10

3.7K 61 1
                                    


PARA kay Jake, kapag sumama rito ang isang babae, more or less ay alam na nito kung saan sila pupulutin. Ganoon din ang inaasahan nito kay Willa. Kaya naman panay ang sulyap ng binata sa kanya, na bigla yatang naumid ang dila. Simula nang umalis sila ay hindi pa siya nagsasalita.

He sighed. Pasimpleng nag-landing ang kamay nito sa kanyang hita.

Para namang bigla siyang ginapangan ng ipis at napapitlag.

"H-hey, easy," ani Jake, hindi makapaniwala sa kanyang reaction.

"N-nagulat lang ako," ani Willa. "S-saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya, hindi maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya makapagsalita. Samantalang kung si Joaquin ang kasama niya, malayo na ang
narating ng kuwentuhan nila. Paakyat na sila sa skyway.

"Sa bahay ko, diyan lang sa Laguna," anang binata, nang mahawakan ang hita niya ay ayaw nang alisin doon ang kamay. Ngunit nangamba itong baka bigla siyang tumalon sa sasakyan.

"May bahay ka pala sa Laguna, H-hindi nabanggit ni Wacks," aniya, hindi makatingin sa binata. Para siyang naninigas sa pagkakaupo.

"Hindi alam ni Dad 'yon," anito at napansin ang pagiging tense ni Willa. "Ano ka ba? Would you relax? Wala naman akong gagawing masama, ah. Ipapakita ko lang sa 'yo ang bahay ko."

"Hindi kasi ako nagpaalam kay Daddy. Baka gabihin tayo," aniya. Ang totoo ay ngayon lang niya naisip ang ama. Nang sumama siya kay Jake ay hindi niya naisip iyon.

"You can call him," anito. Wala namang balak si Jake na pauwiin si Willa. Planado na nito ang lahat. Sa makalawa na ibabalik ng binata kay Pedro Buluran ang anak. Hindi na ito makatatangging ipakasal dito ang anak.

Tumango lamang si Willa at natahimik na naman sila. Gustong matawa ni Jake sa nangyayari. He didn't know how to deal with her.

"Saan ka nag-aral, Willa? Anong course ang tinapos mo?" tanong ni Jake mayamaya, napapailing pa sa sarili. Why was he asking those stupid questions? Because he didn't know where to
start with her.

Sinabi ni Willa ang pangalan ng university. "I
took up Accountancy," aniya. Siya naman ay nakadama ng relief dahil kahit paano ay may pinag-uusapan sila. Nahihirapan din siya sa katahimikan nila, kaso ay hindi talaga niya magawang magbukas ng usapan.

"And you put up your own business. Hindi mo ba naisip na magtrabaho muna?" tanong ni Jake. Para
itong nag-i-interview ng aplikante. "No—no one would hire me," amin ni Willa. Amused naman si Jake.

"No one would hire you? Why?" Kung dito mag-a-apply si Willa, tatanggapin agad nito.

"They don't hire witches," tugon ni Willa at agad ding pinagsisihan dahil biglang natawa si Jake.

Here we go again, ani Jake sa sarili.

"Hindi naman kita pinipilit na maniwala kung ayaw mo," ani Willa.

"Don't be offended, okay? Bago lang kasi 'yon
sa pandinig ko. But are you really a witch? I mean,
that trick you did the first time we met—I knew it was
just that—a trick. But can you really put a hex on someone?" tanong ng binata.

Tumango si Willa.

"I'm fascinated," wika ni Jake at iyon ang totoo. Priviledged nga yata ito kaysa ibang kalalakihan. Aba, hindi naman lahat ng lalaki ay nagkakaroon ng ka-date na mangkukulam o bruha. And he couldn't wait to make love to a witch. "Nasaan ang walis mo?" tanong pa nito.

She gave her an angry look.

Tumawa si Jake. "I'm just kidding." He reached out and caressed her silky curls. Ang balak nito ay haplusin lang iyon at bawiin ang kamay. But he just couldn't take his hands off her hair. He loved the way it felt.

"Jake—" ani Willa, uncomfortable yet loving what he was doing. Para siyang kinukuryente, ngunit hindi. Dahil kung ganoon ang pakiramdam ng kinukuryente, lahat siguro ay gustong masilya-elektrika. She decided
that what she felt was unexplainable. It was beyond words.

Binawi naman ni Jake ang kamay. "I'm sorry." He meant it, and didn't know why. "You're lovely—" halos pabulong na lamang nitong sinabi. 

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon