Chapter 15

1.4K 97 2
                                    

LUCY'S POV

Lunes na naman at may pasok na. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Naguguluhan pa rin ako kung bakit bigla ko na lang nakita ang pagmumukha ni Sting sa mukha ni Shawn. Hallucination? Maybe. O baka sadyang nahilo lang ako.

"Lucy!" napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Sting na tumatakbo papalapit sa akin.

Speaking of Sting the bee.

"Hey!"

"Lucy."

"Uy! Pansinin mo naman ako."

"Snobber!"

Hindi ko siya pinapansin at tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad ko.

"Omg look! That's Lucy and Sting right?"

"Sila 'yung nasa video na kumalat sa social media."

"Hala! Sila na ba talaga? So totoo pala ang rumors about them."

"LQ ata sila eh! Look! Mukhang nagkatampuhan."

"Ang swerte ni girl! Dapat ako ngayon ang kasama ni Sting ko!"

Napahinto ako sa aking paglalakad nang marinig ang bulung-bulungan ng mga estudyante dito sa hallway at nakatingin sa amin ni Sting.

"Manahimik kayong lahat! Walang kami ni Sting!" malakas kong sigaw at nagpatuloy ulit ako sa aking paglalakad.

"I'm sorry Lucy! Kailan mo ako kakausapin?" huminto ulit ako sa paglalakad at tumingin ako kay Sting saka ko siya mabilis na hinila papunta sa vacant room.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya nang makapasok kami. Binuksan ko kaagad ang bintana at humarap sa kanya.

"Anong gusto mo? Doon tayo mag-usap sa labas at pagpiyestahan tayo ng mga usiserong estudyante?" sarcastic kong tanong saka nag-rolled eyes.

"Ang cute mo talaga kapag naiinis! So bati na tayo? Pinapatawad mo na ako?" nakangiti niyang tanong kaya napabuntong-hininga na lang ako at tumango ng dalawang beses.

"Pinapatawad na kita! Bati na tayo! Friends na ulit tayo basta 'wag mo ng uulitin 'yon ah?"

"Of course! Not until we got married in the future," he winked then pinched my soft cheeks.

"Ouch! Tsk! Married your face!"

"Yeah my handsome face!" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Wow ah, ang kapal pa rin ng pagmumukha ng lalaking 'to. Mayabang pa rin hanggang ngayon.

"Pumasok na nga tayo!" pag-anyaya ko. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

"What?"

"Umm wala na kami ni Levy. I mean tapos na ang pagpapanggap namin saka nagpasalamat na ako sa kanya," nakangiti niyang sambit kaya naman naguluhan ako.

"Ha? Ano? Akala ko ba ayaw mo sa babaeng ipapakasal sa'yo?"

"Dati 'yon dahil hindi ko pa siya nakikilala but now? I know her. I know her very well," nakangiti niyang saad kaya napangiti na rin ako para sa kanya.

"Good to hear that! Basta ipakilala mo siya sa akin ah?"

"Siyempre naman! Mamayang hapon na kung gusto mo," desidido niyang sabi kaya natawa ako.

"Deal. Mamayang hapon mo siya ipakilala sa akin. Aasahan ko 'yan!"

"Sige ba! Deal."

Sabay na kaming lumabas ni Sting sa vacant room at naglakad na kami papunta sa room namin. Sisipol-sipol pa si Sting habang naglalakad.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon