"Ahaha! Ang lamig lamig tapos magpapahangin tayo, pasaway ka rin."

"Basta dito muna tayo, maya maya na tayo pumasok." Nagshrugged nalang si Chelsy at hindi na nagsalita.

Tumingin si Brian kung nasaan si James, nag thumbs si James na okay na at aalis na siya. Tumango naman si Brian.

"Tara na, pasok na tayo." She's clinging to Brian at sabay na silang pumasok.

Umupo si Chelsy sa sofa, tumabi ang mommy niya sakanya.

"Princess"

"Yes mom" She smiled

"Hindi ko alam kung anong problema, hindi ka nagsasabi, pero alam ko meron."  Napangiti si Chelsy sa sinabi ng mommy niya.

Hindi talaga ako makapagtago sa mommy ko, ganyan ba talaga ang mga mommy?  Alam agad ang nararamdaman ng mga anak. But I'm sorry mom, hindi niyo na kailangan pang malaman kung anong problema ko.

"Sana anak, pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo, kung ano ang makakapag pasaya sayo, yun ang sundin at gawin mo." Sabi ng mommy niya

"Hindi po ba mom, mas masasaktan ka kung puso lagi ang susundin?"

"Masasaktan ka, oo. Pero pag sinunod mo naman ang sinasabi ng puso mo, mas mahahanap mo ang totoong kaligayahan." Napaisip si Chelsy sa sinabi ng mommy niya.

Kung alam mo lang mom, ginawa ko na, paulit ulit ko ng sinunod ang puso ko. Magkakasakit na nga ata ako sa puso eh.!! Masyado lang akong nasasaktan.

"Kumain na tayo mom." Tumayo siya at nagpunta ng dining. Ngumiti nalang ang mommy niya at medyo nailing.

"Princess, uuwi ako ng Philippines. Baka gusto mo ng sumama?" Tanong ng dad niya na kakaupo pa lang sa dining.

"Ano pong gagawin mo dun?" She asked

"Work, titignan ko yung lupa ng client ko." Her dad said, habang kumukuha ng pagkain.

"Ikaw nalang muna dad, uuwi nalang ako sa pasukan."

"Are you sure?"

"Yeah!"

"What about you Brian? Sabay nalang ba kayo ni Chelsy? "

"Yes tito, sabay nalang po kami." He said at ngumit kay Chelsy.

******

*

"Son, nandito ka na? Nakausap mo na si Chelsy?" Bungad agad ng mommy ni James pag pasok niya sa bahay.

Humalik si James sa pisngi nito. At umupo sa sofa, agad namang tumabi ang mommy niya dito.

"Hindi mom eh, but don't worry mom, hindi ako susuko, I'll win her back, no matter what happen." Confident na sabi nito.

"You need help anak? Kakausapin ko si Chelsy." She said na parang worried at hinawakan si James sa hita.

"Tss.. mom naman eh, kaya ko to."

"I need assurance James, kung hindi mo kaya let me handle this." Seryosong sabi nito.

"Bakit kailangan mo ng assurance mom? Ako yung may problema sa love life ko hindi ikaw." Naiiling na sabi ni James.

"Anak naman kasi, mula noon until  now, si Chelsy lang ang minahal mo. Paano kung hindi siya bumalik? Paano ka? Paano kami ng dad mo? Hindi na kami magkakaapo."Seryosong sabi nito.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Where stories live. Discover now