38

2.8K 133 50
                                    

Ai...

"Dali na Bobbie. Share ka na, nakailan kayo?" natatawang tanong ni Andeng sa akin habang nandito kami sa kusina at gumagawa ng sandwhich. Agad naman akong napangiwi sa kanyang tanong.

I can't believe five years changed her a lot. Sobrang bastos na ng bibig at wala na halos filter. But she's the same happy Chaese I know.

My eyes landed on the ring beautifully adorning her ring finger. Bakit nga naman hindi kung may tao namang nagpapasaya sa kanya. And the two of them had been engaged for five months now. Tamang tama daw ang dating ng mga bata dahil ikakasal na ang dalawa next year.

Hindi rin naman ako nagtaka na aabot sila sa kasalan. I mean, they love each other too much. Yung tipong hindi mo na sila mapaghiwalay at ikaw na lang ang kusang mag gigive up dahil masyado na silang matamis?

Nakakabwisit na nga minsan. Nung isang araw ay nakita ko silang pababa ng hagdan  at buhat buhat ni Keso si Andeng. Minsan gusto ko na talaga silang sakalin.


Napakadelikado ng bahay na ito. Masyadong malakas ng awra ng kalandian. Kinakabahan na ako para sa kinabukasan ng anak ko.

"Huwag kang maniwala sa kwento ng lalaki mo Andeng. And will you please stop bouncing? Para ka nang si Lexo kapag excited e," natatawa kong turan habang isinasara ang takip ng palaman.


"What? Napakadamot mo. Pag tinanong mo ako magseshare ako sayo," nakangisi na siya at napaawang ang aking mga labi.

"Chaese Andrea!" malakas na sita ko sa kanya. Namimilog na ang aking mga mata at hindi na kinakaya ang kanyang kalokohan. She was grinning from ear to ear at tila nag eenjoy sa pagiging uncomfortable ko.

Nagulat na lamang ako ng may maramdaman akong dumantay sa aking baywang, at sa amoy pa lamang niya ay alam ko na kung sino iyon.

Parang sinipa ang aking puso sa kaba. Habang tumatagal ay lalo lamang yata akong nababaliw sa kanya. Nakasama yata ang nangyari sa amin kahapon. Kagabi nga ay halos pawisan ako ng malamig nang magkasama na kami sa kwarto. And I have never been thankful na nandoon si Teesha para madistract ang kanyang ama.

Napalunok ako.


"Is that for us?" mahina niyang tanong na marahil ay nakayingin na sa mga sandwich na ginawa ko. Ang kanyang hininga ay tumama pa sa aking leeg at parang nanginig ng bahagya ang aking tuhod.

It was hot. And he is hot. Kanina pagkagising ko ay saktong kalalabas niya ng banyo, nakatapis lamang at tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan.

I mean, seeing him looking like that would make any woman crazy. Sa sobrang kaba ay napapikit akong muli at nagpanggap na lamang na natutulog ako. Napapansin ko na una sila lagibg nagigising na mag ama at wala na lagi si Teesha sa kama.

Napaigtad ako ng maramdaman ang banayad niyang halik sa aking pisngi.

"Teesha wants to go to an amusement park," bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng kanyang kamay sa aking baywang at ang init na parnag pumapaso sa akin.

Nang lumingon ako ay ganoon na lamang ang naging paglukso ng aking puso ng dumukwang siya at sinipsip ang hinlalaki kong nakaangat pa kanina dahil may natirang palaman doon.

Mabilis na napaawang ang aking labi at habang ang aking mga mata ay hindi iniwan ang ginagawa niya. Mabilis lamang iyon at saka siya muling bumaling sa akin at pinatakan ang aking pisngi ng halik bago kumuha ng isang tinapay tsaka parang walang nangyari na umalis.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon