2 meet the gang

66 1 0
                                    

APRIL'S POV

Haaay. The worst day ever. Na-traffic ako pauwi. Kainis na meeting yan. Naipit pa ako tuloy ako sa EDSA. Wala na. Mukhang trapped ako rito for the next two hours. Nakaka-badtrip talaga.  

Stuck na talaga ako. Halos wala ng andaran yung mga sasakyan. Tinamaan ako ng gutom. Nagtitingin ako ng makakain sa kotse nung mag-ring ang phone ko. Si Michie pala yung tumatawag, bestfriend ko.  

"Oh bessy, napatawag ka?" - Ako. 

[Haven't you heard? Hindi na tuloy ang kasal ni Jay at Gail?] 

"Ha? Why?"  

[Gail's pregnant. And it's not Jay's.] 

"Talaga? Akala ako pa naman iba yung Gail na yun. She looks so innocent you know. Kumusta naman si Jay?" 

[Siyempre, he's miserable. Pero Vince said na nagko-cope up na ulit si Jay. Tumawag ng sesh si Mond, are you coming ba?] 

"I'll try. Stuck ako dito sa EDSA, bessy. Anong oras daw ba?" 

[9pm Bessy ha. Sa bar ni Leon. Ingat ka.] 

"Ok. See you." 

Naku. Kawawa naman si Jayden. Di kami ganun ka-close pero siyempre friends pa din kami. Aso't pusa kami nun. Lagi kaming nagbabangayan. At ako ang laging talo. Pero iba ito. He needs us. Kami na mga kaibigan niya.  

Himalang umandar ang lahat ng sasakyan sa EDSA at malapit na ako sa Ortigas Center. Didiretso na ako sa bar ni Leon. Kapag ganitong may sesh, pinapasara ni Leon ang bar niya. Exclusive para lang sa barkada. 

By the way, I am April Jean Sandoval. 22 years old. How do I look like? Well I am petite, medyo chubby, fair-skinned at may natural curly hair. I am currently working as an Events Planner/Writer for ADvance, an international advertising agency. Bunso sa tatlong magkakapatid. Si Kuya Ashton yung panganay namin. New York-based na siya. May sarili na siyang pamilya, si Ate Ice wife niya, anak niya sina River, Clover at Daisy. Kasama niya sina Papa at Mama sa pagpapatakbo ng negosyo doon. Si Ate Phoebe naman ay dito nakatira. Siya yung tumatayong guardian ko aside sa yaya naming si Manang Rosie, na kasama namin simula nung baby pa lang si Kuya Ash. 

Bata pa lang kami, namulat na kami sa business. Hands on talaga sila Mama sa textile business namin. Busy sila pero they make time for us. Never silang naka-miss ng special occasions including birthdays and graduations. Pati Prom and Grad Ball hindi nila pinapalampas. Minsan nga may mga surprise visit pa sila kapag weekends. I have to call Ate Fibs, kailangan ko magpaalam sa kanya na gagabihin ako.  

"Ate? Punta lang ako sa Rave, yung bar ni Leon." Kilala ni Ate ang mga kaibigan ko. Kailangan lang talaga magsabi muna ako sa kanya.  

[Hinay-hinay lang ha baby girl. Magda-drive ka pa. Call me when you get home. Ingat.] 

"Ok Ate." 

Sa isang condo sa Makati na umuuwi si Ate. Regalo ng parents ni Kuya Ram, yung hubby niya. May anak na nga pala si Ate. Si Sunny. Sabi nila kamukha ko daw siya. Hehehe.  

Nagda-drive na ako papuntang Rave Bar. As usual maingay na ang barkada. For sure nandito na si Michie. Nakalimutan ko bang sabihin na boyfriend niya si Mond? 

"Hi guys," bati ko sa kanila. Kumpleto na naman kami, 12 kasi kami sa barkada. 6 boys and 6 girls. 

Si Michelle San Andres a.k.a. Michie. Siya yung bestfriend/soulmate ko. We practically grew up together. Playmates kami noon at sabay kaming nagkaroon ng first crush, pati first monthly period at halos lahat ng firsts. Magkapit bahay kami pero nung nag-fourth year high school kami lumipat sila ng bahay. Pero hindi kami nawalan ng communication. Kaya nung college, magkasama na naman ulit kami. 

Isabela Venice Mercado a.k.a Bela is the Japanese doll. Nag-migrate na ang family niya sa Japan. Her mom is now married to a Japanese business magnate. Regular siyang umuuwi. She's still single. 

Adelaine Fernandez a.k.a. Leiny is the "It Girl". She's the life of the party. Siya ang best bud ng boys. She's a part-time model and a full-time fashion stylist and make-up artist. 

Then there's Belinda Soberano a.k.a. Billie. Boyish siya pero in a cute way. Alam niyo ba, sa aming girls siya ang pinaka unang nagkaroon ng boyfriend? Yan ba ang boyish? Pero siya din yung unang nagkaroon ng first heartbreak. 

Lastly, si Patricia Marie Antonio a.k.a. Trish. She is an environmentalist, serious-looking, geeky type of girl. She's a born leader. Madalang siya magalit at magsalita. Pero sa lahat sa amin, siya yung pinakikinggan talaga. Kapag nagsalita na siya, alam mo agad na seryoso siya. Pero hindi siya boring kasama. Kalog din siya. 

Sa boys naman: 

Si Mond. Real name Raymond Domingo, siya yung tumatayong kuya ng buong barkada. Siya kasi ang pinaka-matured mag-isip. Male version ni Trish, actually. Matagal na sila ni Michie. High school days pa. 

Next si Patrick Angelo De Vera. Nickname's Pat. Siya naman yung playboy sa barkada. Sobrang flirt niyan. Makulit at pasimuno sa pag chi-chick-hunting.  

Vince is the sports jock. Best friend ni Jayden. Real Name: Vicente Villena Jr. 

Si Arron Ballesteros naman yung good boy ng barkada. Pinaka-bata siya sa barkada. 

Leonardo Alejandro III is the party animal. Nickname's Leon. Kaya nga naging sila ni Leiny. Pareho kasi silang mahilig sa galaan. He owns Rave Bar. 

Lastly, si Jay. Short for Jayden Castro. Chef siya at may-ari ng Happy Belly. Isang gourmet resto na nag-o-offer ng protein shakes, workout drinks at south beach diet meals na sobrang patok na patok sa mga customers niya. May mga regular food servings din sila pero you can choose on how you want your food to look or taste like. Kumbaga hindi ka lang basta kumakain sa resto niya involved ka din sa kinakain mo, kaya nga favorite siyang bisitahin ng mga food bloggers. Maraming beses na rin siyang na-feature sa TV/Internet/Magazines. Palagay ko nga lame excuse lang yung pag-feature nila sa resto niya. Siya talaga yung target. Guwapo naman kasi talaga si Jayden. Matangkad at mukhang Korean. Added qualities pa yung magaling siyang chef. Siya yung masasabi mong typical boyfriend at stick to one. He treats his girlfriend na parang queen talaga. He puts them on pedestal. Sasambahin ka niya at araw-araw niyang sasabihin sa'yo na mahal na mahal ka niya. Kung di ako nagkakamali pangalawa pa lang si Gail na girlfriend niya.  

Tinabihan ako ni Arron. 

"Pril, bakit late ka?" 

"Ano pa ba ang dahilan? Na-stuck ako sa EDSA sobrang traffic." 

"Kanina pa dito si Michie. Maaga kasi nagtext si Mond. Damayan daw natin si Jay." 

Napatingin ako sa gawi ni Jay. Nakapalibot sa kanya ang buong barkada. For sure may rason kung bakit naging ganito yung ending ng almost-perfect love story nila ni Gail. Sana maging ok na siya. Nakaka-miss din kasi yung kulitan namin.

Journey to ForeverWhere stories live. Discover now