Kabanata 21

16.7K 441 69
                                    

Maari na akong ma-discharge after four days. Ililipat sana ako sa private hospital kinabukasan pero ayoko, gusto kong manatili doon. Pinagbigyan ako ni Ervien pero kailangan kong maka-uwi sa mansion after four days.

Kalong-kalong ko ang anak ko habang naka-wheel chair ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang anak ko habang tulak-tulak ng nurse ang wheel chair. Apat na body guard ang nakasunod, dalawa sa unahan at dalawa sa likod.

Kaya hindi tuloy maiwasan na sulyapan kami ng ibang tao sa lugar.

Ilang saglit ay huminto ang wheel chair kaya napatingin ako sa harap. I saw a pair of shoes in front of me. Tumingala ako at sumalubong ang mukha ni Juden. Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa 'kin.

“Iyan na ba.. ang pamangkin ko?” aniya habang tinititigan ang batang kalong ko.

Alanganin akong tumango. Nakita ko ang pait sa kaniyang mga mata habang hinahawakan ang maliit na daliri ng anak ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya habang nakatuon ang pansin niya sa anak ko.

Ang laki na ng pinagbago niya. Halata ang eyebags niya, at mukhang pagod pa. Anong nangyari sa kaniya sa loob ng ilang buwan simula noong mawala ako?

“Damian ang pangalan niya.”ani ko.

Bumaling siya sa 'kin at bahagyang ngumiti.

“Maganda..”

“Hindi alam ni Ervien na binigyan ko na siya ng pangalan.”

Tumango siya at tinitigan ulit ang anak ko. I expect na mag-aalala siya dahil gumawa ako ng desisyon na hindi kasama si Ervien.

“He won’t mind. Mas matutuwa siya na ikaw mismo ang nagbigay. By the way, your son, kamukha niya si Kuya,”bumakas ang pait sa ngiti niya. “He loves you that much.”

Nagpaalam na siya after ng dalaw dahil may pupuntahan pa siya. Akala niya maaabotan niya pa ako sa room ko at nagpapasalamat siyang nagkita pa kami sa hallway. Pinagmasdan ko ang anak ko, I don’t know how to react after I heard those words from Juden.

He loves you that much.. That’s why, kamukha ng anak ko ang ama niya?

Everything is changed now. Naalala ko pa kung pa'no ko ilarawan ang scenario namin ni Juden bilang isang masayang pamilya noon. He was the ideal father and husband for me. Lahat nalang ng mangyayari sa kinabukasan ko'y kasama siya, we loved each other so much. Pero hindi ko ma-explain kung bakit hindi ko makapa ang pagmamahal ko sa kaniya ngayon. Nagbago na ba? Nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang pagod at pait sa mga mata niya. Kaya lang ibang sakit ang nararamdaman ko, nasasaktan ako dahil naaawa ako.

Pagkarating namin sa yatch ay natigilan ako nang matanaw si Ervien na prenteng nakatayo doon sa may ramp, he's wearing a gray shirt and faded jeans habang may kausap sa phone. Agad niyang napansin ang pagdating namin kaya ibinaba niya ang phone at tumawid sa ramp. Mabilis ang kilos habang nakasunod ang nag-iisang tauhan. And I can’t see his signature lethal look. Nakaawang ang labi niya habang palapit sa amin at sa karga kong sanggol.

Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng bata.

Nang makalapit siya ay bahagya akong nagulat nang halikan niya ako sa labi at agad dumungaw sa anak namin. Tulala na pinagmasdan ko ang hindi maipaliwanag na reaksyon na nakikita ko sa kaniyang mukha. Those dark eyes are now sparkling, kapansin-pansin ang ilang beses niyang paglunok. Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang sumilay ang ngiti sa labi ni Damian habang nakapikit ang mga mata.

Nag-squat siya upang magkapantay kami. At sa pagkakataong ito ay ako naman ang tinitigan niya. Tulala akong pinagmasdan siya. Ang puso ko, nagwawala na naman. Ngunit bakit?

“I used to call you, Damian’s daughter before.”he said.

Nagulat ako, how did he remember that? Akala ko hindi niya na matatandaan. He call me Damian’s daughter noong bata pa kami. Someone bullied me on the school noong prep pa ako. And this Damian, siya iyong character sa stage play nila na isang mamamatay tao. A strong person, a psychopath, a monster. Dahil doon ay walang naglalakas loob na lapitan siya. At dahil din doon nawalan ako ng kaibigan dahil sa tinawag niya akong Damian’s daughter.

He call me Damian’s daughter sa harap ng kaklase ko sa prep. I cried and then nakilala ko si Juden. Siya ang nag-comfort sa 'kin, until naging best friend kami. And his brother Ervien, always makes me cry. Ervien protect me from other bullies but he bully me when we are alone. Juden give me comfort but Ervien gives me protection.

“Iyon ang pangalan ng..” sinulyapan ko ang anak namin.

“I know, and I like it.”

Yumuko ako, hindi ko matagalan ang kakaibang titig niya. Hinawakan niya ang baba ko at itinuon sa kaniya.

“He's here,” kakaiba ang titig na ibinigay niya ngayon. “He wanted to see you..”

Nagtataka ako sa sinabi niya. Sino? Sinong gustong makita ako?

Hanggang sa may sumulpot na lalaki sa likuran ni Ervien. Umiiyak, nakangiti, at sobrang pamilyar sa 'kin dahilan para tumulo ang luha ko.

“D-Dad!”

Umalis si Ervien sa harap ko upang maharap ko ang ama ko. Iniyakap ko agad ang isang braso sa kaniya habang hawak ko sa kabilang braso ang anak ko. Humagulhol ako sa tuwa, sobrang na-miss ko siya.

“I’m sorry, baby.. I’m sorry..” rinig ko rin ang hagulhol niya.

“Nasaan si Mommy?”nang maghiwalay kami.

“Hindi niya alam na pupuntahan kita.”

Nagtataka man ay pinatahan ko siya, mas lalo kasi siyang nag-iiyak. Nasasaktan akong nakikita siya sa ganitong sitwasyon. Ang laki na ng itinanda niya, hulog na hulog na din ang katawan.

“We are not okay until now, kausapin mo siya uuwi tayo ngayon, iuuwi na kita.”hinawakan niya ako sa braso.

Napanganga ako sa itinuran ng ama ko at binalingan ko si Ervien na nagmamasid lang sa amin. Iniwas niya ang tingin nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya. Ibinibigay niya na ako sa pamilya ko? Pinapalaya niya na ako? Ito ba ang ibig sabihin nito? Pinukol ko siya ng nagugulohang tingin.

“Anak, uuwi na tayo.”

And everything went blank in my mind. Habang tinutulak nila ang wheelchair palayo sa pier ay hindi maalis ang mata ko sa likuran kung saan nandoon si Ervien, tulala na pinagmamasdan kaming papalayo.

Wala sa sariling pinagmasdan ko ang labas ng bintana, ang yate sa dagat na unti-unti lumalayo sa paningin ko. Bakit hindi ko matanggap ito? Bakit parang nakakalito ang pakiramdam na ito? Bakit pakiramdam ko itinapon na ako? Ano ba ang nangyayari at bakit nakaramdam ako ng kahungkagan sa dibdib ko?

Ramdam ko ang kamay ni Dad na nakahawak sa kamay ko, ayaw kong ipahawak sa katulong na kasama nila ang anak ko at nananatili akong nakatitig sa karagatan kahit hindi ko na makita ang yate. Tumulo ang luha ko habang nilalasap ang sakit sa dibdib na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko 'to nararanasan.

Dinala kami ng sasakyan sa harap ng malaking bahay. Katahimikan ang bumalot sa amin ni Dad. Tanging ang tunog lang ng doorbell sa loob ang narinig ko.

Hanggang sa magbukas ang pintuan at inilabas ang namamayat na babae. Tila wala pa sa sarili nang pagmasdan kaming dalawa ng ama ko ngunit bumakas ang gulat sa mga mata kalaunan nang makilala ang nasa harapan niya ngayon.

“S-Saonna, anak?”

Nagbitaw ako ng ngiti at nilapitan siya upang yakapin.

D.O.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Where stories live. Discover now