Chapter 12

1.6K 127 5
                                    

LUCY'S POV

"Ms. Lucy nandito na po tayo sa school niyo," rinig kong sabi ni Kuya Nilo na personal driver ng family ko.

"Salamat po," pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at agad na akong lumabas. First time kong magpahatid sa driver namin, araw-araw kasi akong nagc-commute.

Puyat ako ngayon at halos wala akong tulog kagabi, hindi na nga yata ako nakatulog kagabi. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko sa unggoy.

Wala na ang first kiss ko! Hindi na virgin ang precious lips ko.

"Tsk! Bwisit!" napapadyak na lang ako sa hangin bago pumasok sa entrance gate.

"Miss nasaan ang I.D mo? No I.D no entry policy," pagharang sa akin ni Manong Guard at dahil bad mood ako ngayon ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Please lang po! Marami po akong iniisip ngayon. Masyado ng polluted ang utak ko kaya please Manong Guard papasukin niyo na po ako kahit ngayon lang," pigil-hininga kong sambit. Nakita kong nagdadalawang isip pa siya pero agad din naman niya akong pinapasok.

Medyo hindi ako mapakali ngayon dahil sa akin nakatingin ang lahat ng students. Ang iba ay tatawa at ituturo ako, ang iba naman ay nagmumukha ng mabagsik na leon dahil ang sama ng tingin nila sa akin.

Ano bang meron?

"Siya ba 'yon?"

"There she is! Siya si Lucy Castro!"

"Omy! Kamukha nga niya 'yung nasa video."

"Ang kapal naman pala ng mukha niya. Eh di hamak na mas maganda naman ako."

"Go! Punish her!"

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila, isang kumpol ng mga babae ang bigla na lang tumakbo papalapit sa akin. One thing for sure, I need to save my life from those witches.

Run Lucy! Run!

Tumakbo ako ng napakabilis at nakita ko ang mga witches sa likod ko na nakasunod din sa akin. I positioned myself and bend my half body down. Nagsimula na akong tumakbo ulit, kung paano tumakbo ang mga ninja, assassins, shinigami and such sa anime ay ganoon din ang posisyon ko ngayon.

Ang cool 'di ba?

Humihingal ako na huminto at sumandal na muna sa isang puno saka umupo. Tumingin ulit ako pero wala na sila. Mukhang nakalayo na ako sa kanila. By the way, napunta ako dito sa pinakasulok na part ng school. Nandito rin 'yung secret way ko.

"Makabalik na nga," patayo na sana ako pero may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko.

Tumingala ako para tignan kung sino man 'yon.

"Kung minamalas ka nga naman oh," napapailing kong bulong.

"Hi there! Lucy right? Nagkita na naman tayo. Nice to meet you again!"

Tumayo na ako ng tuluyan at pinagpagan ko ang uniform ko saka tumingin sa kanya at pilit din akong ngumiti ng peke.

"It was not good to see you here," ganti ko. Ayoko kasing magpaka-plastik sa babaeng 'to.

"Really?" nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at may kung ano siyang kinakalkal sa bag niya.

"I was in a big shock to find out that you and Sting are already dating secretly. Ilang months na ba kayo?" tanong niya na ikinabigla ko. Busy pa rin siya sa pagkalkal ng phone niya.

"What?" balik na tanong ko. Kami ni Sting? Nagd-date? Imposible mangyari 'yon.

"I really don't get your actions girl. Here, look at it," iniabot niya sa akin ang phone niya at muntik ko na 'tong malaglag dahil sa nakita ko.

Paano ba naman, viral na ang photos naming dalawa ni Sting sa social media. Kahapon lang 'to ah, hindi ako aware na kinukuhanan pala kami ng litrato and worst...

Naka-post din dito 'y-yung, 'yung kissing scene namin.

Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Hey girl yung phone ko baka masira," kinuha na ni Khate ang cellphone niya mula sa kamay ko nanginginig na sa panggigigil.

"Akala ko si Shawn ang gusto mo? Bakit ka nagpahalik kay Sting?" seryoso niyang tanong. Nabigla nga ako eh, ngayon lang kasi siya nagsalita ng diretsong tagalog. Ibang-iba ang Khate na kaharap ko ngayon sa dating Khate na una kong naka-encounter.

"H-hindi ko naman gusto si S-shawn," umiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nautal, huhu Lord help me.

"Liar! I'm a girl too, alam ko ang nararamdaman ng isang babae. And you," duro niya sa akin at pinitik ang noo ko. Hindi naman masakit, slight lang. "...maging totoo ka naman sa sarili mo."

Lumayo na siya sa akin at ako naman ay nanatili pa rin sa posisyon ko. Para nga akong na-freeze sa ice magic ni Gray eh. 'Yung ice wizard sa Fairy Tail, hehe. Crush ko rin 'yon.

"You really don't like Shawn?" muli niyang tanong. Natigilan ako sandali, hindi ko naman gusto si Shawn 'di ba? Tama, wala akong feelings sa kanya.

"N-no."

And for the second time, I stuttered in front of her.

"Oh I see. So can I have him?" nakangiti niyang tanong.

"W-what?" napahilamos siya dahil sa inasal ko.

"Bingi ka ba? O sadyang nagtatanga-tangahan ka lang? My god!" napa-rolled eyes siya at nagcross-arm saka muling humarap sa akin.

"Tutal hindi mo naman siya gusto, if that's the case, ibig sabihin ay ipinapaubaya mo na siya sa akin. Actually, perfect combination naman kami ni Shawn para sa isa't-isa and if we'll become a couple, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. You know, I really like Shawn."

Pagkatapos niyang magsalita ay ngumiti siya na parang wala ng bukas. Naikuyom ko ang kamao ko at parang gusto ko siyang suntukin sa pagmumukha.

"Khate sa t-totoo lang-"

*Ring ring ring*

"Hello?" sagot ni Khate sa tumawag sa kanya.

"Shawn ikaw pala... Umm yeah... Actually papunta na ako diyan... 'Yun lang ba ang kailangan mo? Wala ng iba?... Okay, got it!... Yeah sure I will... Bye~" natapos ang pag-uusap nilang dalawa at binaba na ni Khate ang phone niya.

"Ano nga pala 'yung sinasabi mo kanina? I didn't heard it."

"Ah wala wala. Nevermind," sagot ko kaya napatango na lang siya.

"Okay! I have to go! Hinihintay na ako ni Shawn sa office ni daddy," tuwang-tuwa niyang paalam at mababakas sa mukha niya ang saya habang papalayo sa kinatatayuan ko.

Napaupo ulit ako sa damuhan. Makakasama na naman niya si Shawn, habang ako ay parang basang sisiw na naghahanap ng masisilungan.

Bakit parang sumasakit ang puso ko?

Napahawak ako sa bandang dibdib ko, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Shit! Kanina okay lang ako eh, meron na ba akong sakit sa puso? Maaatake na ba ako?

Maya-maya pa ay may naramdaman akong mainit na likido na tumulo mula sa aking mga mata. Pinahid ko ito gamit ang kaliwa kong kamay at tinitigan.

Luha.

Tears of death na ba ang matatawag dito?

Napatawa ako sa sinabi ko, sumasakit na nga ang puso mo at nagawa mo pa talagang magbiro ng ganyan Lucy. Iba ka talaga.

Napangiti ako ng mapakla habang hinahayaan kong tumulo ang mga luha ko na kanina ay patak lamang at kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Tuluyan na akong humiga sa damuhan, wala na akong pake kung ano man ang mangyari sa akin basta ang mahalaga ay makita ko siya.

"Magparamdam ka na naman sa akin kahit saglit lang, S-shawn..."

"LUCY!"

***

Feedbacks are highly appreciated! :)

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon