47

2.9K 101 22
                                    

Excited...

"Ano, inom pa? Iyak iyak ka dyan bahala ka," pang iinis ni Lexo sa kakambal niyang nakahilata sa carpeted na sahig at  balot na balot ng makapal na kumot. Tanging ang magulong buhok lamang niya ang nakikita habang si Lexo na nakaupo sa couch ay parang walang pakialam na basta na lamang ipinatong ang mga paa sa baywang ng kakambal.

My eyes caught Teesha sitting on the carpet and trying to do something on Grey's hair. Erish and her occupied the guest room at kaninang umaga ay halos maalis ang tengga ko ng pingutin ni Erish. Mabuti na lamang at nauna akong nagising kay Ulap kung hindi ay baka nagbangayan na naman ang dalawa.

Natawa ako ng umungol si Grey dahil hinila ni Teesha ang kanyang buhok. Pinanlakihan ko ng mata ang aking anak na agad na ngumiti bago hinimas ng marahan ang buhok ng tiyahin niya. She even leaned a little and kissed the top of Grey's head while she looks at my direction. Ano kaya ang gustong patunayan sa akin ng anak kong ito?

Kanino ba nagmana tong maganda kong anak ng kakulitan niya?

Napansin ko naman ng iangat ni Lexo ang kanyang paa sa couch ngunit wala pang limang segundo ay ipinatong niya itong muli kay Grey.

Gusto ko sanang tumawa ng sapukin ito ni ni Kuya Julio, "Hindi sahig yang kambal mo, sira ka talaga," kadadaan niya lang habang may bitbit na mug at nagkakape. Umupo siya sa armrest ng couch na sinasandalan ni Lexo.

Nag make-face lang si Lexo ngunit hindi pa din inalis ang kanyang paa sa kakambal, "Ganti ko to, sinukahan niya ko kagabi pati ang kotse ko. Napuyat ako dahil nilinis ko pa," nalukot ang malaki nitong ilong na akala mo talaga ay isinusumpa sa utak ang mga nangyari kagabi. Gusto ko lalong mapabungisngis kung hindi lamang masakit ang aking ulo.

"Tsaka anong oras aalis si Ahyessa? Ang sakit pa din ng sabunot niya sakin ha!"

Kinurot siya ni Kuya sa Julio sa leeg, "Yang bibig mo talaga, baka magising iyon ano pa gawin satin. Alam mong sawi iyon," para siyang kinakabahan na lumingon pa sa gawi ng hagdan. Ahyessa was sleeping in Lexo's room. Kawawang bunso, sa rooftop na naman natulog dahil inagawan ni Ahyessa ng higaan. Iyong babaeng iyon ang hilig matulog sa kung kani-kaninong kama.

Umungot si Alexo bago ngumuso, "Papaalala ko lang ha? Pang ilang drama na niya iyan kahit hindi naman siya girlfriend?," Inalis niya din ang paa niya na nakapatong kay Grey.

Ngumiti ako kay Ulap habang palapit siya sa akin bago inabot ang mainit na tasa ng may chocolate drink na inungot ko sa kanyan kanina pa. I happily accepted it and he winked before kissing the top of my head. Tapos ay umupo na siya sa aking tabi at pinanuod ang aming anak na sinasabunutan na naman ang walang malay na si Grey.

Siniko ko si Ulap at itinuro ang aming anak.

"Teesha," saway sa kanya ng kanyang ama at napaawang ang aking labi ng mag okay sign ang anak ko at muling hinimas ang ulo ng tiyahin niya.

Naipilig ko ang aking ulo. "Kanino natuto si Teesha ng ganoon?"

Hinapit ako ni Ulap habang ang kanyang kamay ay nakakapit sa aking balikat, "Dito sa tukmol na to," nguso niya sa bunso nila na ang aga aga salubong na ang kilay.

Mukhang dapat ay bawalan ko munang magsasama sa mga tito niya si Teesha. Kung ano ano na ang natututunan ng bata!

It's just eight in the morning at hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari sa usapang panty ni Ara at ni Kuya Julio pero tulog pa din sa kwarto si Ara. Si Xantha naman ay nasa kusina at nakayukyok ang mukha sa lamesa habang nagluluto si Kuya Ae.

Hindi sila nag uusap kanina pa pero hindi din naman naghihiwalay. Nag away na naman siguro. Parang mga aso at pusa!

"You feeling better?" nilingon ko si Ulap, ang kanyang mukha ay may bahid pa din ng pag aalala and somehow, I felt bad for lying last night.

CLOUD (P.S#2)Where stories live. Discover now