Prologue

102K 1.8K 89
                                    


****Maraming salamat guys / gals sa patuloy na pagsuporta. At bilang pasasalamat sa inyo ay susubukan naming mag-upload once a week ng isang story ni Ms. Martha. At habang naghihintay kayo ng update mula sa amin ay puwede n'yong basahin muna ang mga gawa ni Kuya_Jun (publisher ni Ms. Martha) suporta na rin natin sa kanya dahil pinahintulutan kami ni Kuya_Jun na ilagay dito sa wattpad ang mga gawa ni Ms. Martha. Kaya bilang pasasalamat sa kanya ay follow n'yo na lang si Kuya_Jun at basahin rin ang mga gawa n'ya. Maraming salamat, ang haba na pala ng message ko. Sorry guys / gals kung di namin kayo narereplayan sa mga messages at comments n'yo pero nababasa naman namin lahat ng comments n'yo kaya lalo kaming nagpupursige na makakuha ng mga files para mailagay dito at mabasa n'yo rin kaya wag kayong magsasawang i-share ang inyong mga opinyon, saloobin at ang inyong mga ninanais na mabasa. Enjoy reading. - Admin A. :)******



Madilim ang panahon at umaambon-ambon, tulad din ng damdamin niya habang pinagmamasdan ang dalawang puntod.

"Alam kong paborito ninyo ang mga tulips, kaya dinalhan ko kayo." Lumuhod siya sa damuhan upang ilapag ang mga bulaklak. Natuon ang mga mata niya sa lapidang nasa kanan.

"You are so foolish to have done what you did!" Puno ng hinanakit ang tinig niya. Pagkuwan ay nilinga ang kabilang puntod sa kaliwa. Gentle fingers touched the tombstone.

"I miss you... so much." Masuyo niyang hinaplos ang pangalan sa lapida at pagkatapos ay kumuha ng isa sa mga bulaklak at naglagay sa ibabaw niyon. "Life had never been the same without you." He sobbed. Then he paused for a moment, pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Tuluyan siyang napahagulhol, puno ng hinagpis, sumasanib sa ihip ng hangin ang panaghoy niya... ang paghihirap ng damdamin.

May ilang sandaling nanatili siya sa ganoong kalagayan bago hinamig ang sarili. Itinuwid ang sarili. Gone were the tears. Ang humalili ay poot at pagkasuklam.

Pagkuwan ay tumingala at isinigaw sa langit. "Pagbabayarin ko ang lalaking may kagagawan ng kamatayan ninyo!"

Sexy and Dangerous (COMPLETED)Where stories live. Discover now