17

35.8K 878 10
                                    


HINDI malaman ni Samantha kung ano ang gagawin. Naikot na yata niya ang cuatro cantos ng buong bahay at namuti na ang sahig sa sala sa kapaparoo't parito niya.

"Puwede bang pumirmi ka lang sa isang lugar? Nahihilo na kami sa iyo ng nanay mo," singhal ng tatay niya.

"Paano akong pipirmi!" Naghihisterya siya. Nang magising siya ay wala na si Red. Ayon sa mga magulang ay nagpaalam ito bago umalis at hindi siya ipinagising. At ayon pa rin sa sulat na iniwan ni Red sa kanya—na hawak pa rin niya—he was firing her. But she couldn't understand why? Samantalang nang nagdaang gabi lang... Oh, last night was beautiful.

"Bakit ninyo siya hinayaang umalis? Bakit?"

"Humingi ng paumanhin si Red sa akin kagabi pa lang, Sam, dahil sa pagsapanganib niya sa buhay mo. At marahil ay hindi niya gustong madamay ka pa. At hinahangaan ko siya roon."

"Bakit ka ba nagkakaganyan, anak? Ikalma mo ang sarili mo," wika ni Aling Arsenia.

"Hindi ako puwedeng kumalma, Inay! Someone's out there and wants him dead. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukote ng taong iyon at basta na lang umalis at i-terminate ako. Ni hindi nga iyon marunong magkasa ng baril!" Ibinato niya sa bintana ang nakuyumos na sulat.

"Hindi ba at hawak na ng mga pulis ang nagtangka sa buhay niya?" patuloy ni Mang Alipio. "Tapos na ang panganib sa buhay ni Redentor, Sam. 'Yon ang dahilan kung bakit tapos na ang trabaho mo."

"'Tay, hindi ba ninyo naisip o ni Red na maaaring hired killer lang ang lalaking tumugis sa amin kahapon?" Por dios, Red, why do you have to be so bobito?

Umalis ito na hindi man lang pormal na nagpaaalam sa kanya sa pag-aakalang ligtas na ito. Hindi na nito kailangan ang serbisyo niya. Just like that! She was just a bodyguard anyway. And to add the insult, iniwanan nito ang mga magulang ng tseke na ang halaga ay labis-labis na kabayaran sa serbisyo niya.

Samantha swallowed the lump in her throat. She saw this coming. Ngunit hindi niya alam na magiging ganoon pala kasakit iyon. Where would she be without him now?

Ang tanging naiwan sa kanya ay ang alaala ng mga halik nito. At nang nagdaang gabi. Niyakap siya ni Red, inihilig sa matipunong dibdib. She really felt that he cared. Kahit man lang sa sandaling iyon.

At muntik pa niyang sang-ayunan ang sinabi nitong kung bibigyan niya ito ng pagkakataon ay hahagkan siya nitong muli. "... Kung hindi ba ako isang bodyguard lang, mamahalin mo ako?" Hindi niya akalaing naiusal niya nang malakas ang laman ng isip. Mabuti na lang at napaniwala niya si Red na hindi niya sinabi iyon bago pa siya tuluyang naipagkanulo ng sarili.

"Umiibig ka na, Samantha."

Napamulat siya. Mukha ng tatay niya ang nasa harap niya. Nanunuri. Umiwas siya ng tingin. "Ano ba'ng sinasabi n'yo, 'Tay?"

Mahinang tumawa si Mang Alipio. "Matanda na kami ng nanay mo, Samantha. Hindi mo kami mapaglalalangan."

"Hindi ako in love sa taong lampa, bobito, at hindi kayang ipagtanggol ang sarili." Nakahalukipkip na tumalikod siya sa mga magulang.

"Ano bang bobito ang pinagsasasabi mong bata ka?" napapailing na sabi ni Aling Arsenia. "At paano mo naman nalamang lampa si Redentor? Dahil ba kumuha siya ng bodyguard ay hindi na niya kayang ipagtanggol ang sarili?"

"Tama na ang usapang ito." Tumayo na si Mang Alipio. Tinapik nito sa balikat si Samantha, at sa nagsisimpatyang tinig ay, "Kalimutan mo na ang damdamin mo sa boss mo, Samantha. Hindi kayo magkauri."

"Mali kayo, Tatay. I am not in love with him!" Pinakadiin-diinan niya ang sinabi na alam naman niyang hindi naniniwala ang mga magulang kung ang pagbabasehan ay ang palitan ng tingin ng mga ito.

Sexy and Dangerous (COMPLETED)Where stories live. Discover now