Prologue

56.2K 766 5
                                    

Tuwang-tuwang pinagmasdan ni Dystyne ang mga gansa na nasa lawa malapit sa kanilang cottage.

"Mama, ang galing po! Hindi sila lumulubog, o!" manghang sabi ng bata habang nakaturo ang kaniyang daliri sa mga gansang nakalutang lang sa tubig.

"Mama, lahat po ba ng bird nakakalangoy katulad nila?" Tanong ng batang si Dystyne na lumapit pa sa kaniyang inang nag-aayos ng kanilang mga dalang pagkain.

"Hindi lahat, baby." sagot ni Mrs Schumann sa kaniyang apat na taong gulang na anak habang isa-isa nitong inilalabas ang laman ng picnic basket na kanilang dala.

"'Di naman ibon iyan, e. Gansa kaya iyan!" Sabat naman ng kapatid nitong si Harry habang hawak ang laruang robot na dala nito. "'Di ba papa?" Tanong pa ni Harry sa amang kasalukuyang nagtetext sa kaniyang selpon.

Tumango lang sa kaniya si Mr Schumann na hindi na nag-abala pang sulyapan ang anak dahil sa ginagawa nito.

"Sabi sa iyo e." Pagbibida pa ni Harry sa kapatid. "Tinuro sa'min iyan nung teacher namin sa school."

"Talaga kuya? Tuturo rin ba iyan sa akin pagpumasok na 'ko?" Tanong ng batang si Dystyne sa kaniyang kapatid.

"Syempre naman. Saka malapit ka na namang mag-five kaya makakapasok ka na rin." Sagot nito bago inabala ang kaniyang sarili sa paglalaro ng ilang mga laruang dinala niya.

"Kuya, pahiram din ng baril-barilan mo." Sabi ni Dystyne sa kapatid ng makalapit ito sa naglalarong si Ry.

"Ayoko nga. 'Di naman pambabae 'to, e. Iyang barbie nalang sa iyo." Sagot nito sa kapatid. "'Di ka naman boy, e. Girl ka kaya."

"Iyan gusto ko, e. Sige na, kuya pahiram na." pamimilit nito sa kapatid na hindi naman pinakinggan ni Ry. Kaya ng mapikon ang batang si Dystyne ay agad na itong nagsumbong sa kanilang ina.

Agad namang pinagsabihan ni Mrs Schumann ang panganay na anak na si Harry na ipahiram sa kapatid nito ang kaniyang mga laruan. Sinabi pa nitong hindi dapat nagdadamutan ang magkakapatid.

"Sige na nga po." sagot ni Harry sa ina bago bumaling sa kapatid at iniabot ang hinihiram nitong laruan. "Huwag mong sisirain iyan, ha?" Bilin nito sa kapatid na tinanguan lang ni Dystyne.

Masayang nilaro ng magkapatid ang mga dinala ni Harry na laruan. Ngunit, matapos lang ng ilang minutong paglalaro ay nakaramdam si Harry ng tawag ng kalikasan kaya agad itong nagpasama sa ama sa comfort room.

Naiwan naman sa cottage sila Mrs Schumann at ang batang si Dystyne na busy pa rin sa nilalaro nito. Sandali lang itong nadistract nang marinig nito ang tunog ng selpon. Agad namang sinagot ni Mrs Schumann ang tawag. Ngunit dahil medyo choppy ang linya ay hindi masyadong magkaintindihan ang mga ito.

"Wait lang baby, Hahanap lang ako ng signal, ha? Huwag kang aalis d'yan. Kakausapin ko lang itong katrabaho ko." Paalam ni Mrs Schumann sa kaniyang anak. "Hintayin mo ang papa at kuya mo d'yan, ha?"

"Opo." Sagot ng bata sa kaniyang ina bago tuluyang umalis si Mrs Schumann sa cottage nila para humanap ng signal.

Pagkaalis ng ina ay ipinagpatuloy ng batang si Dystyne ang paglalaro, ngunit naagaw din ang atensyon nito ng makita niya ang isang lalaking may hawak ng mga lobo na iba't ibang cartoon characters ang display.

"Wow!" Manghang sabi ng bata bago bumaba sa pagkakaupo.

Dala ang isang teddy bear, sinundan ni Dystyne ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong mapalayo sa kanilang cottage.

***

"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong sa kaniya ng isang babaeng lumapit at tumabi sa kaniya.

Seducing The Mafia PRINCEWhere stories live. Discover now