12

37.6K 977 19
                                    


"I don't understand this anymore, Red!" Eden stomped her foot angrily. "Bakit kailangang kasama natin ang pinsan mo kung lalabas tayo?"

Itinaas ni Red ang dalawang kamay sa ere sa pagkadismaya. Ni hindi niya alam kung paano sasagutin ang nobya. It was Samantha's third day on duty as his bodyguard.

"Pinsan mo ba siyang talaga?" nagdududang tanong ni Eden.

"Pinsang makalawa namin ni Art si Sam, honey," sagot niya kasabay ng buntong-hininga. "And we were very close since we were children. Nahiwalay lang sa amin si Sam nang malipat sila sa Mindanao. At hindi ko naman siya mapahindian sa tuwing gugustuhin niyang sumama sa bawat lakad ko..." Hindi niya alam kung paanong lumabas sa bibig niya ang mga kasinungalingang iyon.

Umismid si Eden. "Hindi ko gustong pagsisihang nagkamali ako ng pagsagot sa iyo, Red. I don't like this at all." Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang babala sa tinig ng kasintahan. "Tawagan mo na lang ako kung ipinasya mo nang makakapag-date tayo nang walang chaperone!" In three strides she was gone.

Ni hindi pa man lang lumalapat nang husto ang pinto ng opisina niya nang pumasok si Art kasunod si Samantha. Tiyak na nasa labas lang ng pinto ang mga ito.

"Sa anyo ni Eden paglabas ay mukhang hindi maganda ang ihip ng hangin," wika ni Art, nangangantiyaw.

"Kahit sino ay magagalit kung sa tuwing babalakin naming mag-date ay laging kabuntot si Samantha!" Naniningkit ang mga mata niyang sinulyapan ang bodyguard na bale-walang naupo sa sofa at itinaas ang mga paa sa mesa.

"At bakit kailangang patuloy nating ilihim kay Eden kung sino talaga si Samantha? Girlfriend ko siya, may karapatan siyang malamang may nagtatangka sa buhay ko!"

Tumabing naupo si Art kay Samantha. Inilagay ang braso sa sandalan ng sofa sa likod at sa tingin ay nakaakbay ito sa dalaga. Huwag nang sabihing magkadikit ang mga tagiliran ng dalawa.

"Napag-usapan na natin ito, Red, at sinang-ayunan mo. Kung ngayon natin sasabihin kay Eden ang tungkol kay Sam..." Nilinga nito si Sam na ang mukha mula rito ay ilang pulgada lang ang layo. Sam met Art's eyes, lumabi ito at tumango-tango. "Iisipin lang ng girlfriend mong niloko mo siya at wala kang tiwala sa kanya kaya nagsinungaling ka."

Sa isang sandali ay nawala sa topic na pinag-uusapan si Red. Ang mga mata niya ay natuon sa braso ni Art na nasa likuran ni Samantha at kumunot ang noo niya sa paraan ng titigan ng dalawa.

Nang muling tumingin sa kanya si Art ay mabilis niyang inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa mga ito. He paced the floor. Hindi niya gustong i-entertain ang damdaming unti-unting sumisibol sa nakikita niyang closeness ng pinsan at bodyguard.

Muli niyang ibinalik ang mga mata kay Samantha. "Nagbabanta si Eden na makikipag-break sa sandaling hindi kita idispatsa. Nagdududa na siya kung talaga nga bang magpinsan tayo."

"Hindi ko problema ang girlfriend mo, Halandola," Samantha said icily. Inihilig ang ulo sa sandalan na tila nababagot sa pinag-uusapan.

Umangat ang kamay ni Art at banayad na minasahe ang ulo ni Samantha na nakaramdam ng ginhawa at pumikit. Lalong nagdikit ang mga kilay ni Red. Naglalaro sa isip niya na maaaring may relasyon ang dalawa. But he furiously dismissed the thought as fast as it came. Nasabi na ni Art sa kanya na binigo ito ni Samantha nang ligawan nito ang dalaga. Art wouldn't lie to him. Besides, ano ba ang pakialam niya sa pribadong buhay ng pinsan at bodyguard?

Nagmulat ng mga mata si Samantha. "Kung gusto mo'y mamili ka ng ididispatsa sa aming dalawa para matapos na ang suliranin mo."

"Are you crazy?" he barked. "Walang dapat pamimilian, Samantha. Girlfriend ko si Eden at bodyguard lang kita! Worse comes to worse—"

Sexy and Dangerous (COMPLETED)Where stories live. Discover now