12

2.8K 151 99
                                    

Pisngi...

Iniangat ko ng bahagya ang librong aking hawak, nangangalay na ang kamay ko pero ayoko talagang ibaba. Baka kase kapag ginawa ko yan ay may mahampas na naman ako. Bigla pa namang sumusulpot sulpot si Lantis kung saan saan.

Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa na lalo yatang nakapagpamula sa aking pisngi.  Ang sinumang magtatangkang humawak sa akin ay tiyak na mapapaso sa init na aking inilalabas. Bwisit talaga ang lalaki na to e. Ang sarap sakalin!

Nadinig ko na naman siyang humagikgik at tila tuwang tuwa sa nangyayari.

Parang gusto ko nag iuntog ang aking sarili sa lamesa. Nakakahiya talaga.

"Put that down Barbara. Gusto kong makita ang mukha ng girlfriend ko," pang iinis na naan sakin ni Cloud at hindi ko na napigilan. Mabilis kong naibaba ang hawak na libro at akmang ihahampas sa kanya ngunit tumawa lamang siya ng napakalakas.

Nakakagigil!

Pulang pula na ang kanyang mukha at halos kapusin na ng hininga. Bakit hindi pa siya matuluyan, walangya siya!

Kanina kase ay sinusundan na naman ako ni Macky, yung isa sa mga player ng basketball team dito sa paaralan. Simula nang naging kaklase ko siya sa isa kong subject nung nakaraang taon ay hindi na din niya itinigil ang pangungulit sakin.

Matagal ko na siyang tinapat at sinabihang tigilan ang kakagulo sa akin ngunit may sa bunot yata ang kakapirangot na utak ng lalaking iyon, hindi makaintindi.

Madalas ay nagtatago ako sa tuwing makikita ko siyang parating at mabuti na lamang ay medyo busy ang mga atleta sa paaralan dahil aktibo sila sa pakikilahok sa mga paligsahan sa labas.

Kaya lang kanina ay natyempuhan niya akong naglalakad sa hallway. Ang masama pa nito ay kasama niya ang kapwa niya mga kateam at tuwang tuwa na tinutulak siya palapit sa akin. Macky, I can handle but another three of his teammates? Nah.

Ang mga punyeta, akala yata ay kinikilig ako e ang baho baho nila. Katatapos lang yata nilang maglaro at inuna pang rumampa sa hallway kaysa maglinis. Ang kakati!

Hindi ako katulad ng ibang babae na nanginginig ang puwetan kapag nakakakita ng mga lalaking nakapambasketball kahit pa nga may itsura naman sila.

Okay naman sana si Macky. May ibubuga naman ang mukha at mayaman din naman. Ang alam ko ay marami ring babae ang nagkukumahog na mapansin niya. Kaya lang ay hindi ang mga tulad niya ang tipo ko. Hindi ko nga alam kung may standard nga ba ako sa pagpili ng taong magugustuhan. Wala din naman akong matandaang pagkakapareho ng mga nagustuhan ko dati. Basta pag crush ko ay crush ko. Wala ng dahidahilan.

Ang bilis na naging paglalakad ko sa hallway makalayo lamang sa kanila pero ang mga kasamahan niya ay para pang nananadya. Ang dalawa ay naglakad pa ng paatras sa habang nakaharap sa akin. Sana matapilok.


"Bobbie, date daw kayo ni Macky o!" pangungulit ng isa. Si Macky na sumasabay sa aking gilid ay lalo ng namula dahil sa kanilang pang iinis. Hinahampas hampas pa siya ng isa niyang kasama. Akala mo sila ang mga babae, ang haharot!

"Oo nga Bobbie! Isang date lang. Pagbigyan mo na tong bata namin. Matagal ka na ding gusto ni Macky e,"


Gusto ko ba? Nais ko sanang isagot ngunit nguniti na lamang ako ng tipid. Ayaw ko din naman silang makausap. Isa pa ay ayaw ko ding mapahiya si Macky dahil kahit paano ay hindi niya ako pinilit sa kahit ano.

"Ano, ahm," nahihiyang awat niya sa mga kasama. "Tara na. Baka may gagawin si Bobbie," alanganin niyang turan. Parang pumalakpak ang tengga ko. Nakaramdam din!

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon