Chapter 4

2.3K 165 63
                                    

SHAWN'S POV

"Shall we go?" tumango ako bilang tugon kay Mr. Kang at lumabas na kami ng office niya papunta sa gym.

Bago ako makapasok, nahagip ng mga mata ko si Lucy na para bang nakikipagtalo kay Lance. Pasaway talaga kahit kailan.

Pumasok na kami ni Mr. Kang sa loob ng gym at pumwesto sa harapan bilang mga judges. Kasalukuyan akong may tinitignan sa Form 101 nang maramdaman kong may nakatitig sa akin pero binalewala ko na lang iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang audtion. Marami ang magagaling pero kailangan pa ng improvements. Still, 50 slots lang ang kailangan pero lagpas 300 ang mga nag-audition kaya kailangan talaga piliin ang mga deserving.

"Next Lucy Castro."

Naapangat ako ng tingin nang lumabas na si Lucy. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"This performance of mine is dedicated to one and only person and that's you, Shawn Rimas."

Napatingin ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niya, hays ano ba 'tong pinagsasabi ng babaeng 'to?

Bago niya bitawan ang mic ay ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Shit! May kalokohan na naman siyang gagawin at sa tingin ko ay hindi ko magugustuhan.

Maya-maya pa nagsimula ng tumugtog ang isang kanta, wait parang familiar 'to ah? Narinig ko na 'to, hindi ko lang matandaan kung kailan.

[Playing Gangnam Style Chorus]

"Everybody! C'mon sing and dance with me! Whooo~! Yeeeaaahhh SEXY RIMAS meow meow meow meow meow meow LUCY GANDA STYLE~ Yeeeaaahhh SUNGIT RIMAS oink oink oink oink oink oink LUCY DYOSA STYLE~ yeah yeah yeah yeah yeah yeah yeah ANG BANTOT NI SHAWN~! Maraming salamat po and sana nag-enjoy po kayong lahat. Bow!"

Sabi na nga ba at kalokohan na naman. Tinignan ko ng masama si Lucy at tumawa lang siya. Pati mga kapwa judges ko at mga students ay tawa rin ng tawa. Ang iba ay tinutukso na ako lalo na si Mr. Kang na ngayon ay pangiti-ngiti sa akin.

"Ang benta neto pare! Hahaha."

"Upload niyo na sa youtube bilis!"

"Laughtrip hahaha."

"Go Lucy! Classmate namin 'yan! Whoo!"

Ang ingay-ingay na ng mga students dito sa loob ng gym. Ang iba ay bumaba na at nakisayaw na rin kay Lucy. Ang iba ay ginagaya ang kinanta niya. Kainis talaga. Disaster talaga ang babaeng 'yun.

"Alam mo Shawn, bagay kayo nung babaeng kaka-perform lang. What is her name again? Lucy?" panunukso sa akin ni Mr. Kang kaya agad akong dumepensa.

"Ano po bang sinasabi niyo Sir? Takas mental po ang babaeng 'yan at hindi po ako interesado sa kanya," tumayo na ako at patawa-tawa pa si Mr. Kang.

Tsk. Lumabas na ako ng gym at dumiretso sa library. Kung akala siguro ni Lucy na nakakatawa ang ginawa niya pwes nagkakamali siya dahil nakakainis na siya pati ang mga kalokohan niya.

I'm sick of her stubbornness.

LUCY'S POV.

"Idol! Pa-fs po ako!"

"Papicture naman Lucy!"

"Ituro mo nga samin yung Lucy Ganda Style."

Kasalukuyan akong nasa room namin at pinagkakaguluhan ako ng mga kaklase ko. Parang kahapon lang, agad ng dumami ang fans ko ngayon. Di ko naman kasi akalain na sisikat yung pinerform ko kahapon sa buong school. Kalat na kalat na eh, may video pa nga ako at isa lang ang masasabi ko, ang ganda ko talaga.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon