1

76.5K 1.3K 94
                                    


Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni P01 Samantha Gonzales. Pinunasan ng puting bimpo ang pinagpawisang ilong. Init na init siya. Not to mention that she was bored to death.

Bago naging pulis ay nagtrabaho muna siya bilang bodyguard sa isang private agency. Subalit sa ilang kasong nahawakan niya ay hindi man lang siya nasabak sa anumang aksiyon. Wala man lang nagkatotoo sa mga threats ng mga clients niya. Kaya wala pang isang buwan ay siya na mismo ang tumapos sa kontrata niya sa huling kliyente. At naisip niyang pasukin na ang pagpupulis—which was really the main reason why she took up Criminology.

But where was she now? Dalawang buwan na siyang nakadestino sa traffic department. Nagbabantay sa loob ng patrol car sa bawat sasakyang lalabag sa batas-trapiko. Buong pagkadismayang napaungol si Samantha. Hindi ganoong uri ng trabaho ang nasa isipan niya nang pasukin ang pagpupulis.

She wanted action. Suspense. Thrill. Hindi tulad niyon na nanlalagkit siya sa pawis at panay lang ang linis sa kanyang baril na ni minsan ay hindi man lang niya nagamit.

Bata pa lang si Samantha ay pinangarap na niyang maging isang pulis—where all the action she thought was. At nang maging pulis ay inisip niya na ang buhay niya ay magiging tulad niyong isa sa mga cop TV series na sinusubaybayan niya—ang NYPD Blue. Iyong nakikipaghabulan sa mga kriminal at nakikipagbakbakan.

Ngunit magsi-season finale na ang series na pinapanood ay nananatili lang siyang nagbabantay ng mga traffic violators. At kapag hindi siya nakatagal sa boredom, malamang na papasukin niya ang pagsusundalo at magpapadala sa Mindanao.

Again, Samantha blew out a long sigh. Kumintab na ang baril niya dahil kanina pa niya iyon kinikiskis ng bimpo mula nang dumating sila sa intersection na iyon malapit sa monumento ni Andres Bonifacio. Mabuti pa si Bonifacio, naging makabuluhan ang buhay. Namatay nang dahil sa bayan. That was exactly what she wanted.

Sinipat niya ang baril. "Wish ko lang, Art, mapaputok ko ang baril na ito," wika niya sa partner na nasa driver's seat.

Si Art na nakatuon ang tingin sa mga sasakyang nagsasalimbayan sa kalye ay napalingon sa kanya. Pagkuwan ay ngumisi ito. "Ako rin," sagot nito sa sinabi niya. "Matagal-tagal ko na ring hindi napapaputok itong—" He placed his one hand on her thigh. "—baril ko."

Agad na umangat ang kilay niya. "Ganoon ba?" She smiled sweetly, too sweetly. "Nangangati na nga ang kamay ko na paputukin 'to, eh..." Itinutok niya ang baril sa sentido nito. "Subukan ko kaya sa iyo, ano sa tingin mo?"

Mabilis namang binawi ni Art ang kamay, itinaas sa ere. "Pards naman, hindi ka na mabiro."

Isang irap ang ginawa niya rito at ibinalik ang baril sa holster. Kailanman ay hindi siya nasanay sa ganoong uri ng attempt nito—at dapat ay alam na nito iyon. Matagal na silang partners. Bagaman binata si Art at magandang lalaki rin naman, hindi niya ito type.

Maraming beses na niya itong binigo sa panliligaw nito sa kanya pero paminsan-minsan ay patuloy pa rin ito sa pagpapahiwatig sa kanya. Gayundin ang kalahati ng male population sa presinto—maging ang mga may asawa na ay hindi maawat sa pagpapalipad-hangin sa kanya.

Pero hindi pinapatulan ni Samantha ang mga iyon, ni palawakin ang pagnanais ng mga itong madala siya sa... doon sa lugar na pulos salamin. Hindi na mabilang ang mga sinikmuraan niyang kasamahan sa trabaho dahil sa kunwa ay walang malisyang paakbay-akbay... pakabig-kabig.

Kaya nga "Pareng Sam" ang naging tawag sa kanya sa departamento. She was dark, tall and sexy. Sexy dahil maganda raw ang likurang bahagi ng katawan niya. Dapat daw ay nag-artista siya o hindi kaya ay model dahil mas bagay siya sa ganoong opisyo kaysa sa maging pulis. In the end, nang hindi umobra sa kanya ang overtures ng mga ito ay inakusahan naman siyang may pusong-lalaki. Tibo.

Sexy and Dangerous (COMPLETED)Where stories live. Discover now