SMUC: Chapter 5

Magsimula sa umpisa
                                    

        Nag-ayos na muna ako ng sarili at kumain ng dinner. Pagkatapos ng dinner ay nakatulugan ko na ang mga kaibigan ko sa skype.

NAGISING  ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Sinagot ko ito ng hindi pa nagmumulat ng mata dahil inaantok pa ako.

        “Hello?” antok na antok na anas ko.

        “Cyril? It’s me Carlo,” usal ng nasa linya. Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at mag-aalasdos na ng hapon. Eh ang usapan namin ay alas-onse ng umaga. Sheet ka Cyril!

        “Oy mg gosh Carlo. I’m so sorry,” anas ko.

        “It’s okay. Napagod ka siguro kahapon. Nandito ako sa bahay mo ngayon, nag-alala lasi ako, kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot kaya pinuntahan nalang kita.” anas ni Carlo.

        “Sige, mag-aayos lang ako. Sorry again,” anas ko saka pinatay ang linya.

        Pagbangon ko ay pinagtatapik ko ang mukha ko. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kilig sa mga sinabi ni Carlo kanina. Grabe, napaka-dedicated niya. Ilang oras na siyang naghintay pero hindi pa rin siya galit. Nag-alala daw siya sa akin kaya pumunta na siya sa bahay. Ngayon ko mas napatunayan na mabait talaga si Carlo.

NASA isang amusement park na kami. Nasa harapan lang kami nito at parang hindi ako makagalaw. Anong meron? Bakit bigla akong naiiyak? Parang habang pinagmamasdan ko ito ay nasasaktan ako. Ano na naman bang emote ko?

        “Are you okay?” tanong ni Carlo sa akin. Doon lang bumalik ang dati kong pag-iisip. Parang ilang minuto akong natulala at nalungkot.

        “Yes, I’m okay.” Sagot ko.

        Pumasok na kami sa loob. Napapatingin lang ako sa lugar at parang hindi ako sanay dito. Nahihilo ako at gusto kong magsuka dahil sa dami ng tao na nakikita ko. Ano bang naisipan ni Carlo at dito niya ako dinala? Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa lugar na ito.

        “Carlo,” anas ko sa pangalan niya.

        “Oh Cyril, are you okay? Bakit ang putla mo?” nag-aalalang tanong ni Carlo sa akin.

        “Hindi ako sanay sa madaming tao. Ayoko dito, nahihilo ako,” usal ko. Ayoko naman na sabihin ‘yon sa kaniya pero kailangan. Ayokong tuluyang mahimatay dahil sa mataong lugar na ito.

        Lumabas kami at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Binigyan niya ako ng tubig para mainom. Napatingin ako sa mukha ni Carlo at halos laglag ang kanyang mga balikat. Alam kong nalungkot siya sa nangyari sa akin.

        “Sorry Cyril. Hindi ko alam na ayaw mo sa ganitong lugar,” anas niya sa akin. Napakalungkot ng kaniyang mga mata.

        “It’s okay. Hindi lang ako komportable sa mga ganito kadaming tao,” anas ko. Pero mukhang malungkot pa rin siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko para mawala ang lungkot niya. “Let’s just go to the park,” nakangiting anas ko.

        Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya. Nagpunta kami sa park at naging maaliwalas na ulit ang aking pakiramdam dahil sa ganda ng paligid. Ang daming naggagandahang mga bulaklak at puno. Masarap ang simoy ng hangin at higit sa lahat, walang gaanong tao. Naglakad-lakad muna kami ni Carlo. Masaya siyang tinitingnan ang paligid.

        “Pasensiya kana pala kung na-late ako kanina ha,” panimula ko. Alam ko naman kasi na naghihintayan lang kami magsalita.

        “Okay lang ‘yun. Masaya pa nga ako kasi natuloy tayo.” Nakangiting anas niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung hindi ba siya napapagod nakangiti. Lagi nalang siyang ganito, kanya nga maaliwalas siya tingnan. Parang wala siyang problema. “May dumi ba sa mukha ko?” nakangiting tanong niya.

        Hindi ko man lang napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin.

        “Wala,” anas ko. “Tara, punta tayo dun!” turo ko para maiba ang pinag-uusapan. Sumunod naman siya sa akin. Merong maliit na fountain sa gitna nitong park. Tiningnan namin ito dahil may mga isda doon. Ang cute lang tingnan.

        “Gusto mo mag-bike?” tanong niya bigla.

        “Bike?” tanong ko, “You mean you’re asking me to ride a bicycle?” tanong ko.

        “Yeah,” anas niya.

        Nabuhayan ako dahil hindi naman ako madalas mag-bike. Merong rentahan don ng bike at pwede ka lang mag-bike sa loob ng park. Malaki itong park kaya makakapamasyal ka talaga. Nag-renta kami ng kani-kaniyang bike. Hindi ako marunong gumamit kaya tinuruan muna niya ako kung paano gamitin iyon. Tawa pa nga ako ng tawa dahil nakaka-enjoy naman pala ito talaga.

        Ilang minuto ang lumipas, natuto akong mag-drive ng bike. Sinundan ako ni Carlo. Halos maikutan na namin ang park at talagang nag-enjoy ako. Masaya pala ito. Pero halos mapasigaw ako dahil  bumangga ako sa isang tao. Hindi ko ito napansin. Pero mabuti nalang at mabilis niya akong nahawakan sa may bewang kaya hindi ako nasaktan at natumba. Pag-angat ko ng tingin, halos lumundag ang puso ko. Dahil ang taong nabangga ko ay si—Tyler.

        Halos mapasinghap ako sa lapit namin sa isa’t isa. Amoy na amoy ko ang kaniyang lalaking pabango. Napakasarap nitong amuyin. Gusto kong hawakan ang puso ko dahil tambol lang ito ng tambol.

        “Cyril,” anas ni Carlo sa pangalan ko. “Are you okay?” tanong niya ng makalapit sa akin.

        “Yeah,” anas ko at bumitiw kay Tyler. Masakit man sa loob ko pero ayoko naman na masaktan si Carlo. “Let’s go?” nakangiting paanyaya ko kay Carlo at walang lingon-lingon na pinaandar ang bike. Wala na akong pakialam kung ano ang naging reaksyon ni Tyler sa ginawa ko.

        Dahil sa pagod ay huminto na kami sa pagba-bike ni Carlo at niyaya akong kumain. Dahil ayoko naman na makita si Tyler don dahil masisira ang focus ko. Pumunta kami sa isang sikat na restaurant. Tinawag niya ang waiter at umorder ng pagkain. Habang naghihintay ng pagkain ay…

        “Bakit hindi mo siya pinansin?” tanong ni Carlo.

        “Sino?” maang na tanong ko pero alam ko na ang tinutukoy niya.

        “Si Tyler, hindi mo siya pinansin kanina. Bakit?” tanong ulit ni Carlo. Hindi pa rin talaga mawala ang ngiti sa mga labi niya.

        “Natauhan na kasi ako,” natatawang sagot ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

        “So, you don’t like him anymore?” tanong niya.

        “I still like him.” anas ko. Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha ni Carlo pero wala naman nagbago, marahil ay alam na niya ang magiging sagot ko. “Pero gusto ko na ‘tong mawala,” dagdag ko.

        Mukha siyang na-curious sa sinabi ko.

        “Bakit?” tanong ni Carlo.

        “Dahil wala naman ‘tong patutunguhan,” kunyaring natatawa na anas ko. Nagseryoso si Carlo. Pero hindi naman siya nakakatakot. Parang gugustuhin mo lang makinig sa mga sasabihin niya.

        “Are you sure?” tanong ni Carlo, “Talaga bang gusto mo na siyang kalimutan?” dagdag na tanong niya.

        Tumango ako, “I know it’ll be hard for me to let go of this feeling but my friends were right. He doesn’t like me or he doesn’t even care for me. My efforts were all useless and it really sucks.” Tuloy-tuloy na anas ko. Nalungkot ako dahil ngayon ko na-realize na tama ang mga kaibigan ko. Na nagmumukha na pala talaga akong tanga.

        Ginagap ni Carlo ang kamay ko na ikinagulat ko. Ngumiti siya sa akin, “I’m going to help you.” anas niya. Nadala na rin ako sa ngiti niya kaya kusa na rin akong napangiti.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon