10

40.1K 1K 16
                                    


Nang araw ding iyon ay napalitan ang salamin sa door panel. At nang makaalis si Art ay pumanhik na si Red sa silid niya. Sumunod si Samantha sa kabila ng mariing pagtanggi nito.

"Natitiyak kong wala na sa paligid kung sino man ang nagtatangka sa buhay ko, Sam. I'll be safe in my own room. Hindi kailangang samahan mo ako."

"Your idea of safety is laughable, Red. And I'm being paid to protect you," she said stubbornly. Inunahan niya ito sa pagpanhik sa hagdanan.

Itinaas ni Red ang mga kamay sa ere sa inis, muttering an oath at the same time. Alam ni Samantha na nagagalit ito dahil sa hindi pagkakatuloy ng dinner date nito sa nobya. Na ikinasisiya naman niya.

Sa silid ni Red ay inihagis niya sa sofa ang duffel bag na kinalalagyan ng extra jeans at shirt niya. Sa unang pagkakataon ay noon lang niya napag-ukulan ng pansin ang loob ng silid ni Red. Dark blue ang cover ng malaki at komportableng sofa at may nakasampay na afghan, in lighter shade.

Sa end table ay may glass figurine na sa kinatatayuan niya ay hindi niya mawari kung obscene ang pagkakamolde. Ipupusta niya ang huling piso sa kanyang bulsa na talagang mahalay ang anyo ng figurine na iyon.

Inilipat ni Samantha ang tingin sa king-sized brass bed. Kulay-talong ang bedsheet at pillow cases. She swallowed an imaginary lump in her throat. Ang mahalay na figurine at ang nag-aanyayang kama ay tila nagpapahiwatig ng intimacy.

Mabilis niyang ibinaling sa dingding ang mga mata at tinitigan ang abstract painting ng isang kilalang pintor. She made a face. Hindi niya maintindihan ang mga pintor na gumuguhit ng abstract. Bakit kailangang pahirapan ang mga tumitingin sa pag-i-interpret ng nakaguhit? Huwag nang sabihing napakamahal pa niyon. Sa halaga lang ng painting ay tiyak na maipagagawa na ng tatay niya ang bahay nila.

Kung ang pag-uusapan ay ang mga kasangkapang naroroon ay masasabing kompletong bahay ang loob ng silid ni Red. May minibar sa isang sulok at mamahaling mga bote ng alak ang nakikita niyang naka-display. Sa dulo ng minibar counter ay isang maliit na black ref.

"Hindi ka ba naduduling diyan sa laki ng TV mo?" tanong-komento ni Samantha nang mabaling ang pansin sa fifty-eight-inch television. Sa tingin niya, kapag doon siya nanood ng Discovery Channel ay malamang na kasinlaki na niya ang mga langgam. Sa isang bahagi ng dingding ay may nakakabit na malalaking sound blasters.

"Kailangan ba talagang kasama kita rito sa silid ko?" naiiritang sabi ni Red, hindi pinansin ang sinabi niya.

Nang lingunin ito ay natigilan siya, unti-unti ang ginawang inhalation. Nahubad na nito ang pang-itaas na suot at inilatag ang katawan nang pahalang sa kama. Nakahantad sa paningin niya ang katawan nito. He was physically fit with the right amount of muscles on his chest and shoulders. Not an ounce of extra flesh sa bahagi ng tiyan.

She'd seen men with fine bodies, one of them was her father. Pero sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na magagandahan siya sa katawan ng isang lalaki sa paraang dinedetalye niya ang bawat bahagi niyon.

Gayunman ay nahahati ang damdamin ni Samantha sa pagitan ng paghanga at matinding disappointment. Itinatago lang niya sa daldal ang dismayang nararamdaman. Hindi niya naisip man lang na may nobya na si Red. At hindi lang basta nobya. Kung itatabi siya kay Eden ay mukha siyang tagabitbit lang ng makeup kit nito. Hindi nga ba at napagkamalan siyang atsay?

Mula sa kisame ay inilipat ni Red ang tingin sa kanya. Kumunot ang noo ni Red nang mahuli nito ang pagtitig niya rito. Embarrassed, mabilis siyang humakbang patungo sa door panel. Tumayo siya roon at tinanaw ang labas mula sa salamin, umaasang hindi bibigyan ni Red ng ibang kahulugan ang pagtitig niya sa katawan nito.

Sexy and Dangerous (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt