27

2.2K 119 71
                                    

Magcomment naman kayo. Haha nawawalan ako ng gana pag walang comment ahaha baka isulat ko na lang si Marigold. At least doon sandamakmak ang magkocomment ahaha
---

Babalik...

"Kuya Yelo, andito ka pala," napangiti ako ng makita si Kuya Ice na nakaupo sa gilid ng kama ni Mattee. Kakapasok ko lamang sa loob ng kwarto ni Mattee. Galing ako sa labas at bumili ng mapapapak.

Saglit akong nagtype ng reply kay Ulap at sinabing nakabalik na ako sa kwarto ni Mattee para hindi na siya mag alala. Kanina pa kase nangungulit iyon. Bakit daw hindi ako nagsabi na lalabas para daw nasamahan niya ako. Napakaclingy. Akala mo naman iiwan ko siya basta basta.



Kahit paano ay natuwa ako na makitang kalmado na si Kuya Yelo pagkatapos ng nangyari kahapon.

"Yeah. Sila Xantha ay nasa kabila at binibisita din si Faye," sagot niya at napatango na lamang ako.

Naging tambayan na yata naming lahat ang ospital.

"Kamusta na si Kuya Milan?" bigla kong tanong.

Nadinig kong napahinga si Kuya Yelo ng malalim. He seemed to be the most stressed out of everyone. Bukod siyempre kay Ulap.

"Ganoon pa din. Nagreresponse naman na ang katawan niya sa mga gamot. Ewan ko dyan kay Ulan. Gusto yatang parusahan si Ulap sa pagiging matigas ang ulo kaya ayaw munang gumising," he said those words while trying to smile. Ngunit alam kong pilit iyon. Sobrang pilit na parang bumibigat na naman ang aking pakiramdam

Alam ko din na sobrang bigat na para sa kanya.

Kahapon ay dumating ang papa nila along with a girl almost our age. Girlfriend daw sabi ni Chase.

To say that I was taken a back was an understatement. Sobrang bata noon at papasa na yatang kapatid nila Lexo samantalang halos nasa late fifty na yata ang papa nila.

Madali lang namang makilala ang papa nila Kuya Aedree dahil kambal ito at ang tatay nila Kuya Milan. Iyon nga lamang parang softer ang features ng papa nila Ulap. Mas maaliwalas ang bukas ng mukha habang ang kila Kuya Aedree ay may pagkamalokong tignan.

Mabuti na lamang at wala doon ang mama nila Grey at nasa mansyon.

Wala ni isa sa kanilang kumausap sa tatay nila. Pati sila Chase ay ni hindi man lamang ito binati.

Nakakakaba. Yung kasama niyang babae ang sarap ding sabunutan. Sakto kase nandoon kami ni Andrea. I have nothing against her ngunit tinignan niya kami mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang aming pagkatao. Nakaka offend sa totoo lang lalo na nung bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. She was chewing some gum, at yung suot niyang damit ay parang mga damit na laging pinipili ni Mattee na isunot namin kahit hindi din naman niya iyon sinusuot.

Ayaw ko namang maging bastos kaya hindi na ako nagreact.

Si Kuya Aedree naman ay nilampasan lamang ang kanilang ama and it was a mess after that.

Nagalit ang kanilang ama ng walang pumansin dito at halos abutin na si Kuya Aedree na bibigwasan pa yata kung hindi lamang sumiklab si Kuya Yelo.

He was honestly scary. Parang wala siyang pakialam kung tatay nila iyon. They must have been so mad at their father para maging ganoon sila. Pumagitna naman sila Chase at Ulap.

Kuya Yelo was fuming at kinabahan kami na magkakagulo. Mabuti na lamang at dumating ang mga magulang nila Ulap. They asked Tito to leave.

Hindi ko alam kung anong issue sa pamilya nila, or I'm guessing na nambababae but I think it's more than that.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon