16

2.6K 143 82
                                    

Strange...

"Bobs, pahabain mo pa ng kaunti para maisabit ko tong bag mo sa nguso dali, haba e," isang matalim na tingin ang naigawad ko kay Andrea na abot langit yata ang pagngiti habang katabi ang kanyang nobyo na para ng tuko dahil hindi na umalis sa tabi ng isa't isa.


"Tuloy mo yan habang kasama mo yang Keso mo dahil kapag gumanti ako sayo tignan mo," banta ko sa kanya. Kanina pa ako nagmamarikulyo sa aking kinauupuan dahil sa pagngingitngit na nararamdaman.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng librong kanina ko pa hawak kahit pa nga wala naman akong naintindihan doon. Vacant namin ni Andrea habang ang iba ay wala na yatang klase ngunit naisipan pa ding tumambay. Maging si Ayhessa ay nandiyo din na busangot na busangot ang mukha.

Nakasuot siya ng malaking t-shirt na sigurado akong si Andrea ang may pakana dahil sinundo nila ito ni Chase. Sa pagkakaalam ko kase ay dalawang araw hindi pumasok si Ahyessa kaya itong si Andrea ay hindi na magkamayaw. Ramdam ko na agad na si Andrea ang namili ng damit ni Ahyessa dahil kadalasan naman ay masakit sa mata ang normal na isinusuot ng huli. Itong si Andeng napakahilig ding mang impluwensya.

Sa totoo lamang ay nahihiwagaan ako dito kay Ahyessa. Natural naman na maganda ang kanyang mukha ngunit madalas ay pinipilit nitong maglagay ng kung anu anong kolorete. Ang kanyang suot ay madalas iba iba ang kulay ngunit pinipili ko na lamang huwag kumibo dahil mukha namang wala siyang pakialam. Pakiramdam ko nga ay sinasadya niya anv kanyang ginagawa.

Ang gusto ko talaga sa babaeng ito ay hindi siya plastik. Magtataray siya kung gusto niya. Nung nakaraan nga ay nakita ko tong may inaway sa hallway matapos siyang banggain. Ang alam ko naman ay hindi talaga siya bully. She just speak out her thoughts freely.

"Para kang kiti-kiti diyan. Nakakairita ka talaga," bulon ni Ahyessa. Si Andeng kase napakaligalig. Hindi ko na itinago ang ginawa kong pagsang ayon sa sinabi ni Ahyessa.

Sabi ni Xantha ay naging sobrang masiyahin daw si Andrea mula ng naging maayos ang relasyon nila ni Chase. Andrea was reserved before. Hindi siya marunong lumaban kung pwedeng tumahimik na lamang. Kahit naman ngayon ay ganoon pa din yata siya.

Pero ano bang silbi namin kung wala naman kaming gagawin? Hanggang ngayon ay may mga babae pa ding iba ang pakikitungo kay Andeng sabi ni Xantha. Pero hanggang nasa paaralang ito si Dakota, walang pwedeng gumalaw sa kapatid nito. Pakiramdam ko nga ay mas takot pa ang mga tao kay Dakota kaysa sa magpipinsan.

Andrea and Mattee brings a breath of fresh air to our group. Kami kase nila Xantha ay halos magkaugali. Mas matindi pa nga yata si Xantha. Ang talas ng tila - o baka kay kuya Ae lang?

Si Dee naman kase ay napakatahimik at madalas ay sa amin lang nakikipag usap.


"Baby, nasaan pala ang kambal mo? Hindi ko pa yata nakikita si Ulap simula kahapon e," tanong ni Andrea kay Chase.

Marahas kong nailipat ang pahina ng binabasa kong libro. Nagngingitngit na naman ang aking kalooban.

"Puyat! Nakita ko sa sala kagabi at doon nakahiga. Nagse-cellphone. Baka magkatext sila ni Bobbie,"

Padabog kong ibinaba ang librong aking hawak.

"Bakit ko siya itetext? Pakialam ko sa kanya?! Baka girlfriend niya ang katext niya!" pagalit kong turan. Umusod ako ng kaunti mula sa pagkakaupo sa bench. Walang nakaupo sa tabi ko dahil sa harap ko ay nakaupo si Andrea at si Chase naman ay nakaupo paharap sa kanya at yakap patagilid si Andrea. Ang rurumi talaga!


"Galit na galit, Bobbie?" pinagtaasan ko ng kilay si Kuya Julio na ngising ngisi na. Kung hindi kita naging crush talaga na bwisit ka sinungkit ko na ngipin mo! Gusto ko sanang isigaw sa kanya pero pinigilan ko ang aking sarili.

CLOUD (P.S#2)Where stories live. Discover now