36

2.8K 122 42
                                    

Chance...


"Ulap, okay na yan..." pigil ko sa kanya. Namumula na ang aking pisngi at hindi na alam kung paano ba dapat kumilos. Paano ba naman ay halos damputin na yata niya lahat nang makita niyang gamit na may panda sa department store.

Nalaman niya kase na mahilig sa mga panda si Teesha kung kaya't narito kami ngayon upang ipamili daw ang aming anak.

Yes, our child. Parang ang weird nang ganito, ang magkasama kaming ipinanimili ang anak namin. Dati kase ay si Erish lamang ang karamay ko sa lahat. Isang linggo na yata ang mabilis na lumipas pero hindi ko pa nakikita ulit si Erish na dumadalaw. He isn't busy, is he?

"More!" sigaw naman ni Teesha na may pagpalakpak pa. She was sitting inside the cart that his Dad was pushing. Tuwang tuwa ito at may yakap yakap ng malaking Panda na stuff toy. Sa kanyang ulo ay ang headband na may panda design din.

Napakamot ako sa aking ulo. Si Ulap, panay din ang hagikgik at halos pinagtitingan na kami dahil sa kanilang mag ama. Paanong hindi e hindi naman sa araw araw ay makakakita ka ng ganito - a grown man wearing a denim jacket with a black shirt underneath. Naka black fitted jeans siya at sneakers ngunit kutang na lutang ang kakisigang taglay lalo na at kay tangkad niya pa. But what' even cuter is he's wearing a panda headband on his head katulad ng kay Teesha. Kanina ay pinipilit din nila ako but I refused.


Pakiramdam ko ay may alaga akong dalawang bata dito sa mall.

Why did I agree to do this?

"Do you want some Panda blanket Bubu? Oh, panda mugs!" parang lalo pang nabuhayan si Ulap nang makakita ng panibagong bibilhin at tinuro turo pa iyon sa kanyang anak.

Panay hagikgik naman si Teesha. I've never seen her this happy. Like, nothing matters but this moment. There's one thing though, hindi ko alam kung ano ang tawag ni Teesha sa kanyang ama. Madalas kase ay nabubulungan sila na akala mo may masamang pinaplano.

Yung makita ko silang parehong masaya, sobrang enough na para sa akin.

Hindi pa din ako makapaniwalang sinayang ko ang limang taon. Ulap ang I talked more about what happened. May mga bagay na hindi namin nabigyan ng kasagutan at maging hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa amin ngunit ang mahala ay nagkaintindihan na kami. We know we're both at fault. Pareho kaming nagkulang. Ngunit hindi ko maialis sa aking sarili ang manghinayang..Ang dami kong pagkakataong naipagkait sa kanilang mag ama.

Iyon sanang makita ni Ulap si Teesha nung baby pa siya, yung madinig niya ang unak iyak nito at kung paano ito unang nagsalita.

All of Teesha's first then ay hindi niya nasaksikan. And that's what's burdening me. Walang sinasabi si Ulap tungkol doon ngunit ako ang kusang nanghihinayang.

Nang mapalingon ako ay pansin na pansin ko ang paghahagikgikan ng mga sales lady sa paligid. Panay ang tingin nila kay Ulap at halata mo talaga ang pagnanasa sa mga mukha ng mga ito. Napasimangot naman ako agad.

Gusto kong magtaas ng kilay ng may tatlong sales lady na lumapit sa gawi niya at ni hindi man lamang ako pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Putok na putok ang kanilang pisngi sa make up at parang bigla kong gustong burahin. Saan ba ang papel de liha dito?

"Sir, ang cute niyo naman pong dalawa. Kapatid niyo po?" tanong ng isa. Magiliw na magiliw pa ang tabas ng kanyang mukha at aabot na yata sa kilay ang dulo ng nguso sa sobrang pagkakangiti. May pag hawak pa siya sa buhok ng aking anak. Iyong isa naman ay may dala-dalang tumbler na may panda design. Mukhang napansin nila na puro ganoon lamang ang binibili ng aking mag ama.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon