41

2.6K 101 36
                                    

Memories...


"Cloooouuuudddddd!!!!"

Umalingawngaw yata sa buong mansyon ang aking boses sa sobrang lakas ng aking naging pagsigaw.

Parang sasakit yata ang ulo ko sa sobrang stress. Ano na naman ang ginawa ng mag ama ko at parang dinaanan ng pitong bagyo ang kwarto?

Kadarating lang namin sa bahay ni Andrea. Dinalaw namin si Xantha sa opisina kasama si Ahyessa dahil nagmumuryot na naman. And I wasn't even out for more than four hours ngunit ang kwarto ay parang dinaanam ng pitong bagyo sa sobrang gulo. May mga damit na nakakalat sa sahig at sabog na sabog ang kama. And daming unang nakakalat at may mga patak na kung ano ang sahig.

Pintura ba yun?

Nagulat ako ng tumatakbong dumaan si Alexo sa may pintuan. Tapos bumalik, "Sinong manganganak?" taka niyang tanong. Napairap na lamang ako tsaka lumabas ng kwarto.

"Saan kuya Ulap mo?" tanong ko sa kanya  na ikinalaki agad ng kanyang mga mata bago tinakpan ang kanyang tengga.

Kelan ba tatanda tong si Alexo? Iniisip ko pa lang na magkakababae na siya ay parang hindi ako makapaniwala. Baka tumanda na lang siyang binata.

Napailing na lamang ako ng magtatakbo na naman siya paalis habang takip takip pa din ang kanyang tengga. Pinagtatakpan na naman nito ang kuya niya, malamang.

Nagmartsa ako pababa ng hagdan. Lagot talaga silang dalawa sa akin. Noong isang araw ay sa kusina ko sila naabutan. Tinuturuan ni Ulap magdesign ng mga cupcake si Teesha kaya lang nakakatakot yung mga design. Mabuti na lamang din at hindi sila nagbake. He at least know not to something dangerous e daig niya pa naman ang anak namin minsan sa pagiging isip bata.

"Ulapppp!" sigaw ko ulit. Nasaan na naman ba sila?

Napansin ko si Manang na may dala dalang tray na may mga basong gamit na. Tatawagin ko sana siya ngunit ng magtama ang aming paningin ay para siyang nakakita ng multo at biglang tumalikod. Ang bilis niyang nawala sa aking paningin.

Napaawang ang aking labi. Ang tanda naman na sana ni Manang pero bakit parang ang lakas niya bigla?

Naningkit ang aking mga mata nang maalala kung ano ang dala ni Manang. Iyon ang basong si Teesha lang ang gumagamit. Binili ng Pappy Bear niya iyon. Nagmartsa ako papunta sa dulong bahagi ng mansyon kung saan naroroon ang studio ni Ulap.

Is he painting with Teesha?

Sinabihan ko na siya noon na huwag paglalaruin ng pintura ang bata. Masyadong makulit si Teesha at baka malagyan ang mata niya. Besides, the smell of the paint isn't good for her.

Sabi naman ni Ulap ay mga non-toxic naman daw iyon at may mga binili din siyang magagamit ng bata but as much as I hate to admit it, Teesha didn't get her father's talent in arts. Ang nakuha ni Teesha ay ang talent kong maging masungit.

Pag lampas ko sa nakasarang kwarto ni Kuya Milan ay lumiko ako patungo sa studio ni Ulap. Lagot talaga sila sa akin ang mag ama na iyan. Dyan sila magaling na dalawa e, magkakuntyaba sila sa mga kalokohan.

Sa totoo lang ay palaisipan pa din sa akin kung paanong sobrang lapit agad ni Teesha sa kanyang ama samantalang tanda ko pa dati kung paanong nasasabi niya na bakit hinahanap ni Taias ang kanilang mga ama samantalang kasama naman nila ako at ang Tito Erish nila. She never asked about him nor showed any interest about meeting her father. Palagi siyang walang pakialam. Ngayon ay mas sumusunod pa yata siya kay Ulap kaysa sa akin!

Hindi ako kumatok at dahan dahan ko na lamang pinihit ang seradura ng pintuan. Nang bumukas iyon ay handa na sana akong sigawan ng dalawa ngunit napatigil ako sa aking nakita.

CLOUD (P.S#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon