Chapter O9 :

2.3K 60 58
                                    

FanArt by : Nicole

◎◎◎◎◎

 
*Euphemia's point of view*

MATAPOS akong tingnan ni Director Han ay mabilis na rin itong lumabas ng kuwartong inukupa ko. Napatayo ako at pumunta sa harap ng salamin sa banyo. Pinagmasdan ko ang dalawa kong mata kung may nagbago ba rito o kung may kakaiba bang nangyari.

"Bakit kaya pagdating dito sa mata ko kinakabahan talaga ako. Parang may mali bukod sa nagiging violet ito."   sabi ko habang masuri ko itong tinitingnan.

Bigla ay naalala ko 'yung bagay na dinampot ko sa damuhan kanina lang nung may rabbit pa akong nakita.

Lumabas ako ng banyo at pumunta sa may bedside table kung saan ko ito inilapag kanina.

"Parang pamilyar sa akin ito."   pilit kong inaalala kung saan ko nga ba ito nakita.

Bigla akong nanginig at nakaramdam ng takot nung may nag-flash sa isip ko dahilan para mabitawan ko ito.

Pakiramdam ko ay tumaas ang temperature ng aircon sa loob ng silid na ito. Nanlamig ako ng sobra. Nang makabawi ako mula sa takot na naramdaman ko ay napatingin ako sa tiles kung buo pa ba ang lalagyang iyon. Pero ni kapirasong bubog ay wala akong nakita.

"Master, okay ka lang ba?"

Mabilis akong napatingin sa gilid ko at nakita ang nag-aalalang mukha ni Hiroki.

"Ah,"   magsasalita sana ako ng mapatingin sa kamay niya. Hawan ni Hiroki ang lalagyang nabitawan ko.

"Nakita kitang natulala at nabitawan mo ito. Mabuti nalang nasalo ko agad."   paliwanag niya habang pinaglalaruan ang lalagyan sa kamay niya.

Parang nawalan ako ng panimbang dahilan para mawalan ako ng balanse. Maagap na nahawakan ako ni Hiroki para hindi matumba.

"May problema ba? Prinsesa?"   nag-aalalang tanong niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa braso ko.

Napailing ako. Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero nang makita ko 'yung lalagyan ay kinilabutan ako.

"Prince Reign."   naisambit ko.

"Prince. Reign?"   naguguluhang tanong ni Hiroki.

Umiling ako. Kinalma ko ang sarili ko.

Focus Euphy, focus.

"Ah, wala, may naalala lang."   sagot ko. Mabilis kong kinuha sa kamay niya ang lalagyan at ipinasok ito sa drawer na nasa bedside table.

Naguguluhan niya akong tiningnan dahil sa naging kilos ko.

Tumayo ako ng tuwid at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tumikhim ako.

"Kumusta? Naabutan mo ba 'yung hinahabol mo?"    pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa lalagyang iyon.

"Hindi, mabilis sila."   tipid na sagot niya at naglakad papunta sa may sofa.

Sinundan ko siya at umupo sa kaharap niyang sofa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon