.

"Oh," a hand landed in front my face with a paper bag on it. Tinignan ko kung sino ang may-ari nung kamay at nakita ko si Sting na nakatayo na pala sa gilid ko.

"Aanhin ko 'yan?" kunot-noo kong tanong.

"Subukan mong ihilamos sa mukha mo para naman mawala ang eyebags mo," pamimilosopo niya kaya binigyan ko siya ng 'warning look.'

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "Kainin mo. Ilang araw ka na ring nagpapalipas ng gutom. Pinsan pa rin kita at ayokong masaksihan ang pagkamatay mo sa mismong harapan ko- Aray! Bakit mo ako binatukan?!" singhal niya sa akin at binigyan ako ng masamang titig.

"Hindi pa ako mamamatay kaya manahimik ka na lang. Thank you na rin dito sa binili mo."

I would not let myself die without 'her' knowing her forgotten memories first.

"Kailan kaya magigising si Lucy?" matamlay niyang tanong saka lumapit sa gilid ng hinihigaan ni Lucy at umupo sa upuan na naroon.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang parents ni Lucy kasama na rin sina Lucas at Levy. I was just teasing her with the name 'Leslie' last time.

Agad naman akong nagmano sa parents ni Lucy at bumalik sa inuupuan kong sofa. Tumabi na rin sa akin si Levy at nilapitan naman nila Tito Jude together with Tita Layla pati na rin si Lucas ang pwesto ni Lucy.

"Oh my god, what's happening to our daughter Jude? She's still unconscious yet I can't do anything to help her. I'm a useless mother," Tita Layla began to cry again. She's been doing that everytime she'll visit Lucy who is still lying on her bed like a dead puppet. Lucas and Sting comforts her.

"Kasalanan ko kung bakit naging ganyan si Lucy," narinig ko ang mahihinang hikbi ni Levy habang walang tigil ito sa kakabulong na siya ang may kasalanan.

"Don't blame yourself, you didn't like on what happened to Lucy right? Besides, she will be fine soon according to her doctor."

"I hope so."

Kakatapos ko lang kainin ang carbonara at burger na binigay sa akin ni Sting. Takte, akala ko pa naman ay heavy meal ang laman. Buti na lang at may dalang lunch sina Tita Layla kaya sama-sama kaming lahat na naghanda ng pagkain para sabay-sabay na kaming kumain.

"The best po talaga ang sushi niyo Tita!" Tuwang-tuwa na sabi ni Lucas habang nilalamutak ang sushi na nakalapag sa mesa. Siya na nga lahat ang halos na nakaubos nito. Kahit kailan, nagiging isip-bata si Lucas pagdating sa sushi. Favorite niya kasi 'yan at isa pa ay favorite rin 'yan ni Lucy.

"You're very lucky for now Lucas. I doubt kung makakain ka pa niyan kung gising lang si Lucy," biglang singit ko dahilan ng pagtawa naming lahat.

"Tita! Tito!" Pagtawag ni Sting kaya napunta sa kanya ang atensiyon naming lahat.

"Bakit?" Tanong ni Tita Layla.

"Sa tingin niyo po ba ay mahuhulog na sa akin ng tuluyan si Lucy kung araw-araw ko siyang gagawan ng sushi? What do you think po?"

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon