*lunok!*


*inayos ang salamin*

Magsasalita na sana ako ng biglang nagsipalakpakan ang mga estudyante. Pati sa labas ng room eh may nanood ring mga kapwa guro!


"Talino mo talaga Shacy!"



"Hoooo! Galing!"

"Talo ka tuloy Prof Wang hahahah!"

"QUIET!!!!" Umalingawngaw na sigaw ko. "At ikaw!" Namumulang turo ko sa napakabastos na bata!


"Ako po?!" Naguguluhan pang tanong ni Ms. Mcreb sa sarili.

"Follow me at Dean's Office! Now!" Galit na galit kong sigaw saka padabog na lumabas dala dala ang mga libro ko!

**********

--Shacy's POV--

"Follow me at Dean's Office! Now!" Mukhang galit na yata tong si Prof eh. (>_<)


Gusto ko lang naman e-defend ang sarili ko eh! *pout*


Ang gulo rin naman kasi ni Prof! Tatanong siya sakin tapos magagalit rin naman sa huli! Halos uusok na nga sa galit ang ilong niya kanina eh. Buti nalang gumana ang utak ko...kundi pasa ang aabutin ko!

Nakayuko ako ngayong sumunod sa kaniya. Papunta raw kasi kami sa Dean's Office eh. Ano rin naman ang gagawin namin do'n? Na miss kaya ni Prof Wang si Madame Batuigas? Halaaa! Baka may love affair si Prof Wang kay Dean kaya halos araw-araw may dina-drop out siyang estudyante?!

Naku! *face palm* dumada-moves lang naman pala tong si Prof eh! Sinali pa 'ko sa kalukuhan niya. Hayst!

.
.
.
.
.
.
.
.

 

"Ms. Mcreb, alam kong isang anak mayaman ka kaya ka ganiyan. Pero mali naman yatang sumasagot sagot ka sa Professor mo." Pangangaral pa sa akin ni Madame Batuigas (Dean).

Sumbungero rin naman kasi tong si Prof Wang eh! Kwenento niya lahat ang nangyari kanina, tapos may pa luha-luha epek pa siya.

"Eh Madame, mali rin naman po kasi si Prof Wang! Alangan namang hindi ako sasagot sa mga tanong niya, eh siya nga itong tanong ng tanong sakin kanina." *pout*

Itsura nina Prof at Madame---> (>>__<<)

"K-kita niyo na Madame? Kita niyo na?! Ganiyan po ka talas dila niyan!" Si Prof talaga! Ang tanda tanda na pero kung umasta eh parang inaway ko talaga! *pout*

"Eh Madame Batuigas, mali naman po talaga ang tinuro niya kanina! Eh imbes na nirereject ang null hypothesis dahil 2.89 po ang result ng Z value, eh inaccept po ni Prof!" Halata namang naguguluhan si Madame Batuigas saking sinabi kaya napabuntong hininga nalang ako. Hayyy...


Ang slow rin naman pala ni Madame.



"Ms. Mcreb, alam kong matalino ka at palaging nangunguna sa klase. Pero isn't it very awkward kapag ganiyan ang trato mo kay Professor Wang?" Bakit parang pinalabas nila na ako ang may sala? Eh si Prof Wang naman talaga ang mali ah! "You should respect Professor Wang, Ms. Mcreb." Napakunot naman ako ng nuo.

Kung alam mong tama ka, ipaglaban mo!


Bigla tuloy sumagip sa isip ko ang sinabi ni lola sakin noon.


Napatingin naman ako sa mga trophies na nasa gilid ng table ni Madame. Lahat puro pangalan niya ang nakatatak at mukhang sa China pa siya nakapagtapos. Tsk!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now