Chapter O2 :

2K 68 29
                                    

FANMADE by : Cheena Gabriel Jeon (on facebook)

Thankyou so much. Love it! 😍

enjoy reading!

(Pahiram ng mga pangalan ng ibang readers ko. Para hindi na ako mag-iisip pa. char!)

- Yazuakie 💙💚💛

▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

*Euphemia's point of view*


TAHIMIK kaming kumakain ni Nurse Rose Ann sa cafeteria ng hospital na nasa ground floor nung umupo malapit sa puwesto namin 'yung mga doktorang nakasabay namin kanina sa elevator. Kahit na hindi ko sila lingunin ay ramdam ko ang mga matatalim nilang tingin.

"Ang mga hunyango."  bulong ni Nurse Rose Ann habang iniinom ang iced tea niya.

"Hmm.."  napatingin ako sa plato ko.

Masarap ang lasa ng pasta na ito. Parang pamilyar sa akin ang taong nakakagawa nito.

Inilibot ko ang aking tingin para hanapin ang taong makakagawa ng ganitong luto. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko si Chef Cheena, one of my top ten assassins sa gang noon. Mag-isa lang siya sa mesang inikopa niya at nakatingin sa akin. May kung anong saya na mababakas sa mukha niya.

It's been three years since the last time I saw her. Nung nagpaalam siya na magtratrabaho abroad. She's a very good chef na talagang hahangaan mo.

Nakabalik na pala siya ng pinas.

Napatingin muli ako sa pastang kinakain ko. Hindi ko maiwasan ang maging malungkot.

Anim na taon na rin ang nakakalipas simula nang buwagin ko ang gang matapos magawa 'yung mga plano ko. Kahit marami sa mga members ko ang ayaw na mangyari iyon dahil parang ikalawa na nila itong pamilya. Hindi pa rin nila nabago ang desisyon ko. Dahil sa alam ko na hangga't buo ang gang, marami ang magkaka-interes na mapasakamay nila ito. Lalo na 'yung mga gahaman na pulitiko na gustong magkaroon ng kontrol gamit ang gang.

"Nakakawalang gana talaga kumain lalo kung may masamang hangin."

"Kaya nga girl, kahit anong sarap ng pagkain dito. Nakakawalang gana talaga."

"How I wish, maglaho na siya rito sa hospital."

"Por que sa Sandoval's Hospital siya galing eh, puwede siya rito sa top 1 na magandang hospital."

"Baka mayroong backup kaya nandito siya. Imposibleng makapasok ang gaya niya. From the top 3 hospital to top 1, real quick!"

"Baka nilalandi niya si Director Han kaya siya nakapasok."

"Kaya nga eh, 'yon din iniisip ko nung makita ko silang magkausap kanina."

"Akin lang si Director Han!"

"Anong sa'yo? Akin kaya siya."

Nag-angat ako ng tingin at nilingon ko sila. Para silang power puff girls dahil sa tatlo sila at may pagkakatulad sila na boyish like Buttercup, self-proclaimed leader of the Powerpuff Girls like Blossom at pa sweet like Bubbles.

"Infairness parang megaphone 'yang mga bibig ninyo, kahit diyan lang ang usapan ninyo."  sabi ni Nurse Rose Ann habang kinukumpas ang isang kamay na tila may ginuguhit na line.  "Rinig hanggang dito sa mesa namin."  pagpapatuloy niya.

"So what?"  mataray na sagot ng isa. Blossom.

Tumikhim ako at tumingin kay Nurse Rose Ann.   "Hayaan mo na silang sabihin ang gusto nila. Kung iyon lang naman ang dahilan kung bakit sila nasa top 1 hospital. Ang magsalita ng hindi maganda lalo sa kapwa nila doktor."

"Tama ka diyan, sumasahod sila na doble-doble tapos ganito 'yung inaatupag nila."  may pagdidiin na sagot niya sa akin.

"Ang doktor ay nagliligtas ng buhay at gumagamot ng taong may sakit. Hindi 'yung nagtsitsismis at nangangailam ng buhay ng iba."   I said in my cold voice.

Hindi ako ganito ka vocal na nasasabi agad kung ano ang naiisip ko. I am used to hide my feelings and emotions. But when I met him (Aldrich), I realized that I need to say it. Nakakagaan pala ng pakiramdam kapag nasabi mo 'yung gusto mong sabihin.

Nakarinig ako ng sigaw na parang galit kasabay ng paglipad ng maliit na kutsilyo patungo sa akin. Dahil malakas ang instinct ko kahit nasa kaliwang gilid ko ito ay mabilis ko itong nasalag at ibinalik sa direksyon kung saan ito nanggaling.

"P*ta!"  mura niya. Blossom.

Bago ko lingunin ang mesa nila ay nakita ko si Chef Cheena na biglang tumayo sa kinauupuan. May ilan na naroon na biglang kumilos palapit sa lugar namin na mabilis kong sinenyasan na huwag makialam.

Hindi ko akalain na marami sila. Ang mga members ng gang ko. Naglilikod pa rin sa akin sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa hospital ko. Nananatili pa rin ang kanilang katapatan kahit wala na ang gang.

Tumayo ako at tumingin sa mesa nilang tatlo. Kitang-kita ko 'yung gulat at takot sa mga mukha nila. Dahil 'yung maliit na kutsilyong tatama sana sa akin ay nakatarak sa kinakaing steak ni Blossom na nakalagay sa platong nagkapira-piraso.

"Kaunting ingat sa paghawak ng kutsilyo. Baka hindi ka na sikatan pa ng araw kapag nagkamali ka ng bato." masama ko siyang tiningnan habang binibigyan siya ng nakakamatay na tingin.   "Wala kang karapatan na maging doktor."   pahabol na sabi ko at naglakad na palayo sa lugar na iyon.

Sa Sandoval's Hospital ako nag-residency training after ng medical schooling ko sa Stadtfeld Academy. Nung mga panahong wala ako sa tabi ni Aldrich at inakala niyang napatay niya ako. Inasikaso ko ang pagpapatayong muli sa Sandoval's Hospital. Pinaganda ko ito at mas pinabago ang mga kagamitan. Dahil mas advance ang technology sa bansa ko, ilan sa mga gamit doon ang idinala at inilagay ko sa hospital. Para mas marami ang magamot at matulungan na tao. Anim na buwan palang ako na nandito sa Misaki's Hospital pero may sarili akong opisina. Samantalang 'yung tatlong iyon ay naghahati sa isang opisina kahit na nasa dalawang taon na silang nagtratrabaho.

"Okay ka lang ba? Dra. Stadtfeld?"  tanong ni Nurse Rose Ann sa akin mula sa likuran ko.

"I'm fine, dalhan mo nalang ako ng tea sa opisina ko."  sabi ko na patuloy pa rin sa paglalakad'.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.   "Nakakatawa talaga 'yung mga itsura nilang takot na takot at gulat na gulat. Pero, alam mo Dra. Stadtfeld ang cool mo kanina. Sa mga movies na action ko nakikita 'yung ganoong moves. Mahilig ka rin sa action movies?"  masiglang tanong niya.

"Sort of."  tipid na sagot ko.

Mas okay 'yung naiisip ni Nurse Rose Ann na mahilig ako sa action movies kaysa malaman ang totoo na isa akong gangster.

Nang makarating ako sa opisina ko sa 6th floor ay umupo muna ako sa upuan ko. Napalumbaba ako.

"Kumusta na kaya silang lahat?"  mahinang tanong ko.

Wala ang besty kong si Sharrise dahil nasa japan ito kasama ni Travis, tatlong taon na rin silang naninirahan doon. 'Yung ibang member ko ay wala akong balita dahil hindi ko naman inalam ang mga kalagayan nila.

Kinuha ko ang cellphone sa coat ko at nag-dial ng number. Isang ring palang ay may sumagot na agad.

[Master!]   tila gulat na tawag niya sa akin sa kabilang linya.

"Mabuti naman natatandaan mo pa ako, Ram."   I said in my cold voice.

[S'yempre naman Master, matagal ko na rin hinihintay ang tawag ninyo.]   may halong takot at saya na sabi niya.

"I want you to do something, can you do it secretly?"   tanong ko.

[Ano po 'yon, Master? Gagawin ko po ng walang pag-aalinlangan.]   he manly said.

"I want to know about them, I mean, kung kumusta na silang lahat. Ang member ng gang ko."   mahinang sabi ko na sapat para marinig niya.

[Copy, Master!]   masiglang sagot niya.

"Thank you."   I said and I ended the call.

Napatingin ako sa picture frame na nasa mesa ko. Family picture naming lima. Si Aldrich, ako, si Yohan, Riechen at Reijohn.

"Nami-miss na kayo ni Mommy."   sabi ko na puno ng pananabik.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na hawak ko pa rin. May nagbi-video call sa akin kaya mabilis ko itong sinagot.

[Mommy!]   sabay-sabay nilang tatlo na tawag.

I giggled.   "Hi babies!"   nakangiting bati ko na kumakaway pa.

[Ako muna kakausap kay Mommy.]   agaw ni Reijohn kaya mukha niya ang nakikita ko sa screen. Parang hindi magkasya ang mukha niya dahil sa sobrang lapit nito.   [Mommy, I love you!]   halos maiyak na sabi ni Reijohn.

Napangiti ako. Reijohn is really sweet like his Daddy Aldrich. He loves kissing my cheeks and saying I love you nonstop. Kaya minsan nagpagseselosan siya ni Aldrich. Nakakatawa na kahit sa sarili niyang anak ay nakakaramdam ng selos si Aldrich.

[Ang usapan, kakausapin nating tatlo si Mommy. Hindi 'yung sosolohin mong kausapin!]   mataray at malamig na sabi ni Riechen na hindi ko makita sa screen dahil sa mukha ni Reijohn.

Kahit limang taong gulang palang ang kambal ay matalas at maayos na silang magsalita. Parang si Yohan noon. Namana ni Riechen ang pagiging cold ko.

[Mommy,]    parang maiiyak na tawag sa akin ni Reijohn. Nakakagat ito sa ibabang labi na tila nagpipigil na huwag umiyak.    [I love you, I love you!]    sabi pa niya sabay kiss ng ilang ulit.

[Ano ka ba naman!]   sigaw ni Riechen.

Nangingiting napailing ako habang kulay itim ang screen. Mukhang pinupunasan ni Riechen ang phone na gamit.

"Riechen, gusto kong makausap si Reijohn ng saglit."   utos ko dahil naririnig ko ang pag-iyak niya.

Nung makita ko si Reijohn sa screen ay parang gusto kong lumipad papuntang palasyo para yakapin ito. I miss this sweetie patotie.

"I love you too and more my Reijohn. Huwag na iyak, love ka ni Mommy."   sabi ko na nagpipigil ng iyak dahil sa pagka-miss.

Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang likod ng palad niya. Ngumiti siya at nag-flying kiss.   [I love you more.]

[Mommy, mamaya na uli ako tatawag, ha? Tinatawag kami nila lola reyna at lolo hari.]   paalam ni Riechen na mabilis na i-end ang video call.

"I miss my kids!"   sabi ko na napasandal sa upuan at napapikit. Natawa ako ng bahagya nang makita si Yohan kanina na napapakamot lang ng ulo sa dalawang kapatid.

Yohan is now eleven years old. Bakas na sa mukha nito ang future dahil napaka guwapong bata nito at matangkad na rin. Parang kailan lang nung karga ko pa siya at kasamang kumain ng ice cream.

"Ito na po 'yung tea mo, Dra. Stadtfeld."

Pagdilat ko ng mata ay nakita ko agad si Nurse Rose Ann pinapatong ang tea sa mesa ko.

"Salamat."   sabi ko.

"Naka-contact lense ka?"   bigla ay tanong niya.

"Natural na kulay asul ang mata ko."   sagot ko ng hawakan ang tasa ng tsaa.

"Uh, alam ko naman 'yun kaso violet kasi ang mata mo. Sige, labas muna ako para kunin 'yung record ng pasyente."   nagtatakang tanong niya na lumabas na ng opisina.

Mabilis kong kinuha ang salamin ko sa drawer at tiningnan ang mata ko.

"Geez."

Kulay violet nga ang mata ko. Dati naman ay kulay asul ito, hindi ko alam kung bakit nagkukulay violet ito. Dahil ba sa napaiyak ako? Stupid! hindi naman ito nagkakaganito dati.


She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon