8

3.8K 65 1
                                    


KINABUKASAN, maaga pa lang ay nasa opisina na ni Atty. Buluran si Joaquin.

"Maupo ka, pare," anang abogado.

"I came to talk to you about your daughter," ani Joaquin, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Tumango si Ed Buluran. "Nasabi na sa akin ni Jake ang plano mo. I'm afraid that's not possible," anito.

"I see," wika ni Joaquin. "Kung ang dahilan ay ang agwat ng aming edad, then you're a hypocrite, Ed. Alam mong mas makukuha mo ang gusto mo sa amin kung ako ang mapapangasawa ng anak mo. Money. Influence. Iyon ang kailangan mo, hindi ba? That's why you blackmailed my son into marrying her—"

"It's not blackmail," pakli ni Atty. Buluran.

"Call it whatever you like. My point is, I can bribe you if I want to. But I'm a decent man, Ed. Hindi ko gagamitin ang kakayahan ko at kahinaan mo para mapasaakin si Willa. I just want you to be fair. Allow me to court her," mahinahong wika nito.

"I'm afraid I can't allow that," anang abogado.

"Then you're the worst father on earth, Ed. I can give your daughter something my son could not," ani Joaquin.

"What's that?" tanong ni Pedro Buluran.

"Love. I love her. Jake doesn't. Tumutupad lamang siya sa napagkasunduan. Isa pa'y natatakot siyang kapag nakasal kami ni Willa ay mapunta sa inyong mag-ama ang kontrol ng Delano Industries. May sarili siyang plano matapos niyang mapakasalan si Willa. Don't get me wrong. I love my son, and I understand him. Hindi ko lang kayang tanggapin na magiging miserable lamang si Willa sa piling niya." Tumindig si Joaquin. "Think about it, Ed." At nilisan nito ang silid.

Worst father. Natanim sa isip ni Atty. Buluran ang mga salitang iyon at napabuntong-hininga Kailan nga ba siya naging mabuting ama kay Willa?

Nang lumalaki ang kanyang anak, naroroon ba siya? Hindi ba't siya ang may kasalanan kung bakit naimpluwensyahan nang husto ng biyenan si Willa? He could have been there when she needed to be comforted. But he wasn't. And his daughter must have been so lonely at walang mapuntahan kung hindi ang pamana ni Lola Armida. She was holding on to something she had when she was a child. Noong sa
tuwina ay may lolang natatakbuhan.

Hanggang sa maging ganap na dalaga na si Willa ay pinakikialaman pa rin niya ang kinabukasan nito. At iyon ay dahil din sa salapi at impluwensyang matatamo nito kung magiging bahagi ang anak ng Delano family

"Forgive me, baby. I thought I was doing it for you,"aniya sa larawan ng anak na nasa mesa.

Dinampot niya ang telepono at nag-dial.

"Yes?" anang tinig ni Jake.

"Attorney Buluran here. I changed my mind, Jake. I'm giving your father a chance," aniya.

"Are you crazy? Why?" Galit ang tinig ni Jake.

"He loves her," anang abogado.

"That's not possible!" sigaw ni Jake. "He's just infatuated!"

"And I love my daughter. Forget about our agreement, Jake. I would still represent you, and I'm
working on the settlement. We won't have to go to court. Just leave my daughter alone," anang abogado. And he felt proud of himself. Proud that he was not the worst father on earth.

"That's insane!" ani Jake at ibinagsak ang telepono.

DAPAT sana ay matuwa siya, ngunit hindi. Iba ang paniniwala ni Jake. Nagbago ang isip ni Atty. Buluran dahil higit na mas malaki siguro ang inialok ng ama niya rito. Maybe the whole fortune.

I won't allow this, sumpa niya sa sarili. Mabilis siyang tumindig at dinampot ang jacket sa likod ng upuan.

Black Magic Woman  by Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon